Chapter 24 #TheKiss

191 10 0
                                    

Xavier's POV

Fck! Kung minamalas ka nga naman. Inabutan ako ng ulan sa daan. Ayun, na-stuck sa traffic. Sinusubukan kong tawagan yung kapatid kong si Stephie na medyo malalate ako ng uwi kaso nakapatay ata phone niya. Aish! Malas talaga!

*phone ringing*

Agad kong kinuha yung phone sa bulsa ko.

Eomma calling....

Hala! Eto na. Patay!

"Yes, eomma?" kabado kong sinagot ang kabilang linya.

[Kevin, nasaan ka na?]

"Pauwi na rin ako. Na-traffic lang sa daan. Si Stephie? Nakauwi na?" Malapit ng mag-5. Aware naman siya sa curfew niya. Subukan niyang i-break yun at magtutuos talaga kami.

[Nako! Isa pa yang kapatid mo! Tawagan mo nga o sunduin mo sa school. Wala pa namang dalang payong yun.] halatang nag-aalala na sa'min si eomma.

Aba naman! Parang adik din yun si Stephie. Aalis ng bahay ng hindi dala ang payong. Tsk! Napaka-ano talaga ng kapatid ko. Minsan sarap tuktukan sa ulo. -_-

Oh, sa mga hindi nakakakilala sa'kin, ako lang naman ang gwapong kuya ni Stephanie, si Kevin Xavier Hwang. At oo! Masungit ako. -_- kaya 'wag niyo akong susubukang kalabanin. Baka ipatikim ko sayo 'tong kamao ko.

Mabait lang ako sa taong mabait. At pagdating sa kapatid ko, OA ang pagiging protective ko sa kanya. Kaya ako talaga makakalaban niyo 'pag sinaktan niyo siya, lalo na yung asungot niyang kaklase na lalaki. Tch! Ako ang witness sa pagiging BH ng kapatid ko ng dahil sa walang kwentang lalaking yun.

"Hindi ko siya ma-contact. Patay ata phone niya." buti naman at umaandar na yung traffic. Tumigil na rin yung ulan.

[Ganun ba? Sige. Sunduin mo nalang sa school nila. 'Wag lang sana siya magpapabasa sa ulan. Nako! Sakitin pa naman yang si Stephie.]

Yeah. Simula pagkabata namin, lagi siyang nasa hospital, nagpapagamot. At noong napag-alaman namin na may malubha siyang sakit, doon na nagsimula yung pagiging protective ko sa kanya. Sabi ng doktor sa'min na anytime pwede siyang atakihin ng sakit niya, but fortunately, wala pa naman. Asthma attacks lang. Kaya pinapaiwas ko siya sa mga gawain na sobrang nakakapagod.

"Sige. On the way na po. I'll hang up na. Bye eomma. Love you."

[Sige. I love you too, nak. Drive safely.]

*toot toot toot*

Binaba ko na ang phone at binalik ulit sa bulsa ko.

I turned up the speed of my car. Pupuntahan ko na yung kapatid ko sa school nila.

***

Stephanie's POV

Good thing the rain stopped. Kasi kung hindi, malamang aabutin kami ng gabi doon sa may waiting shed. It's already 5 o'clock at curfew ko na. Pero magpapaliwanag nalang ako mamaya kay oppa. I'm sure he'll understand. May valid reason naman eh.

"Stephie, okay ka lang?"

Kanina pa niya ako tinatanong ng ganyan. Kung okay lang ba ako, blah blah. And I keep on telling him na oo. Ang kulit talaga niya.

"Yes po. Hindi ka ba nagsasawang magtanong ng ganyan?" at nilingon ko siya. Bitbit niya bag ko ngayon. Ayaw ko sana eh, kaso, sobrang mapilit.

"No. Basta sayo, I'll never get tired of saying my thoughts." he smiled.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon