Chapter 22 #SoonToBeWife

217 10 2
                                        

Anna's POV

"Shemay! Parang nanonood lang ako ng koreanovela dito. Kakilig!"

"Oo nga! Akalain mo yun, may pa-hug-hug pang nalalaman yang tatay mo. Gusto din naman ni Stephie. Yiiiieee!"

"Guys, wala ba tayong balak umuwi? Papanoorin nalang ba natin sila dito forever?"

"WALANG FOREVER BEH!" sabay-sabay na sabi naming tatlo kay Suzy at tumawa kami.

Paano kasi, sinundan namin yung mag-syota--- este sila Stephie pala. Hindi naman sa stalker pero we just want to make sure na susundan talaga siya ni tatay. Aba! Kahit papaano, may tiwala ako sa kanya kahit torpe yan. Kidding!

At kasalukuyan kaming nagtatago dito sa likod ng puno at kanina pa nakamasid sa kanilang dalaea from afar. Kinikilig talaga ako sa kanila. Ewan ko ba pero may mararamdaman ka talagang sparls sa kanila everytime na nagkakasama sila. They are perfect. Matchmade from the stars. Haha!

Hindi man namin sila naririnig na nag-uusap pero yung mga actions nila, grabe. Dinaig pa ang pantomime. Ako at si Summer, gets namin. Pero dun sa dalawa, sina Jessie at Suzy, ewan. Haha! May pagka-slowpoke din minsan si Suzy kaya loading 99% palagi.

"Ay! Madaya! Pagkatapos nila tayo pakiligin dito, show's over na?" reklamo ni Jess.

Binatukan ko nga. "Baliw ka ba? Ayaw mo sila pauwiin? Bakit hindi ka nalang gumawa ng sarili mong love story kasama si Casey?"

"AYEEEEIIII!" tukso nilang dalawa kay Jess.

Naka-pokerface lang si Jessie. Ayaw niya kasing binabanggit namin yung pangalan ng EX niya kuno. Haha!

Niyakap ko nalang siya. "Joke lang. Alam kong wala siyang binatbat sa Suho, V, at Mark Tuan. Diba?"

At dahil sa bitter siya masyado dun ay binabaling nalang niya sa iba yung atensyon. Gaya nalang ng sa Kpop, kung saan siya adik na adik. Na pati kaming mga bestfriends niya ay nahawa na.

"Hay nako! Tama na yang drama niyo mga apo. Wala na yung lovers. Uwi na tayo." aya ni Summer.

Bumitaw na ako saka sumilip ulit. Oo nga. Wala na sila. At dito na nagtatapos ang aming misyon. STALKING THE AWKWARD COUPLES. Syempre gusto namin silang bigyan ng privacy. :)

"Sige. Tara na. Mukhang uulan yata eh. May dala ba kayong payong?" napatingin ako sa langit. Makulimlim na.

****

Stephanie's POV

Nagsimula na kaming maglakad pauwi. Medyo naiilang pa rin ako kasi hindi talaga ako sanay na kasama siya. Na gaya ngayon, kasabay ko siya pag-uwi.

After nung mala-damdaming scene kanina ay wala ng nagsalita sa amin. Parang tumiklop bigla yung dila ko. Masasanay din ako. Napaisip nga ako eh. Paano kaya kung malaman nila na okay na kami ni Aiden. Na friends na kami? I'm pretty sure na aasarin na naman nila ako. Sila pa? I've known them and their styles. Kahit sa tingin lang ay gets na nila. Ganun katindi ang kanilang mga radar. Kanina nga, feeling ko may nakamasid sa amin. Ganito talaga ako. Malakas makiramdam kahit wala namang nakatingin.

Tumingala ako. Pinagmasdan ko yung langit. Ang cloudy. Parang kanina maaraw lang. At mukhang uulan. Wag naman sana. Nakalimutan ko yung payong sa bahay.

Binalik ko ulit yung tingin ko aa daan. Still, ang tahimik pa din. Gosh. Baka mabingi ako nito. Hmm? Magtanong kaya ako? Oo. Para naman mabasag na itong deafening silence.

Lumingon ako. "Uh..." I stopped kasi may naramdaman akong pagpatak ng tubig sa braso ko. Tumingala ako ulit. At may pumatak ulit. Oh my gee!

Agad kong kinuha yung panyo sa pocket ko. Ilalagay ko na sana yun sa ulo ko ng may nakita na akong payong. Napatingin ako sa kanya. He's smiling.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon