Chapter 25 #ProtectiveBrother

189 11 0
  • Dedicated kay Kevin Xavier Yoon
                                        

Stephanie's POV

"STEPHANIE HWANG!"

Halos lumundag na palabas ang puso ko nang marinig kong ang isang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

Dahan-dahan akong napalingon. At doon ay nakita ko ang aking oppa. Kita ko sa kanyang mga mata ang galit at handa ng manakit ng tao. Eto na. I'm doomed.

Mabilis siyang nakalapit sa'min at bigla nalang niyang sinuntok si Aiden at natumba siya. Agad akong napaluhod at inalalayan siya. Ano bang problema nito ni oppa?

"G*GO KA PALA EH! MATAPOS MONG SAKTAN YUNG KAPATID KO HA?! TAPOS MAKIKITA KO KAYONG MAGKASAMA?! PAKSH*T KA!"

Akmang susugurin ulit ni oppa si Aiden nang pinigilan ko siya. "Oppa! Ano ba?! Bakit bigla-bigla ka nalang nanununtok? Wala naman siyang ginagawang masama sayo ah!" I exclaimed.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Stephie?! Yang hayop na yan, may atraso pa siya sa'kin, lalo na sayo. Tsk! Bakit ka ba sumasama---"

"Stop! Please tumahimik ka na.." humihikbi kong pakiusap. Ito yung ayaw ko sa kanya. Yung bigla nalang niya susugurin yung inosenteng tao kapag sobrang galit na. Nakakainis na.

Tinuon ko naman yung atensyon ko kay Aiden. May konting dugo sa gilid ng kanyang labi. Kinuha ko naman yung panyo ko at pinahid iyon. "O-okay ka lang? S-sorry sa inasal ng kuya ko."

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. "Oo. I'm fine. Medyo masakit lang ang panga. Lakas niyang sumuntok." at medyo napangiwi siya sa sakit.

"Sorry talaga."

"Stephanie! Tumayo ka na dyan at uuwi na tayo. Bayaan mo siya dyang magdusa. He deserves it."

Napatungo ako at umiling ng bahagya. Pasimple akong nagpunas ng luha. Damn! Kanina pa ako umiiyak.

"Stephie, makinig ka na sa kuya mo." narinig kong sabi niya at unti-unti niya akong inaalalayang tumayo.

"Hoy kumag! Bitiwan mo yang kapatid ko. Tss."

"Tinutulungan ko lang po siyang makatayo."

"Tss. Tabi nga dyan." at agad akong hinawakan sa braso ni oppa at hinila palapit sa kanya.

"Ito ang tandaan mo kumag, wag na wag ka ng lalapit kay Stephie. Dahil sa oras na malaman-laman ko na patuloy ka pa ring umaaligid sa kanya, humanda ka. Magtutuos tayo." pagkasabi niya nun ay hinila na naman niya ako papunta ng kotse.

Wala akong narinig na reply sa kanya sa banta ni oppa. Agad kong pinigilan si oppa dahil hindi pa pala ako nakakapagpaalam.

"Wait lang, oppa.."

"Ano na naman ba, Stephie? Sa tingin mo hahayaan kitang lumapit ulit doon sa kumag na yun? Akala ko ba natuto ka na?"

Napayuko ako. Lahat nalang ng sinasabi niya, patama sa'kin. Pero kasi, he is now my friend. At totoong isasantabi ko muna itong feelings ko sa kanya. Kaya kong tiisin.

Hindi na ako nakasagot. Alam ko namang tama si oppa. Pero ayokong layuan siya. Hindi ko maiiwasan yun lalo na at kaklase ko pa siya.

"Kita mo na? Natameme ka ngayon. Tsk! Pumasok ka na sa loob ng kotse nang makauwi na tayo."

Sumunod naman ako sa utos ni oppa. Pagkapasok ko sa passenger seat ay saka na rin pumasok si oppa sa kabila.

"Pagkauwi natin, Stephie, mag-uusap pa tayo. Akala mo makakatakas ka sa ginawa mo ngayon? Tss." sabi niya habang pinapaandar ang engine saka pinaharurot ang kotse.

Tumango ako ng bahagya at sumandal sa car seat at tumingin sa labas. Sa sobrang daming nangyari ngayong araw ay hindi na kaya ng utak ko na makapag-isip ng maayos. I really need some rest.

****

Xavier's POV

[Ha? Bakit? Ano namang gagawin ko dyan, kuya Kev?]

I heaved a sigh. "Sige na. Hindi naman kita tatawagan kung hindi ito importante. She needs help at alam kong ikaw ang pwedeng makatulong sa kanya.]

[Pero kuya kev, gustuhin ko man siyang makita ngayon pero hindi pwede. Paano nalang yung---]

"Ako ng bahala sayo. Sagot na kita. Basta kailangan nandito ka na as soon as possible. Gusto mo na ba siyang makita?"

[Oo naman. I really miss her, so badly. Sige. Papayag na ako. Basta kasama ko sila, ang pamilya ko.]

"Ikaw bahala. Meron na kayong pwedeng tuluyan dito pagkarating niyo. Itetext ko nalang yung address."

[Sige, kuya Kev. Salamat. 'Wag mo munang sabihin sa kanya na dadating ako. Gusto ko siyang i-surprise.]

"Oo na. Bye na. See you." at inend ko na ang tawag.

Napatingin naman ako sa wallpaper ng phone ko. Kaming dalawa ni Stephie at masaya kami dito sa picture na kinuha pa nung nandon pa kami sa Korea. Yung ngiti niya na yun ay matagal ko ng hindi nasisilayan magmula noong naranasan na niya yang pesteng pag-ibig na yan.

Alam kong matutulungan ka niya, Stephie. Ginagawa ko lang ito para sa kabutihan mo. I can't afford to lose my little sister ng dahil lang sa sakit mo. Hindi ka na ulit masasaktan. Nandito ako para protektahan ka. Trust me on this, Stephie.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon