Chapter 37 #MiniFight

126 7 0
                                    

Stephanie's POV

Napatingin ako sa aking relo. OMG! Anong oras na pala! Tapos na yung recess pero 'di pa rin ako kumakain. Hay nako! Inuna pa kasi ang drama eh. Tsaka ko lang naramdaman yung gutom.

Akmang tatayo na ako mula sa bench nang may marinig akong kaluskos mula sa malayo. Kinilabutan ako bigla. Bali-balita pa naman na may kababalaghang nangyayari dito sa school, lalo na sa 4th floor at dito sa rooftop. Jusme! Baka may makita akong 'di kanais-nais.

'Di na ako nagpatumpik-tumpik pa at nag-umpisa nang maglakad ng mabilis. Nakatingin lang ako sa sahig habang naglalakad. At nang malapit na ako sa may pinto ay may nabangga akong something. Nag-angat ako ng tingin at...

"AAAAAAHHHH!"

"Shh! Stephie! Kumalma ka lang. Ako lang 'to. Haha!"

"Leche ka! 'Wag ka kasing manggugulat ng ganyan. Tapos sakto naka-harang ka pa sa pinto. Anong trip mo?"

Nakakaasar! Akala ko bukas na ang third eye ko. Jusko! Si Nathan lang pala. Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras. Sana hindi 'yon rinig sa baba or else, lagot ako.

"Wala naman. Kanina pa kita nakikita dito eh. Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya.

"Wala lang. Nagpapahangin. Eh ikaw? Grabe ka. Bakit 'di man lang kita napansin. Akala ko masosolo ko itong rooftop."

"Dito ako madalas tumambay kapag breaktime o kapag ayaw kong pasukan yung subject kasi boring."

"Oy, bad 'yang ginagawa mo ah. Kailan ka pa natutong mag-cutting classes? Nako, nasaan na yung Nathan na ubod ng bait at talino? Ibalik mo siya. Haha!" biro ko.

"Hahaha! Nandito pa rin siya. Joke ko lang 'yon, ano ka ba. Alam ko kasing magagalit ka kapag ginawa ko 'yon." sabi niya at inakbayan niya ako.

Bigla akong napayakap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. Siguro kasi kanina pa ako naghahanap ng taong pwedeng mag-comfort sa'kin maliban sa sarili ko. Naramdaman ko naman gumanti din siya ng yakap.

"May problema ka ba? Nakita kasi kitang umiiyak kanina."

Umiling ako. "Wala 'yon. Nagpa-practice lang ako para sa play namin. Haha!"

"Wew? Talaga? Seryoso? Sure ka bang wala kang problema? Baka makatulong ako, 'wag lang sa pera. Wala rin ako n'on."

I chuckled. Loko-loko talaga 'tong si Nathan. Pero kasi, gustuhin ko mang i-open sa kanya, alam kong 'di niya 'yon maiintindihan. Wala pa atang karanasan ito sa pag-ibig eh. Maliban dun sa nakakalap kong tsismis na naging sila daw ni Suzy, which is wala ring masabi si Suzy kapag kino-confirm namin yung balita.

"Okay lang talaga ako, Nathan." bumitaw na ako sa pagkakayakap. "Sorry nga pala kung niyakap kita. 'Wag kang mag-alala. Hindi naman ito makakarating kay Suzy." biro ko ulit.

"Haha! Ano ka ba, okay lang 'yon. Magkaibigan naman tayo eh. Tsaka feeling ko may problema ka talaga pero natatakot ka lang sabihin. Siguro naman kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam mo kahit sa simpleng yakap na handog ko sayo."

"Oo naman. Salamat. Don't worry, kapag nagkita tayo ulit. Sasabihin ko sayo."

"Hindi na niya masasabi 'yon sayo dahil ito na ang huling pagkakataon na magkikita kayo."

Hindi ko inaasahan yung may biglang sumingit na boses sa usapan namin at laking gulat ko kung sino 'yon.

"Aiden?! A-anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya. At paano niya nalaman na nandito ako?

"Hello! New friend ka ba ni Stephie? Parang ngayon lang kita nakita." sabi ni Nathan dito.

Hindi sumagot si Aiden. Bagkus ay nakatingin lang ito kay Nathan ng masama. Hala? Ano kayang problema nito?

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon