Chapter 13 #Awkward

243 16 0
                                    

Stephanie's POV

T_T

Napahawak ako sa ulo ko. Sht! Ang sakit. Parang umiikot yung paligid ko. At sobrang dilim. Am I dead?

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at una kong nakita ang liwanag. Hala? Nasa heaven na ba ako?

"Stephie?"

May narinig akong boses ng lalaki. Lumingon ako at may nakita akong pamilyar na mukha. Bakit siya nasa heaven? Patay na ba ako?

I tried to reach out at kinapa kung sino man itong nasa harapan ko. Naramdaman ko namang hinawakan niya ang aking kamay.

Teka, bakit ko siya nararamdaman? Diba kapag patay na, you're not suppose to feel anything?

Ang blurred pa kasi ng paningin ko kaya hindi ko maaninag kung sino itong tao na hawak yung kamay ko.

"Stephie, okay ka na ba? Gusto mo ipatawag ko yung nurse?"

Nurse? Nasa ospital ba ako?

Kinusot ko ang aking mga mata at kitang-kita ko na kung sino.

O_O

Agad kong ni-retrieve yung aking kamay at napaupo ako. What is he doing here?!

"Teka, wag ka munang uupo, baka mahilo ka." agad naman siyang umalalay. Nagulat ako dahil ang lapit niya. Sobra. Sht! Feeling ko namumula ako.

He is now holding my arm. Bakit hindi ako maka-angal? May gusto sana akong sabihin kaso napapaurong ang dila ko kapag kaharap ko na siya and I don't know why.

"How are you feeling?" tanong niya. He seems concerned but I shook that idea. Psh! Asa!

"I'm fine. Just a little headache." sagot ko.

"Do you want me to call the nurse? Baka pwede kang bigyan ng gamot para dyan." finally, binitawan na niya ako at saka siya tumayo.

Umiling ako. Ayoko. At ayokong makarating ito kina oppa kasi for sure they'll take me to the hospital again. T_T

"Paano na yang headache mo? Are you hungry? Or maybe thirsty?"

Bakit parang sobra pa sa nanay yung pag-aalala niya sa akin ngayon? Why all of the sudden? Hindi ako sanay. Gosh! This is really awkward. Hindi ko alam kung anong ikikilos ko kapag ganito siya.

"Hindi. I said, I'm fine na. Don't worry much. Gusto ko lang na makauwi na ako. Yun lang." sabi ko at inayos ko ang aking pag-upo sa kama saka yumuko.

"Okay. Sasabihan ko nalang yun nurse na gising ka na. Dyan ka lang. I'll be back." he said. Tumango nalang ako bilang sagot at saka siya lumabas ng clinic.

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil wala na siya. Makakapag-isip na rin ako ng maayos. Kainis eh! Yung puso ko nagwawala na naman.

I really don't get him. Pero sana ganito nalang kami. Yung kinakausap na niya ako. Baka kasi after this incident, back to normal again. Hays! :/

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon