Chapter 10.1 #DareGames

247 15 0
                                    

Stephanie's POV

"Yoohoo! Clara here! Saan na si Maria?"

Sht! Mukha akong tanga dito. Kinakausap ko yung sarili ko habang naghahanap nung kapareha ko. Most of them nahanap na. Naku! Paano na yan? Malapit ng maubos yung time.

*sigh*

Pumunta nalang ako dun sa may upuan. Bahala na silang puntahan ako. Because I'm not like the rest of the class na todo-todo yung effort sa paghahanap at may sigaw pa na kasama. Sige lang. Push niyo yan. Kahit kailan talaga. They are very, very, very noisy.

Ino-observe ko lang sila. Hays! Nasaan na kaya yung kapartner ko. Nakita ko na may papalapit sa akin, si Danielle.

"Uy! Si Clara." sabi niya. Nakita ko sa papel niya yung word na MARIA. Yes! Nagtagpo na rin kami. Hinila ko siya sa tabi ko at naghihintay nalang kami sa time.

"OKAY! TIMES UP NA! TAMA NA YUNG PAGHAHANAP. SA LAHAT NG MAY PARTNERS, BALIK NA KAYO SA MGA UPUAN NIYO. YUNG MGA WALA NAMAN, DITO KAYO SA GITNA." go Shiela! Sigaw pa more. Kaya mo yan.

At ginawa naman namin yung sinabi niya. Tumabi muna ako kay Grace. Hindi na ako makaupo sa seat ko. Masyado ng masikip. Hindi na ako kasya.

Pumwesto naman sa gitna yung mga walang ka-partners. Aba kung minamalas nga naman si Casey. Haha! May nalalaman ka pa kaninang d*ckhead huh. Tsk tsk. Yung hawak niya kasing papel ay head tapos kung ano-anong kabastusan ang sinasabi niya kanina. Tsk. Hindi na nahiya. Maharot na bakla. Joke!

Oo nga pala, they're gonna do a dare. Oh my gosh! This is it. Haha! Lagot sila.

May hawak na box si Shiela. And I think bubunot sila, yung mga nasa gitna, ng kanilang mga dares. Unang pinuntahan si Casey. At first, medyo pakipot pa. Naku po! Arte lang? Dare lang yan. And after 123 seconds na pilit namin, ayun, bumunot na siya.

Ang dare niya? Makikipag-appear dissapear sa mapipili niyang partner na galing sa aming mga nakaupo.

"Casey! Si Jessie ang piliin mong partner!"

"Oo nga! Si Jessie. Ayeiiii!"

"Jessie! Jessie! Jessie!"

Hahaha! Yieee! Si Jessie daw. Hart hart! Bagay sila. At ito namang si Casey, parang ewan lang. Unsure sa pipiliin niya. But unfortunately, pinili niya yung friend niyang si Vanessa. Ouch.

After nun ay nagpatuloy lang ang dare. Nakitawa lang ako sa kanila. Grabe talaga 'tong mga classmates ko. Ang daming trip na nalalaman.

Nagpatuloy lang yung paglalaro namin ng dare the whole hour. Since last period naman namin yun kaya sagad-sagaran na yung fun.

Puro tawanan, hiyawan, at kiligan yung nagaganap ngayon. Grabe talaga sila. Parang ngayon lang naglaro.

Kanina ko pa napapansin na pinagtitinginan ako ng mga nakaupo sa gitna. Bakit kaya? Pero swear, bigla akong nakaramdam ng kaba. Na parang may binabalak sila. Napailing nalang ako. Ayaw ko mag-dare. Baka kung ano pa mabunot ko. Nakakahiya.

Nang matapos yung dare ng isa sa mga classmate ko ay sunod namang nilapitan si. . .

O___o


Aiden?

Sht! sht! sht!

Sabi ko na nga ba eh. May pinaplano 'tong mga ito. Napayuko nalang ako. Ayaw kong malaman. Bahala sila. Grabe. Kabado ako. Ewan ko ba kung bakit. Masyado ata akong affected eh.

Binasa ni Shiela yung dare niya kaso hindi ko narinig dahil ang hina ng boses niya. Nagulat nalang ako ng bigla silang maghiyawang lahat.

"AYEEEEIIIIII! STEPHANIE!"

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon