Chapter 33 #StateTheObvious

94 7 0
                                    

Anna’s POV

Hays! Ang hirap pala ‘no? Kapag may isa kang magulang na ubod ng istrikto. Yung tipong may gagawin kayong isang project na gaganapin sa ibang bahay, magtatanong muna ‘yan kung may kasama bang lalaki, kung saan ba ‘yang bahay, kung kasama ko ba si Stephie. Diba? Dinaig pa ang isang investigator sa sobrang daming tanong eh. Nagpaalam ka lang ng maayos tapos raratratin ka ng mga stupid questions. Hindi sa pambabastos ha, pero kasi, kung matino ka mag-isip, malamang common sense, may ka-grupo akong lalaki, unless yung groupings ay ang basis ay group of friends. Eh uso kasi ang count-off sa groupings para daw fair at walang mapag-iiwanan.

Hindi ko na alam. Feeling ko kasi, minsan, nasasakal na ako sa mga rules ni dad. Kahit na alam kong ginagawa lang niya ‘yon for my own good na rin. Pero kasi, it’s all too much na. Malaki naman rin ako saka nasa tamang pag-iisip na rin, although may pagka-slow sa ibang bagay, pero nandyan naman si mom at si Stephie, who is my second mommy, para gabayan at suportahan ako. Kaya love na love ko sila eh. Pati naman rin si dad, kahit na ang sungit niya minsan tapos ang higpit pa pagdating sa’kin, still, mahal ko siya. Siya ang first and last love ko, kung sakaling hindi magka-boyfriend. Haha!

Okay, tama na ang drama moments. Mas lalo akong nabuburyo dito sa kwarto. Wala akong magawa kundi tumunganga sa kisame. Aish! Kung nandoon lang sana ako sa practice namin, edi sana nakikipag-kwentuhan na ako kay Stephie. Alam kong madaming ichichika ‘yon sa’kin, lalo na tungkol sa kanila ni Aiden. Ahihi! Alam niyo, sa tuwing nakikita ko silang dalawa, hindi ko maiwasang kiligin. Kahit na medyo awkward sila sa isa’t-isa pero ako, ramdam ko ang sparks. Kasi may alam ako tungkol kay Stephie na hindi niyo alam at hindi rin alam ng mga kaibigan namin. Oo. Deepest secret niya ‘yon na sa’kin lang niya pinagkatiwala. Syempre, the benefits of being her best friend and daughter. Haha! Tapos lalo na ngayon, magka-grupo pa sila. Yieeeeee! Kamusta naman kaya siya ngayon sa magiging bahay na niya soon. Tawagan ko kaya? Nah! Baka hindi niya sagutin kasi busy siya sa pakikipagharutan d’on sa soon-to-be asawa niya.

Ay! Anna! Kakaibabe ka na kung mag-isip! Tsk tsk! Harot talaga? Hindi ba pwedeng landi muna? Jusko! Malala din ‘yon. Si Stephie kasi, mapang-impluwensiya. Makalayo nga sa kanya minsan, ano?


--


Stephanie's POV


Nakahalumbaba ako ngayon sa lamesa habang nakatingin na naman sa kawalan. Dinadamayan ko kasing mag-isip si Daddy V ng magiging concept namin para sa roleplay. Pero sa isip-isip ko, mahabang panahon naman ang binigay sa'min. Bakit napaaga ang pagpapraktis? Nakakapanibago naman. Madalas kasi ang habit namin na on-the-spot ang paggawa ng isang project or the day before the deadline gagawin. Siguro sinisipag itong si Daddy V ngayon kaya ganun.

Halos kumpleto na kami dito. Ang wala lang ay yung anak ko at si Mary. Ipinaalam ko na kay Daddy V yung tungkol sa kalagayan ng anak ko. Na hindi siya makakapunta. Si Mary naman, baka late lang so hihintayin nalang namin siya. Yung iba ko kasing ka-grupo, may kanya-kanya nang ginagawa kesa tulungan kami ni Daddy V dito na mag-isip. Si Monique at Maria, nagku-kwentuhan d'on sa may malapit sa gate. Sina Paolo at Aiden naman, naglalaro sa kanilang cellphone. Napa-buntong hininga ako. Walang pumapasok na kahit anong ideya sa utak ko ngayon.

"Ano? May naisip ka na?" tanong sa'kin ni Daddy V.

Tiningnan ko siya at umiling. "Ang hirap naman kasi ng napunta sa'tin na concept. Hindi pa ata tayo pinapanganak n'yan nung pinalabas na yung ganyang mga pelikula."

Kung bakit kasi 90's love story movies ang napunta sa'min. Bukod sa kulang kami ng impormasyon tungkol d'yan ay iilan lang sa'min ang talaga namang makakapal ang mukha at kayang umacting sa harap ng maraming tao. Ang saklap naman para sa mga taong hindi biniyayaan ng limpak-limpak na talento. Tapos idagdag mo pa na tungkol sa pag-ibig ang konsepto. Strange, isn't it? Pero alam kong kakayanin na nila Paolo at Monique 'yan. Bagay kaya sila.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon