Chapter 45 #LongDistanceFriendship

92 8 9
                                    

Stephanie's POV



Kakatapos ko lang magpalit ng pambahay na damit nang may kumatok sa pinto.


"Pasok!"


"Stephie, nak, tawag ka ng kuya mo. May bisita ka raw sa baba." nilingon ko si eomma na nakasilip sa likod ng pinto.


Gabing-gabi na para may bumisita sakin. Sino kaya 'yon? Hindi kaya siya? Nako. Imposibleng mangyari 'yon. Alam ko namang hindi papayag si oppa na tumapak 'yon sa pamamahay namin, knowing that hindi pa rin sila nagkakasundo. Hays.


"Sige eomma. Bababa na rin ako." sabi ko.



---



Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Medyo kinakabahan na nae-excite ako kung sino ang bisita ko kuno. Baka naman dumating na nung ninang ko galing ibang bansa tapos may dala siyang pasalubong like chocolates. OMG! I can't help but to smile like there's no tomorrow.


Hindi pa ako nakakababa ay naririnig ko na ang boses ni oppa at may kausap siya, lalaki ata?


"Ang tagal naman bumaba ni Stephie. Kuya Kevs, puntahan ko nalang kaya siya sa kwarto niya?"


"Pinatawag ko na siya so chill ka lang dyan. Baka may tinatapos lang 'yon. Talagang miss na miss mo na siya 'no?"


"Sobrang miss ko na, kuya Kevs. Walang araw na lumilipas na hindi ko siya iniisip."


Nacu-curious na ako. Mukhang hindi namin ito kamag-anak base palang sa mga narinig ko. Pero bakit niya ako kilala? Must be a friend of oppa? Kaso wala akong natatandaang ipinakilala niya ako sa barkada niya, ni hindi man lang niya niyayang pumunta rito sa bahay namin. Dali dali akong pumunta ng sala at naabutang nakaupo si oppa at ang isang lalaking hindi pamilyar sa'kin. Ito ba yung bisita ko? Hindi ko siya kilala.


"Oppa..." pagtawag ko sa atensyon niya.


Napalingon sila sa direksyon ko, si oppa nakangiti samantalang yung lalaking katabi niya ay napatayo at yung expression ng mukha niya ay parang gulat na gulat. Nakakita lang ng multo ang peg?


"S-stephie? I-ikaw na ba y-yan?" tanong nung lalaki.


Nakatingin lang ako sa kanya. Bakit niya ako kilala? "Sino ka?"


Mukhang nadismaya siya sa sinabi ko. Alangan namang magpanggap akong kilala ko siya, kahit hindi talaga. Pero habang tumatagal ang pagkilatis ko sa kanya, nagiging pamilyar na siya. Namumukhaan ko siya ng konti.


"Ang bilis mo naman makalimot. Nagkahiwalay lang tayo ng ilang taon, Stephie."


This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon