Chapter 42 #IceCream

110 9 1
                                        

Stephanie's POV

Ang awkward pa rin. Bakit ganun? Magkaibigan na ba talaga kami? Ramdam na ramdam ko pa rin kasi yung invisible wall sa tuwing magkaharap kami. Jusko! Tama ba itong pinaggagagawa ko sa buhay?

"Uhm, so, how are you? I mean, yung about sa suspension mo." pagbasag ko sa katahimikan.

Nandito kami sa library. Dito ko siya dinala para makausap ko siya ng maayos, yung malayo sa mga taong maintriga. Buti nalang at uwian na namin. Alam ng mga barkada ko ang tungkol dito. Syempre naman, sila pa ba, magpapahuli sa tsismis ko? Keme lang. At least, sinuportahan nila ako sa plano ko. Napaka-buti talaga nilang kaibigan.

Hinintay ko siyang sumagot pero walang lumabas sa kanyang bibig. Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin, na ako naman ay hindi masabayan 'yon. Para kasing tutunawin niya ako sa mga titig niya.

Siguro mali yung tanong ko. Aish! Wala kasi akong maisip na sasabihin sa kanya. Ito na nga yung sinasabi kong matatameme lang ako kapag sa personal ko sinabi. My gosh!

"Sorry, mukhang na-offend kita sa sinabi ko--"

"Na-miss kita."

"H-ha?"

Natanga ako saglit. O baka mali lang yung pagkakarinig ko. Naglilinis naman ako ng tenga. Jusko! Kumakabog na naman yung dibdib ko.

"Sabi ko, na-miss kita. Ikaw, hindi mo ba ako na-miss?"

Okay, ako naman ngayon ang walang masabi. Ano ba dapat kong isagot? Na oo, na-miss ko ang presensya niya? Baka naman iba ang isipin niya kapag ganon. Naku! Nakaka-pressure naman ito. Dinaig pa ang surprise quiz sa klase.

"A-ano, kasi..."

"Okay lang kung hindi mo masagot. Alam ko naman ang sasabihin mo."

"Talaga? Sige nga, ano sa tingin mo?"

"Na na-miss mo rin ako."

"Oy! 'Wag ka ngang feeler. H-hindi kaya!"

Tumawa siya. Shemay! Sige lang, itanggi mo lang, Stephie. 'Wag mo nga lang ipahalata.

"Oo nalang. Pero sa susunod na mawawala ulit ako, sisiguraduhin kong mamimiss mo na rin ako."

"Sus. As if naman magagawa mo ulit na umabsent. Eh sa ilang taon ba nating mag-kaklase, alam na alam ko na never ka pang nag-aabsent sa klase-- shit!" agad kong tinakpan ang bibig ko. May mali sa sinabi ko. Shemay naman! Nakakahiya!

Unti-unti siyang ngumisi at lumapit sa lamesa. Magkatapat kaming nakaupo dito.

"Stalker ka ba? Bakit alam mo? O baka naman may nalalaman ka pa tungkol sa'kin. Tell me."

Umiling ako. Leche. "H-hindi 'no. Asa ka naman. Syempre naririnig ko sa kanila ni Bryan. Diba bestfriend mo 'yon? Ang daldal nga niya eh. Tapos palagi akong kinukulit tungkol sayo--- I mean sa estado ng pagkakaibigan niyo."

"Ganun ba? So, close talaga kayo ni Bryan?"

"Hmm, sakto lang. Seatmates kasi kami so wala akong magagawa kundi kausapin siya. Mabait kasi akong bata at masama yung sinusungitan mo yung isang tao. Tsaka okay naman siyang kasama. Makulit nga lang."

"I see." napansin kong nagbago ang timpla ng mukha niya at sumandal na siya sa upuan.

"Bakit?"

"Wala lang. May sasabihin ka pa ba?" base palang sa tono ng boses niya ay parang nawawalan na siya ng ganang kausapin pa ako.

Siguro ito na yung tamang tyempo para masabi ko na sa kanya. Mas mabuti na yung ganito siya, yung mukhang seryoso, kesa sa ngumingiti siya. Nagre-react kasi yung puso ko. Ewan ko ba kung bakit ganon.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon