Chapter 19 Flashbacks- #TheLetter

209 13 0
  • Dedicated kay Stephanie Yoon
                                    

Stephanie's POV

[Junior's Years]

2 days after ng karumal-dumal na "It's Complicated" na issue nung Chemistry time namin ay hindi na natigil yung pag-iintriga sa amin ng mga kaklase namin.

T___T

Kasi naman! Nakakainis! Bakit naman kasi ganun yung sagot niya? Nakakapanlulumo. Hindi kasi ako sanay sa mga ganung bagay. Alam niyo yun? Yung feeling ng awkwardness? Kami yun. Ganun na ang naging status namin after. Akala ko magiging friend ko na siya pero hindi pala.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Sa may terrace, actually. Nagpapahangin lang. Kanina ko pa pinag-iisipan kung papadalhan ko ba siya ng letter o hindi. Wala lang. Gusto ko lang sabihin sa kanya yung saloobin ko. Hindi ko kasi masabi ng personal. Kaya sa letter ko nalang lahat dinadaan.

Okay. Nakapagdecide na ako. Susulatan ko nalang siya. Bahala na. And besides, hindi naman ako ang mag-aabot sa kanya nun noh.

Pumasok agad ako sa room ko at umupo sa desk. Naghanap ako ng pad paper at ballpen at nagsimula ng magsulat ng mala-nobelang sulat. De joke!


Dear Aiden,

Hi! Hello! Hehe! :) How are you? Welcome nga pala sa school namin. Alam ko namang transferee ka. :D Errr? Ahm? So, ganito, nung isang araw, chem natin, ano... kasi... nagtataka lang ako, bakit "it's complicated" yung sinagot mo dun sa tanong ni Casey? I mean, no offense ha, pero kasi..... pwede mo naman sagutin na hindi diba? Kasi.... ano.... sa totoo niyan, gusto ko sana maging friends nalang tayo. :) Kung pwede. Kasi.... well... bawal pa kasi. You know what I mean. Sorry. At saka.... mas maganda naman siguro kung magkaibigan tayo diba? Actually nung una palang gusto na kitang maging friend kaso nahihiya kasi ako nun. Sensya na. ^__^v

So ayun. Sorry talaga. And also feel free to reply on this letter. :) I just want to know your feedback. Hihintayin ko yun ah. :) thank you!

Love,
Stephanie


******

[Kinabukasan]

Pinakita ko naman yung gawa kong letter for Aiden sa bestfriend kong si Anna. Syempre may right din siyang malaman yung hinanakit ko.

"Stephie? Sigurado ka bang ibibigay mo 'to sa kanya? Para namang may meaning 'to." Sabi niya sa akin.

"Anong meaning ka dyan? Kasi naman eh! Nababagabag na ako. Gusto ko lang naman itanong sa kanya yung about sa "it's complicated" thing na yan. You know me, curiosity can kill me."

"Bakit hindi mo siya tanungin sa personal? Akala ko ba gusto mo siya maging FRIEND?" at inemphasize pa niya yung friend. -.-

"Eh! Ayoko nga! Pwede naman sa letter. And may favor ako sayo." ngiting-ngiting sabi ko.

"Ano naman?"

"Pwede ikaw magbigay sa kanya? Pretty please?" pagmamakaawa ko sa kanya.

Well, hindi naman sa hindi ko kaya pero kasi nahihiya akong ibigay. At saka for sure hot seat na naman ako kapag ginawa ko yun. -__-

"Okay. Oo na. Ako nalang magbibigay." Sabi niya at tinupi na niya ulit yung paper at nilagay sa envelope. Oh ha. Sosyal. Naka-envelope pa. "Ngayon na ba?" Tanong niya.

"Nope. Mamayang gabi nalang. Pag uwian na natin. Thanks ah." At niyakap ko siya.

*****

[Dismissal]

This is it! Uwian na rin. Nagpahuli kaming lumabas ni Anna sa school. Syempre as always, nauunang umuwi sina Aiden kasama yung mga new friends niya. Pero alam ko namang hindi pa nauwi ang mga yun. Kaya eto kami, susundan sila. Para lang maibigay yung letter.

Nang makalabas na kami ng school ay nagsimula na kaming maglakad ni Anna. Nakakapit lang ako sa arm niya. Kinakabahan ako. Oh shocks! Parang hindi na ko nasanay ah.

Sa 'di kalayuan ay nakita na namin sila. Tumigil na ko sa paglalakad at pati na rin si Anna.

"Anna, ikaw nalang lumapit. Maghihintay nalang ako dito ha?"

"Eh? Bakit? Aba! Sumama ka. Ng makita ka naman niya. Yieee!" Sabi niya sabay hila sakin. Nag-restraint naman ako.

"Ayaw! Sige na oh. Tapos wag mong sabihin na sa akin galing. Tell him na... may nagpapabigay lang sa kanya. Basta mga ganun." I said at ako naman ang gumanti. Pinagtulakan ko na siyang maglakad towards them at wala na siyang nagawa kundi sumunod. Haha! Yes! All I have to do is wait.


Nilabas ko muna phone ko habang naghihintay. Tumingin ng mga text at kung may tumawag ba.

"MOMMY GG! OKAY NA!" Nagulat naman ako sa sumigaw. Lumingon ako. Si Anna lang pala. -.-

"Huy! Wag ka ngang sumigaw. Gabi na oh. Tsk tsk!" Kahit kailan talaga. Napakakulit.

"Sarrey mommy GG! Haha!" At nagpeace sign siya.

"Psh! And stop with that mommy GG thing. Nakakairita. Ayaw kong marinig yang GG na yan. Grrr! Naaalala ko na naman yung------- argh!" At napasabunot nalang ako sa frustration. Woo! Kalma lang Stephie.

"Easy ka lang. Haha! Wala ka ng dapat ipangamba. Babasahin naman ni Aiden yun eh."

"Psh! Whatever. Basta. Hayaan mo na. At least ngayon nawala na rin yung tinik sa heart ko. Haha! Umuwi na nga tayo." Pag-aaya ko sa kanya.

"Tara!" At sabay na kaming naglakad pauwi.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon