Stephanie's POV
(The Next Day)
Hays! Umaga na naman. Inaantok pa ako. *yawn* Naglalakad na ako papuntang school. And as always, wala na naman akong kasabay. Kasi kahit na magka-village kami ni Summer ay minsan ako yung nauunang pumasok o minsan siya.
Habang palapit na ako sa school ay nakita ko na naman yung mahabang pila. Tsk tsk! Kaya maraming nalalate eh.
Nakipila din ako. Masunurin akong bata noh. At nasa pinakadulo pa ako. Tiningnan ko yung watch ko. 5:50 The heck! Malapit ng mag-6 at ganito pa rin yung pila. Argh! Ayaw ko pa naman sa lahat ay yung nalalate.
(AFTER 10 MINUTES)
Phew! Grabe! Nakakapagod umakyat ng 3rd floor. Hiningal talaga ako. Buti hindi pa nagbebell kahit 6am na. Nagmadali na akong pumunta ng room. Pagkadating ko ay konti palang yung mga classmates ko. Wow. Madaming malalate ngayon. Pumunta na ako sa seat ko. Wait? Kulang chairs namin sa row.
"Ano ba yan! Wala akong upuan?" Sabi ko sa sarili ko. Nakita ko si Bryan at napansin ata niya na nangangapa na ako dito.
"Teka lang Stephanie. Kukuha lang ako ng chair mo." narinig kong sabi niya.
I just nodded at him at pansamantalang binaba ko yung bag ko sa lapag. Nilibot ko naman ang paningin ko sa room. Nakita ko nandyan na si Suzy, pati si Jessie at si Angel. Wala pa rin yung anak ko pati si Summer. Late na naman sila. Tsk tsk. Pati si Samantha wala pa. Siya pa naman yung secretary namin.
Napatingin naman ako sa likod. Okay. Nandun na naman siya nakaupo. (alam na kung sino) Wait! Paki ko ba? Tss. Bahala siya sa buhay niya.
Nakita ko naman si Bryan na buhat-buhat yung chair ko. "Stephanie, ito na upuan mo." at nilapag niya iyon sa tabi ng upuan niya.
"Kamsa!" at nginitian ko naman siya. Inayos ko na yung arrangement ng chairs sa row namin. Baka pagdating ni Ma'am pagalitan pa kami. Nilagay ko na yung bag ko sa chair at umupo na ako.
"May quiz daw sa math mamaya?"
"Oo. Sabi ni Sir kahapon. Di ka kasi nakikinig!"
"Aba malay ko ba! Hahaha!"
*sigh*
Ang iingay talaga ng mga classmates ko. Nakakabingi na minsan yung ingay nila. Pero ano daw? May quiz? Hala! Di pa ko nakakapag-review. Agad ko namang hinalungkat yung bag ko para kunin yung notebook sa math.
"The heck! Quiz na naman. Argh!" I said to myself again. What the heck! Nagmumukha akong baliw at kinakausap ko na naman sarili ko.
(FAST FORWARD)
(RECESS)
"I'm so hungry na! Summer! Let's eat na. May dala kang baon?" sabi ko kay Summer habang nilalapitan ko siya. Di kasi kami magkatabi. Pero magka-row naman.
"Yah. I have. Tara! Gutom na rin ako. Dyan ako sa upuan ni Bryan." Sabi naman niya habang may hinahalungkat siya sa bag niya.
"Yieee! Bryan daw. Haha! Alam mo bagay kayo." asar ko sa kanya.
Nagmake-face siya. "Ewww! Bagay ka dyan. Yuck lang?"
Natawa nalang ako sa sinabi niya. Paano kasi, 'tong si Bryan ay inamin sa akin na CRUSH daw niya si Summer. Haha! Nung nalaman ko yun as in napa-WHAT? ako. Haha! Unexpected yun ah. Kaya pala nagkukwento siya ng panaginip niya sa akin. About sa kanilang dalawa.

BINABASA MO ANG
This Is Me
Ficção Adolescente"Ano raw?! It's complicated ba kamo? Ha-ha-ha! Baka joke lang niya 'yon." -Stephanie Hwang ✘✘✘✘✘ THIS IS ME WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2014- ON HOLD FOR EDITING