Chapter 40 #ComingSoon

101 7 0
                                        

Stephanie's POV

Plan A: gumawa ng letter
Plan B: kausapin mo nalang sa personal

Plan C... wait, do I even need plan C? Wala na akong maisip eh. Tsaka para saan pa ito? Hihingi na nga lang ng sorry, ang dami ko pang nalalaman na plano-plano jusko.

Pero ano nga ba? Letter o sa personal nalang?

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa kwarto ko at nag-iisip kung paano ko ipaparating sa kanya ang sincere apology ko. Linggo ngayon at bukas Lunes na, may pasok na ulit. Tapos na ang isang linggong suspension niya. At heto ako, hanggang ngayon ay problemado sa magiging diskarte ko.

Pwede ko naman siyang padalhan nalang ng sulat. Tutal doon naman ako magaling. Saka alam ko naman sa sarili ko na wala akong lakas na loob para kausapin siya ng harap-harapan, kahit na mag-kaibigan na kami. Nand'on pa rin ang ilangan, o baka sa part ko lang 'yon.

Pero sinasabi ng konsensya ko na mas mabuti kung sa personal ko nalang ipaabot iyon, yung apology ko. Para naman kahit papaano ay nakikita ko daw ang magiging reaksyon niya at mas madama na sincere ako.

Hindi ba mukhang kapani-paniwala ang mga sinasabi ko kapag sulat-kamay? Kailangan talagang sa paraan ng pagsasalita idadaan?

Okay, I need to make up my mind, fast. Sinilip ko ang wall clock. Masyado nang lumalalim ang gabi. Aish! Bahala na nga. Ayaw naman kasi makisama ng utak ko sa pagde-desisyon ko. Time-out daw muna. Fine. Pagbigyan natin.

Pumunta ako sa study table ko at binuksan ang laptop ko. Makapag-facebook muna. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-bukas nito. Though hindi naman ganon katagal. Siguro mga two weeks na rin, dahil sa tutok ako sa pag-aaral ngayon. Wala akong panahon para sa distractions.

Unang bumungad sa'kin ang sabog na naman na notifications.

5 friend requests
10 messages
99+ notifications

Hinayaan ko lamang 'yon, nakaka-tamad i-scroll down lahat 'yon, maliban sa messages. Baka may importanteng mensahe na kailangang basahin dito.

Kinlick ko yung icon ng message at... wala ring bago. Mga mensahe galing sa hindi ko naman kilalang tao. Hinayaan ko na naman ulit. Bakit ba kasi tinatamad akong mag-FB?

Eh bakit ka pa nag-facebook kung ganon lang? Aba! Sayang kuryente.

Oo na. Eto na, titingnan ko nalang kung sinong online. Sana online si Anna. Iko-konsulta ko sa kanya yung problema ko ngayon. At baka may mas maganda siyang suhestyon.

Ini-scroll down ko lang yung chat list para hanapin yung pangalan ni Anna. At wala pa ata ako sa kalahati nang may pumukaw ng atensyon ko.

Oh shit! Online siya.

*dug-dug-dug*

Eto na naman ang kakaibang pintig ng puso ko. Sa tuwing makikita ko ang pangalan niya at katabi n'on ay ang berdeng tuldok, na ang ibig sabihin ay online, ay ganon na lamang kung maka-react ang puso ko. Hindi ko alam kung sa tuwa ba o kaba o kilig o ewan ko.

Tinitigan ko lang iyon na parang walang bukas.

Aiden Lee      ⭕

Parang gusto ko siyang i-chat. Whoa! Hold on. Mali ata ako ng iniisip. Bakit ko naman siya icha-chat in the first place? I mean, kapag ginawa ko 'yon, at 'yon ang magiging unang conversation namin ever kasi never talaga kami nagpapansinan sa social media. Hindi nga niya magawang i-like yung mga statuses ko dati eh. Samantalang ako, ganon din. Hindi naman kasi siya mahilig mag-post ng ka-dramaham niya sa buhay. Maliban nalang kung related 'yon sa DOTA o kahit na anong computer games. Tss.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon