Stephanie's POV
Naglalakad ako ngayon papunta ng canteen. Medyo may kalayuan din kasi doon pa yun sa may dulo banda.
Dapat nga hindi ko siya susundan. Pero kasi ang tagal talaga niya. Magpapaalam lang ako sa kanya na uuwi na ako. Malamang kanina pa ako hinahanap ni oppa. Lowbat kasi phone ko kaya hindi ako nakatext.
Habang malapit na ako sa canteen
ay dumungaw ako sa may bintana. Wala namang katao-tao sa loob. How come ang tagal niya? Wala ngang pila eh. Lumapit pa ako lalo doon at pumwesto sa may pinto. Bale, nakasilip lang ako. Ayokong mahuli niya ako. Baka isipin nun, stalker ko siya. In his dreams! -.-
Sumilip ako at nakita ko si Aiden at Spencer na nag-uusap. Mukhang malalim ata pinag-uusapan nila. At hindi ko maiwasan na maki-tsismis muna. Hehe.
"Tapos ngayon pinapalayas mo na ako? Hanep ka rin. Haha! Sabihin mo nga, nagsisimula ka na rin bang magkagusto kay Stephanie?" sabi ni Spencer.
O.o
What? Teka? Bakit ako topic nila? Aish! Dapat hindi ako nakikinig sa ganitong usapan. Masyadong private naman. Kaasar. Makaalis na nga.
Pero bago yun, bigla ulit nagsalita si Spencer.
"Bakit bigla kang natameme dyan? Am I right?"
So, hindi pala sumagot si Aiden? Malamang. Ano naman sasabihin niya? It's complicated na naman. Sus. Sige. Pag-tripan nila ako. Sapak they want? -_-
"Ano bang trip mo? Kung wala ka ng sasabihin, may naghihintay pa sa akin." -Aiden
O.O
"Sasabihin ko kay Marv na nagkakagusto ka na kay Stephanie. Humanda ka." -Spencer
Hala? Parang baliw 'tong si Spencer. Kung ano-anong sinasabi. At bakit kailangan pang madamay ng ibang tao sa trip nila? Kung sa bagay, bestfriend din nila yun si Marv.
Aish! Tama na nga. Aalis na ako dito. Dinaig ko pa yung mga tsismosa kong mga kaklase. xD
Tatalikod na sana ako ng marinig kong nagsalita si Aiden.
"Gusto mong malaman ang totoo?"
Bigla akong nakaramdam ng kutob. Bumilis yung tibok ng puso ko. Pumasok ako sa loob. Hindi naman nila ako mapapansin dahil medyo nasa malayo sila.
Hinihintay ko yung susunod niyang sasabihin. Kahit gusto ko ng umalis ng tuluyan dito, may parte sa mind ko na nagsasabing I should stay. Kainis! Mali itong ginagawa ko.
And his next words really hits me hard.
"Wala akong gusto sa kanya at kailanman ay hindi ko siya magugustuhan. Ayan. Masaya ka na? Sinabi ko na yung totoo."
Parang tumigil yung mundo ko ng narinig ko yun sa kanya. Hindi ko namalayang unti-unti ng bumabagsak yung luha ko. After all this time, naghihintay lang pala ako sa wala? Akala ko mabait siya, akala ko concern siya. Yun pala, akala lang. Bakit masakit? Hindi ba dapat I should be happy kasi alam ko na ang totoo?
Mukhang napansin na ata ako ni Spencer kaya agad akong nagpunas ng luha. I don't want them to see me like this.
Nakita kong nagmamadali siyang umalis ng canteen at nginitian niya ako ng malampasan na niya ako.
Napatingin ulit ako sa direksyon kung saan naiwang nakatayo si Aiden. Napalingon siya dito at halatang nagulat dahil sa nandito ako.
"S-stephie?" narinig kong sambit niya. Lalapit sana siya kaso inunahan ko na.
I quickly ran palabas. Hindi ko alam pero ayaw ko siyang makausap. Naiinis ako. Bahala siya. Ngayon na alam ko na ang totoo, siguro wala ng dahilan para mag-stay pa ako ng matagal kasama siya. Bwiset.
"Hala?! Stephie! Bakit ka lumabas? Saan ka galing?" salubong sa akin ni Anna ng nasa may school lobby na ako naglalakad. Kasama na niya sina Suzy, Jessie at Summer.
Nakita ko na bitbit niya ulit yung bag ko. Agad kong kinuha yun and without saying a word ay iniwan ko sila doon.
Traydor na luhang ito. Sabi ng ayokong umiyak eh. Baka mas lalo akong atakihin ng sakit ko.
I just don't want to talk to anyone while I'm like this.
T_T
BINABASA MO ANG
This Is Me
Novela Juvenil"Ano raw?! It's complicated ba kamo? Ha-ha-ha! Baka joke lang niya 'yon." -Stephanie Hwang ✘✘✘✘✘ THIS IS ME WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2014- ON HOLD FOR EDITING
