Chapter 4 Flashbacks- #TheName

438 19 0
                                    

Stephanie's POV

[Summer Vacation]

Ilang araw nalang at pasukan na naman. Oh my! Ang bilis talaga ng panahon. 3rd year na kami. Parang nung kailan lang eh nagpapasign pa kami ng clearance at yung plan ko na i-surprise yung bestfriend ko kasi alam niya na lilipat na ako, whereas hindi naman natuloy. Hehe!

Today is the day na pupunta ako sa school para tingnan yung official list ng bawat year level. Kumbaga list of students sa bawat section. Sana section 1 pa rin ako. *cross fingers*

Gawain ko na yun na silipin bago pa man sumapit yung day ng pasukan. Sorry naman. Excited na ako. Sana may new classmates kami. :)

Nang makarating na ako sa school, marami akong nakitang mga students sa labas. Looks like makikitingin din sila. Nakita ko pa nga yung mga classmates ko eh. But unfortunately, yung schedule palang yung nakapost. How sad. :(

O.O!

What the?! Pang-hapon kami?! Ano ba yan! Hindi namin kasabay yung 4th year?! Paano na si Andrew oppa? Hindi ko na siya makikita! Argh! At ito pa ang malupet. Yung adviser ng III-1 ay yung pinaka-terror na teacher na kilala namin. I could still remember yung pagpapahiya niya sa amin nung 2nd year kami. Aish! We're doomed!

(KINABUKASAN)

I went back to our school again just to check kung nakapost na ba yung list. Kasama ko na yung friend kong si Angel.

"Stephie! May listahan na oh!" masayang sabi ni Angel.

"Waaa! Talaga! Tara! Tingnan na natin." nakita ko na rin yung list.

Naka-post dun sa may bandang gate. Dali-dali naman kaming pumunta dun and I scanned yung list ng 3rd year.

III-1 GIRLS

Hwang, Stephanie

Im, Anna

Joo, Samantha

Jung, Jessie

Kim, Angel

Kwon, Suzy


Yes! Section 1 pa rin ako at yung mga friends ko. I'm so happy! Tiningnan ko rin yung sa boys. Ganun pa rin, same people, same faces pero may napansin akong parang transferee. And I should say, I like his name.

Aiden Lee.

Siguro gwapo 'to. Hihi! Landi ko.

"Angel! Tingnan mo 'tong name na 'to. Ganda noh? Hehe. Gwapo siguro nito." sabi ko sa kanya at tinuro ko yung may name na Aiden Lee.

Nagulat ako ng bigla niya akong hampasin.

"Aray! Bakit? Sakit nun ah!" reklamo ko habang hinihimas ko yung arm ko na pinalo niya. Sadista lang?

"Adik ka! Don't tell me crush mo na dahil lang sa pangalan?" sabi niya.

"Pwede. Haha! Joke!" pagbibiro ko. At hinampas na naman niya ako ulit. Nakakailan na siya ah.

"Tss. Ikaw Stephanie ha. Tsk tsk! Isusumbong kita kay Andrew." banta niya.

"Eh? Angel naman! Wag! Magagalit yun. Haha!"

"Wew? Hahaha! Crush na crush mo talaga yun ah. Pag-ibig na yan."

"Naman! Haha! Syempre. Baka oppa ko yun." at pinagpatuloy namin yung biruan hanggang sa makauwi na kami.

Lumipas na ang mga araw pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung name niya. Curiosity kills me.

Parang nung nakita ko yung name niya, biglang nag-skip yung heartbeat ko. I really have this feeling na gwapo yun. Na may something about that guy. And I need to find out what it is. Expect the unexpected.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon