Chapter 3 #Hot Seat

503 22 0
                                    

Stephanie's POV

>.<

What the heck? Bakit sila nandito sa library? Pumasok na kami sa loob without saying a word at hindi ko nalang sila pinansin. Hays! Pumwesto kami sa bandang likod kasi yung arrangement ng mga tables sa library is row by row.

"Summer, nandito yung love of your life oh. Haha! Yieeee!" asar ko kay Summer habang nilalapag ko yung mga gamit ko.

"Anong love of your life ka dyan? Hmp! Di nga." tanggi niya

"Haha! Yieee! Nagbublush siya." asar ko pa sa kanya.

"Di nga. Tara! Punta muna tayo ng canteen. Nagugutom na ako."

"Sige. Ako rin eh." kinuha ko yung wallet sa bag ko at sumunod na kay Summer.

"Stephanie!" Tawag ni Spencer sa akin at napalingon naman ako.

"Bakit?" tanong ko.

"May sasabihin daw sayo si Aiden."

"Huh? Ano naman?" Takang tanong ko habang lumalapit sa kanila. Nakita kong siniko ni Aiden si Spencer. O-kay? Anong trip nila?

"Tanungin mo siya. Haha!" Psh! Kita mo na. Kung hindi ko lang 'to friend sinapak ko na 'to.

"Wew? Pinagtitripan mo na naman ako ha." sabi ko sa kanya.

"Hindi nga. Meron talaga. Tanong mo nalang sa kanya."

"Maniwala. Bahala ka nga dyan." sabi ko at tinalikuran ko na sila at naglakad papunta kay Summer.

Naka-aasar naman! Hanggang ngayon pinagtutulakan pa rin nila ako dun sa lalaki na yun. Psh! He is not my type. At saka may asawa at fiance na ako. Hehe! Pero syempre joke lang yun.

"Bakit ka tinawag ni Spencer?" biglang tanong sakin ni Summer. Nasa canteen na kami.

"Ewan ko dun. Gulo kausap. Sabi niya may itatanong daw sakin si Aiden. Tapos nung tinanong ko kung ano yun, sabi naman ni Spencer tanong ko daw sa kanya. Psh! As if naman gagawin ko yun." pagkukwento ko sa kanya.

"Yieeeee! Aiden daw oh. Haha! Alam mo, bagay kasi kayo." pang-aasar niya sakin. Ano daw? Bagay? Like yuck lang!

"Heh! Manahimik ka nga dyan! Psh! May Kenzo na ako noh. Haha!" sabi ko sa kanya.

Si Kenzo lang naman ang ultimate crush ko sa CNBLUE. Codename ko lang yun sa kanya. Kang Minhyuk ang real name niya. Sorry naman. Big fan ata ako ng The Heirs. :D

Natawa nalang siya. Nag-order na kami ng makakain at umupo sa mga vacant chairs para ipagpatuloy yung pinag-uusapan namin.

"Diba yung assignment sa English lang?" tanong sa akin ni Summer.

Tumango lang ako habang kinakain ko yung burger. "Pahiram ako ng notebook mo sa TLE ha. I'm not yet finish copying pa eh. Hehe. Sipag ko noh?"

"Oo nga eh. Ang sipag mo nga. Haha!" at parehas kaming napatawa.

Habang nagkukwentuhan kami ay nakita ko from my peripheral vision sina ..... Spencer?!

Napatungo ako agad. Okay. Hayaan mo lang. Paki ko ba? Tss. At kasama pa niya yung lalaki na yun. How brilliant!

"Summer, tara na. Tapos na akong kumain. Ng magawa na natin yung dapat gawin at makauwi na." sabi ko sa kanya at tumayo na ako.

"Teka lang. Malapit na. Upo ka muna." sabi niya sabay ngiti. Oh brother! Napa-facepalm nalang ako.

"Bilisan mo! May epal kasi dito." sabi ko.

"Ha? Sino?" takang tanong niya at tinuro ko sina Spencer na nabili dun sa counter.

"Ah. Hmmm." at she smirked. Aish! Kahit kelan talaga oh.

"Summer naman! Tara na kasi! Yang ngiti mo ha! Tss." at hinila ko siya patayo at kinaladkad palabas ng canteen.

Ayokong makita yung pagmumukha nung lalaki na yun. Ewan ko ba pero basta! Ayaw ko.


This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon