Chapter 29 #Bonding

166 8 2
                                        

Stephanie's POV

I'm feeling a lot better now. Hapon na and still, nandito pa rin ako sa kwarto. Ayaw pa kasi ni oppa na pababain ako sa sala. Ewan ko ba. Magaling naman din ako and I can handle myself.

At hanggang ngayon, I am still bothered sa dream ko, more like a nightmare, I guess. Kating-kati na rin akong ikwento iyon sa kahit na sino basta hindi si oppa. Ayaw ko na naman na masangkot siya sa riot. Jusme!

*tok-tok*

"It's open!"

Nakita kong bumukas ang pinto at sumilip si oppa. "May bisita ka sa baba." sabi niya.

Agad naman akong napabangon sa kama at dali-daling pumunta sa pinto at lumabas.

"Teka, Stephie, wag kang tumakbo. Baka mabinat ka. Kagagaling mo lang sa sakit." suway ni oppa pero 'di ko nalang pinansin.

Bago pa man ako makababa ng hagdan ay natanaw ko na sila Anna at kasama niya si Daddy V. Na-excite tuloy akong bumaba.

"Anna! Daddy V!" sinalubong ko sila ng masiglang bati.

"Mommy!!!" at ako naman ay niyakap ng aking napakagandang anak. Kahit isang araw lang ako 'di pumasok ay sobra ko silang namimiss.

"Mommy! Miss na kita! Bakit ka pa kasi nag-absent. Wala tuloy akong kakampi kanina sa school. Huhu! Inaway ako ng hubby mo." sumbong niya.

Hubby? "Sinong hubby 'nak?" takang tanong ko. Yan ang napala sa sobrang complicated ng pamilya namin. :3

Bumitaw siya sa pagkakayapak at tiningnan ako ng sino-pa-ba look. "Malamang si Angel. Ano ba yan, mommy! Nagkasakit ka lang, nalimutan mo na agad. Or baka ibang HUBBY ang nasa isip mo." at ngumisi siya ng nakakaloko.

-_-

"Che! Ibang hubby ka dyan. Isa lang naman ang asawa ko at si A---"

"At si tatay iyon? Oh, I know that, mommy. No need to remind--ARAY!"

Hinampas ko nga sa braso. Jusme! Ang kulit kasi eh. Si Angel lang naman ang legal kong asawa sa classroom namin. Kung sino-sino pa binabanggit niya.

-_-

"Ahem.."

Oh. I almost forgot. Nandito rin pala si Daddy V. Hehe. Ganito kasi ang bonding namin ng mag-nanay. Halos kinakalimutan ng may mga kasama pala kami minsan, kaya ang labas, OP sila sa'min.

"Nandyan ka pala, Daddy V. Sorry!" pagkalapit ko sa kanya ay agad kong kinurot ang magkabilang pisngi niya. Ang cute-cute talaga ng daddy namin. Dyan ko namana ang cuteness ko eh.

"Aray naman, Stephie! Mapupunit na ata yung cheeks ko eh." reklamo niya.

Bumitaw na ako at nag-peace sign. "Mianhe, Daddy V. Ang cute mo."

"Alam ko. Kailangan pa bang imemorize yan?"

"BISYO NA 'TO!" sabay naming sagot ni Anna and we all burst out laughing.

Grabe. Nagiging hyper ako ng dahil sa presence nila ngayon at 'di mo aakalaing kagagaling lang sa sakit. Wala eh. Ganito kami magbonding ng pamilya. Sayang wala yung ibang miyembro. The more, the merrier sana. Gigiba ang bahay namin sa sobrang daming kalokohang alam. Pero joke lang yun. Edi lagot kami sa kuya kong ubod ng sungit.

****

Nakabalik na ulit ako dito sa kwarto ko at kasama ko na si Anna. Si Daddy V, kanina pa umuwi kasi may gagawin pa siyang mahalaga, mas mahalaga pa kesa sa mga anak niya. Kidding.

Nabanggit na nila kanina yung mga na-miss out kong mga gawain. Ang dami pala. Nako! Medyo mahihirapan akong mag-catch up lalo na at may isang activity silang per group. Keribels ko pa yung sa individual works, pero yung sa group, paktay.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon