Chapter 32 #SweetAndCheesy

121 10 2
                                    

Stephanie's POV

Napag-desisyunan ko ng maglakad muna dahil sa tagal niyang dumating. Kanina ko pa tinitingnan ang oras at sobrang late na late na ako. Sana lang pagkarating ko doon ay 'di ako sermonan ni Daddy V.

Palingon-lingon din ako sa paligid baka sakaling makita ko din siya. Nakalimutan ko palang itanong kung anong kulay ng damit niya. Minsan kasi, kapag ganito na naglalakad ako sa mga matataong lugar ay 'di ko maiwasang mapagkamalan siya sa iba. One time, nasa mall ako nun tapos may kasunod ako sa paglalakad sa harap ko na isang lalaki. Napatigil ako saglit nun kasi pamilyar yung likod niya. Tapos napansin ko na nakasalamin din. Lalapit na sana ako to take a closer look kaso biglang lumingon sa likod. Ako naman, todo-iwas ng tingin pero nakikita ko pa rin siya sa peripheral vision ko. Ayun. Hindi pala siya yun.

"Stephie!"

Sayang! At eto pa ang matindi, na-disappoint ako kasi akala ko siya yun. Diba? Sabi ko na sa inyo eh, may sapak na itong utak ko. Paano pa kaya itong puso ko?

"Stephie! Okay ka lang? Tulala ka na naman."

Natauhan ako bigla nang may umalog ng balikat ko. Laking gulat ko ng makita ko siya na nakatayo sa harapan ko, na tila nag-aalala.

Wait, medyo naninibago ako. First time ko siyang makita ng walang salamin. Shit! Puso, kumalma ka lang. Ayokong atakihin dito sa daan. Practice ang pinunta ko dito at hindi paglalandi, okay? Behave ka lang. 'Wag kang magpapaapekto sa charms niya.

"Ha? Ako natutulala? Haha! Hindi ah! May iniisip kasi ako." pagtatanggi ko. Ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko, kaya nag-step back ako ng konti. Ang lapit niya kasi.

"Sigurado ka? Pero teka, bakit namumula 'yang pisngi mo?" tanong niya habang nakaturo sa pisngi ko. Agad ko namang tinakpan yun ng kamay ko. Shemay! Nahuli niya akong nagbablush. Kahiya!

"A-ano...kasi... ganito talaga ako kapag mainit ang panahon." palusot ko.

"Ganun ba? E, makulimlim naman ngayon, ah."

Ano ba yan! Sa tingin ko buking na ako eh. Ang dami pa niyang sinasabi, bakit hindi pa straight to the point. Tinalikuran ko nalang siya at huminga ako ng malalim. Pero shit lang! Bakit ang init pa rin? Or baka feeling ko lang yun kasi kinikilig ako.

T_T

What the heck! Mabatukan nga ang sarili ko minsan. I mean, yung malanding sarili ko. Pati yung inocent side ko nadadamay eh.

--

Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad. Hindi naman kasi ako taga-rito para ako ang mag-lead ng way tsaka balita ko, maraming aso dito. I hate dogs. May masama akong experience around them. Kamuntikan na kasi ako noon na makagat. Buti nalang at hindi natuloy kundi, isa na akong werewolf ngayon. Haha! Tawa kayo sa joke ko.

[A/N: Jusme! Bakit nagiging corny ka na ineng? Haha!]

Oo na, Ms, A. Ako ng corny. Kailangan pang ipagsigawan eh. :3

[A/N: porket kasama mo lang siya ganyan ka na. Pusuan na yan!]

Ano?! Wala namang masama kung kasama ko siya ah! Sorry na kung 'di ko alam lokasyon ng bahay niya. Dapat pala nag-suggest ako ng ibang lugar ng pagpapraktisan. Palagi nalang ako nalalagay sa hot seat.

Aish! Bakit ko pa kasi kinakausap yung magaling naming author? Kitang kinakabisado ko ang lugar. Para incase na bumalik ako dito, hindi na ako maliligaw at magpapasama.

[A/N: Ang sabihin mo babalik ka talaga sa susunod. Kasi nga-- hihi! Kenekeleg ake se enye]

Hala? Tss! Ewan ko sayo, Ms. A. Don't tell me sa iyo ko namana yung sapak ko sa utak? Jusko! Kaya naman pala! Kailangan ko ng makalayo sayo. Delikado.

[A/N: Hoy! Ang kapal din ng face mong pagsalitaan ako ng ganyan! Ano? Do you still want me to continue or not?]

Eto naman si Ms. A 'di mabiro. Haha! Oo na. Kasalanan ko na kung bakit ako may sapak sa utak. Siguro naalog lang ito kaya nagma-malfunction, diba? :)

Anyway, bumalik na tayo sa reality.

Nakarating na kami sa dito sa subdivision. Aba! Akalain mong rich kid palang itong si ano, haha! Nagsalita kuno ang 'di nakatira sa ganitong lugar. Malamang! Magkaiba ang village sa subdivision. Halos lahat ng madadaanan mong bahay dito parang masyon ang laki. Yung iba namumukod-tanggi sa disenyo ng bahay. Yung iba naman feeling dream house. At napansin kong lahat ng bahay dito may frontyard. Sosyal. I'm pretty sure lahat ng nakatira dito, mayayaman. Pati din itong kasama ko. Pero nakakapag-taka, nag-transfer siya sa public school.

Isip: alam mo naman ang rason ng paglipat niya diba?

Oo naman! Pero, I mean pwede naman siyang lumipat sa private school kung nagkataon. Eh rich kid nga siya. They could afford almost everything. Siguro naka-punta na siya sa ibang bansa.

Isip: hindi mo nga siya lubusang kilala pero kung makahusga ka ng estado sa buhay niya..

Okay, fine! Babawiin ko na yung sinabi ko. THEY ARE NOT RICH! MAHIRAP SILA! HAPPY? -_-

"Stephie." nagulat ako ng makuha niya ang atensyon ko. Hindi ko namalayang nandito na kami sa tapat ng bahay nila. Yung isip ko kasi, kailangan pang makipagtalo sa'kin.

And I was amaze nang makita ko ang bahay nila. Gate palang, mamamangha ka sa sobrang laki at taas na animo'y may tinatagong ginintuang bahay sa likod nito.

"Baka naman matunaw yang gate namin sa katititig mo, Stephie."

Natawa naman ako. As if naman mangyayari yun. Mukha bang may built in laser itong mata ko. "Grabe naman. 'Di ba pwedeng nagagandahan lang?"

I heard him chuckled. "Bakit ka naman nagagandahan sa gate namin? Magkasing-ganda ba kayo?" tumingin siya sa'kin at ngumiti.

What the heck! I am just feeling myself blush. Kaya napahawak ako bigla sa magkabilang pisngi ko. Shit! Bakit ba siya bumabanat ng ganyan? Gosh!

>/////<

"S-syempre mas maganda ako kasi tao ako. Eh yung gate niyo naman, bagay lang yan." agad kong bawi sa kanya. Hindi dapat ako magpapa-apekto. Mahirap ng mabuking.

"Oo nga. Bagay lang yan, pero mas bagay tayo." tapos kumindat siya.

>//////<

Leche siya! Ano bang nakain niya? Isang kilong tsokolate? Asukal? Jusme! Yung puso ko, malapit ng bumigay.

Hindi na ako nakapagsalita pa na dahilan ng pagtawa niya. Pumunta na ako sa tapat ng gate at kumatok. Hmp! Bahala siya. Alam kong kanina pa nag-aantay sila Daddy V at ang pinunta ko dito ay practice, hindi para makinig sa cheesy lines ni Mr. Aiden Lee.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon