Chapter 26 #HeartToHeartTalk

207 9 0
                                    

Stephanie's POV

Nandito na ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni oppa. Nakaligo na ako at nagpalit na ng damit. Nabasa kasi kanina ng dahil sa pesteng ulan na yan. Sana hindi ako magkasakit.

Kinakabahan ako sa magiging sermon niya sa'kin. Ikaw ba naman mahuli sa kalsada na hinalikan. Wala na akong takas. Hindi ako pwedeng lumusot kasi alam kong nakita niya yun.

*sigh*

Ang malas ko talaga. Nasabi ko na rin yun kay eomma and she said na kapag natapos na daw ang usapan namin ni oppa, kakausapin naman daw ni eomma. Buti nalang at naiintindihan ni eomma ang sitwasyon ko. Unlike oppa. Puro galit nalang pinapairal.

"Ano, tatayo ka nalang ba dyan? Uso pumasok. Tch!"

I get that he's mad pero wag naman sana siyang manakit ng tao. Grabe siya.

I quietly walked inside of his room at naupo doon sa sofa sa tapat ng kama niya. Nakatungo lang ako. Makikinig lang ako sa sermon niya. Ayokong magsalita. Baka kasi may masabi pa akong hindi maganda na dahilan pa ng pag-aaway naming magkapatid.

"Stephie, gaano ba katigas yang bungo mo ha?"

Ayan na. Nagsisimula na ang mala-lintanyang sermon niya.

"Diba ikaw mismo nagsabi sa'kin na sinasaktan ka nung kumag na yun. Last year pa."

I know that.

"Tapos ano itong makikita ko? Kanina? At sa labas pa talaga? Stephie! Bigyan mo nga ng kahihiyan yang sarili mo! You're a girl, for pete's sake! Ano nalang iisipin ng ibang tao? Na malandi ka, ganun?"

It was a freaking accident! Sa tingin niyo ginusto ko yun? Ha? At saka kasalanan niya yun. Blame him, not me. Gusto ko sanang sabihin yan sa kanya ngayon kaso I just kept my mouth shut.

"You know damn well about your sickness, right? And as much as possible, kailangan mong lumayo sa ganyang mga sitwasyon na maaaring mag-trigger sa sakit mo. Naiintindihan mo ba ang pinupunto ko dito, Stephie?"

Yeah. That freaking sickness of mine. Kaya hindi ko ma-enjoy ang buhay ko ng dahil doon. Bwiset.

Bahagya akong tumango habang nakatungo pa rin. Feeling ko kasi maiiyak na ako anytime.

Nakita kong hinawakan ni oppa ang kamay ko. Tiningnan ko siya, eye to eye at kita ko ang kanyang pag-aalala sa'kin.

"Stephie, sana naman this time, makinig ka sa'kin. I'm sorry about what happened a while ago. Hindi ko naman intensyon na saktan siya. But everytime I see that boy, naiisip ko yung kalagayan mo. I'm just trying to protect you, lalo na sa mga taong nagtatangkang saktan ang damdamin mo."

Napansin kong napapaluha na si oppa. Agad ko namang pinunasan ang mga iyon.

"I know I am not a perfect brother pero sinusubukan ko. Para sayo. Kasi kapatid kita. Mahal na mahal kita, Stephie. Tandaan mo yan. At habang nabubuhay pa ang gwapo mong kuya, walang pwedeng makapanakit sayo."

Hindi ko na mapigilang maging emosyonal sa mga sinasabi ni oppa. Lahat tagos hanggang puso. Napayakap naman ako sa kanya. Wala akong masabi.

"Shhh. Stephie, wag kang umiyak. Mas lalo mo akong pinag-aalala eh." and there, with his comfort and words of wisdom, napapatahan niya ako agad.

"Ikaw kasi oppa eh. Ang drama mo. Pwede ng entry yan sa MMK." and I chuckled.

"Tch! Hindi na ito mauulit. This is not me. Nakakapanibago. Mas bagay sa'kin ang mag-sungit." sabi niya saka bumitaw na siya sa pagkakayakap. Tumabi na siya sa'kin at inakbayan ako.

"Mas lalo namang hindi bagay sayo yun. Parang lagi mong pasan-pasan ang mundo."

"Tss! Eh sa doon ako kilala, may angal ka, little sis?" tumingin siya sa'kin at nag-smirk.

I just rolled my eyes. "Ikaw ng masungit. Magkaiba talaga tayo ng ugali."

"Okay lang. I still believe that opposites do attract. Kaya tingan mo, kahit na sinusungitan na kita, ayan, nakangiti ka pa rin."

"It's called a fake smile. Wala ba yan sa vocabulary mo?" biro ko.

Nagpoker face naman siya. "Tss. Ewan ko sayo." at tumayo siya.

See? Ang bilis magtampo. Haha. "Oppa, sorry. Alam mo ba, sa lahat ng lalaking nakilala ko, ikaw ang pinaka-gwapo." I said at niyakap ko ulit siya.

"Talaga? Ako lang ha. Tss. Walang pwedeng makalamang sa kagwapuhan ko, kahit na yung kumag na yun. Sus. Dumi ko lang yun sa paa."

Masungit na nga, mayabang pa. Wala eh. Yan si oppa. At sanay na ako sa ugali niyang sobrang opposite sa'kin.

"Pwedeng second ka nalang? Kasi mas gwapo talaga siya sayo eh." bigla naman akong napatakip ng bibig. Saan galing yun? Aish! Paktay.

Pinanlisikan ako ng mga mata ni oppa. "Anong sabi mo? Nagagwapuhan ka doon sa kumag na yun? Kung ipadala kaya kita sa eye specialist ng ma-check yang mata mong may defect na ata."

-_-

Ang OA naman nito ni oppa. "Binibiro lang kita, oppa. Ikaw talaga. Oo na. Hindi na siya gwapo. Cute nalang."

"No."

"Ha? Anong no?" takang tanong ko.

"Hindi ka pwedeng macute-tan o magwapuhan doon sa kumag. Tss. Ang pangit niya."

Kung makapang-lait naman. Pasalamat siya at kadugo ko siya. Kung hindi, baka kanina ko pa ito nasapak. Joke lang. I am a good girl.

"Fine. Oo na. Hindi na."

'Stephie! Kevin! Kakain na!'

Narinig ko ang tawag sa'min ni oppa. Bumitaw na ako sa yakap at hinila ko na siya sa kamay. "Tara na oppa, kakain na daw." sabi ko.

"Wait," pigil niya sa'kin at ihiharap niya ako sa kanya. "I hope you've learned your lessons now. Sana hindi na yung maulit. Or else.." sabi niya.

Tumango naman ako. "Oo na po. Pero oppa, alam mo naman hindi ko siya maiiwasang makita kasi, first of all, kaklase ko siya."

"Alam ko." simpleng sagot niya.

"Talaga? So, okay lang sayo?"

"Of course not. Basta." at hinalikan niya ako sa noo.

Kumunot naman ang noo ko. Anong basta? Medyo kinabahan ako dun ah. May pinaplano ba siya? Oh well, wag muna tayong mag-jump into conclusions na naman.

"O-kay?" hindi ko sure ang isasagot ko. Ang gulo talaga ng oppa ko minsan. Hay! Makababa na nga ng makakain. Gusto ko na rin matulog ng maaga.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon