Chapter 23 Flashbacks- #ReadingProfeciency

188 10 4
                                    

Stephanie's POV

[Sophomore Years]

"Stephie! Tawag ka daw ni Ma'am Rea."

Kasalukuyan akong kumokopya ng notes sa board ng marinig kong may tumawag sa akin. Kinalabit ko yung katabi kong si Monique.

"Nic, tinatawag ba ako?" Tanong ko sa kanya.

Lumingon naman siya. "Oo. Ayun oh. Si Ma'am." Sabay turo sa pinto kung saan nakatayo si Ma'am Rea.

Agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya. "Ma'am, bakit po?"

"Stephanie, pumunta ka ngayon kay Ma'am Emily. Ikaw kasi ang representative para sa reading profeciency sa Filipino. Kailangan mong magreport sa kanya."

Nagulat naman ako sa sinabi sa akin. Ano kamo? Representative sa isang contest? Never in my life ako sumali o sinali sa mga contest or qiuz bee dito sa school. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

"Ano po? Bakit po ako? Si Joy nalang po. Baka hindi ko po kaya yun. Matalo pa ako."
Si Joy, classmate ko since Grade 6. Consistent first honor sa klase. At siya din yung madalas pambato sa mga contest. Dapat siya nalang yung sinali ni Ma'am.

"Oo. Kasali din siya. Sa English naman siya." Sagot ni Ma'am.

"Ah. Okay po." Ay! Bakit sa kanya yung English? Mas madali pa yun aralin eh. Tsk! Palit kaya kami?

"Sige na Stephanie. Puntahan mo na si Ma'am Emily. Kasi bukas na yung laban niyo. Ng ma-assess ka niya at makapagreview ka na din. Excuse ka muna sa klase ko."

O____O

What?! Bukas na yung laban?! Bakit ngayon lang sinabi sakin? Shems! Kinabahan ako bigla.

"Po?! Bukas na?!"

"Oo. Bumaba ka na dun sa faculty niya. Alam mo naman diba kung nasaan." Nag-nod naman ako. Sa second floor yun. Lumabas na ako ng room at bumaba na.

Nang makarating na ako sa faculty ng mga teachers ay kumatok muna ako sa pinto at bumati. After nun ay pinapasok naman nila ako at agad akong pumunta sa table ni Ma'am Emily.

Kilala ko siya. Filipino teacher ng 3rd Year. May naririnig ako na strict teacher daw siya at namamahiya ng estudyante sa klase. Oh my! Nakakatakot humarap sa kanya ngayon.

"Uh, Good morning po Ma'am..." panimula ko.

"Oh. Ikaw ba yung pinili ni Ma'am Rea para sa reading proficiency?"

Tumango naman ako. "Opo."

May iniabot siyang test papers sa akin at kinuha ko naman yun. "Sagutan mo muna yan. Dun ka muna sa vacant table ni Ma'am Angel magsagot." Sabi niya.

Sumunod naman ako sa clear instructions ni Ma'am. Oh shems! Nakakakaba naman toh. Kakayanin ko kaya? Tsk!

(AFTER 30 MINUTES)

Yes! Tapos ko na din sagutan yung test. Medyo mahirap na madali. Nakakadugo ng utak. Ang lalalim kasi ng mga salita.

Pinasa ko naman kay Ma'am yung papel. "Tapos na po ako."

"Oh? Ang bilis naman. Talaga bang binasa at inunawa mo yung mga pahayag sa papel?" Tanong ni Ma'am

"Opo." Sagot ko naman.

"Ma'am Emily! Pasensya na po kung late ako. Ayaw pa kasi kami papasukin ng guard eh."

Napalingon naman ako sa nagsalita. Oh my! Ang cute ng guy. *O* Papunta siya sa table ni Ma'am. Para akong statue na nakatayo dito at nakatingin lang sa kanya. Ang gwapo niya. Mukhang 3rd year student siya, base sa kulay ng ID lace, blue.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon