Chapter 5 #TheHandkerchief

345 19 3
                                        

Stephanie's POV

Yes! Thank God I'm done writing down my notes. Makakauwi na rin ako.

"Summer! Uwi na tayo. Tapos na ako magsulat." nag-stretching muna ako.

Grabe. Kapagod. Ngayon ko lang napansin na kami nalang pala ang tao dito. Kanina pa kasi umalis sila Spencer at yung lalaki na yun. Sensya na. I'm not used to say his name. Basta! Long story.

"Okay. Ako rin. Inaantok na nga ako eh." sabi niya sabay hikab.

"Haha. Akala mo ikaw lang? Mas lalo na ako noh." sabi ko at nag-ayos na ako ng gamit.

After nun ay nilisan na namin yung library. Pagkalabas namin ng school ay laking gulat ko nang makita ko sila Spencer sa may gilid ng gate. What are they doing here? O.o?

"Uy Spencer! Gawa niyo dyan? Bakit hindi pa kayo nauwi?" tanong ko sa kanya.

"May ibibigay daw kasi 'tong si Aiden sayo. Sige. Maiwan ko muna kayo." sagot naman niya at saka niya nilapitan naman si Summer. Naks. Kinikilig ako sa kanilang dalawa. ❤

Pero ano daw sabi niya? Argh! Here we go again.

I just sighed. Nilingon ko naman si Aiden. "Uhm... ano yung ibibigay mo?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Instead, may inabot siyang panyo. Bigla ko namang kinapa yung bulsa ko. Hala? Kaya pala. Kanina ko pa hinahanap yun.

"Naiwan mo 'to kanina sa table sa canteen." sabi niya.

"Ah.. eh.. ganun ba? Thanks. Akala ko nawala na ng tuluyan yan." I said and kinuha ko na yung panyo ko sa kanya at agad na nilagay sa bulsa ko.

"Stephanie! Tara na. Tama na yang lambingan niyong mag-asawa. Hahaha!" What on earth is she talking about?! Mag-asawa?! Psh!

"SUMMER! BWISET KA! WAG KANG GANYAN! ISUSUMBONG KITA KAY VANN!" sigaw ko sa kanya.

"Bleh! Yieee! Nag-uusap na sila." patuloy niyang pang-aasar sa akin. Lagot talaga 'tong babae na 'to sakin. I will make sapak at her na.

"Naks. Okay lang yan Stephanie. Bagay naman kasi kayo ni Aiden." isa pa 'tong si Spencer eh. Pagkaisahan daw ba ako?

"Eh? Ano ba yan! Aish. Umuwi na nga kayo. Kaasar naman oh." Irita kong sabi sa kanila.

"Haha. Sige. Bye. Ingat! Oi Aiden! Magpaalam ka na sa asawa mo. Pfft!" >____< Ano ba yan! Sinamaan ko ng tingin si Spencer.

"Haha! Ikaw nalang magpaalam Stephanie. Nahihiya daw siya eh."

"Psh! Ewan ko sayo. Bye na nga." and I waved at them. Take note, hindi po ako nakangiti. Like grrr! After kong mapahiya sa tingin niyo makakangiti pa ako? -_____-

"Haha! Sige. Ingat ka daw sabi ni Aiden. Yieee!"

Seriously? Tss. Tinalikuran ko na sila at hinabol ko naman si Summer. Dead meat 'tong babae sa akin. Ang laki ng atraso niya.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon