Chapter 41 #NewSeatmate

102 6 0
                                    

Stephanie’s POV

Hanggang ngayon ay nagda-dalawang isip pa rin ako. Habang nagka-klase kami kanina ay lumilipad ang isip ko. Muntikan pa akong hindi maka-sagot sa recitation. Nahuli ata ako ng guro namin na hindi nakikinig ng maayos sa itinuturo niya. Pero nagtuturo nga ba siya? Sa totoo lang, ang boring ng klase niya. Puro lang siya kwento sa personal na buhay nito. Minsan lang magturo ng maayos namin, kapag trip niya lang. Hay nako! Bwisit kasing lalaki ‘yon. Ayaw niyang umalis sa utak ko.

O baka kamo ikaw ang ayaw itong paalisin. May choice ka naman kung iisipin mo siya o hindi. Ang sabihin mo, apektado ka lang. Miss mo na kasi siya.

Minsan talaga, hindi ko alam kung kanino ba papanig itong konsensya ko. Palagi nalang may sense yung pag-kuda niya, na talaga namang inilalagay ako sa alanganin kapag kinontrol na niya ang bibig ko.

As usual, breaktime na namin. At ito na rin yung tamang oras para makausap ko siya. tamang oras nga ba? Hindi pa rin ako umaalis sa kinauupuan ko. Halos lahat na ng kaibigan ko ay nilapitan ako kanina, niyaya nila akong kumain. Tinanggihan ko silang lahat. Sinabi ko lang na wala pa akong ganang kumain, kahit deep inside, kumakalam na yung sikmura ko. Wala eh. Kailangan kong tiisin muna. Naghahanap kasi ako ng tamang tsempo para lapitan siya sa likod, kung saan siya naka-upo. Panay ang pag-sulyap ko d’on, syempre sa paraang hindi halatang may pinagkatitigan ako d’on. Gusto ko kasi kaming dalawa lang ang mag-uusap. Yung walang nakapaligid na mga tsismoso’t tsismosa. Jusko! Sa imahinasyon ko lang ata ako nagkakaroon ng lakas na loob para kausapin siya. tingnan natin kapag tinotoo ko na. baka mata-meme na ako ng wala sa oras.

Tiningnan ko ang aking relo. Oh my! Matatapos na yung breaktime naming pero heto pa rin ako, hindi pa kumikilos. Jusme! Paano ba namang hindi eh nand’on pa rin yung mga barkada niyang nakapaligid sa kanya. Nagkakasiyahan ata sila. Siguro nag-lalaro na naman sila ng games sa kani-kanilang cellphone. Hay nako! Mga lalaki nga naman, likas na ata sa kanila ang pagiging gamer.

*KRIIIIIING*

Hudyat na ‘yon na tapos na ang oras namin para kumain. Hay! Wala pa rin akong kain. Bahala na. sana wala ulit teacher mamaya.

--

“Stephie, kumain ka na ba? Bakit ba ‘di ka nalang sumabay sa’min?” tanong sa’kin ni Summer nang napadaan siya d’on sa pwesto ko.

“Hindi pa. diba sabi ko nga, wala akong gana.” Sagot ko dito.

“Bakit naman? May problema ka ba?”

Umiling ako. Sa ngayon, hindi pa ako handang mag-kwento sa kanila. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, pero gusto kong ipunin lahat ng happy moments na nangyari sa’kin para naman kahit papaano ay hindi sila nabibitin. Basta ganon. Hindi na kailangang i-explain.

“Wala naman. Basta, hindi ko rin alam kung bakit wala akong ganang kumain. Baka mamaya, makaramdam ako ng gutom, kakain na ako.” at pilit kong ngumiti.

“Sige. ‘wag ka masyadong magpapa-gutom ah. Mangayayat ka nyan.”

“Oo naman. Ako pa.”

Matapos n’on ay bumalik na siya sa kinauupuan niya at ako naman ay nanatiling nakatingin sa chalkboard. Panigurado lilipad na naman ang isip ko. I should stop staring that board o kahit na anong malalayong bagay. Natutulala ako lagi eh.

“Stephie.” Rinig kong tawag sa’kin ni Bryan, yung seatmate ko.

“Hmm?” sabi ko nang ‘di siya nililingon. Busy kasi yung mga mata ko na titigan ang board.

“May ibibigay ako sayo.”

D’on na ako napalingon sa kanya. Nakita ko sa kamay niya ang isang pirasong papel na nakatupi. Ano kaya yung hawak niya? Bigla akong kinabahan and at the same time, naku-curious.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon