Chapter 16 #Revelations

220 15 1
  • Dedicated kay Aiden Lee
                                    

Aiden's POV

Papunta na ako ngayon sa canteen. Bibilhan ko muna ng makakain si Stephie. Responsibilidad ko siya ngayon kaya gagawin ko ang lahat to make her feel better.

"Bro!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Spencer lang pala. Teka, bakit niya bitbit bag ko?

"Saan punta mo?" tanong niya saka binigay sa akin yung bag ko.

Kinuha ko naman. "Sa canteen lang. Bibili ng pagkain."

"Ah. Himala hindi ka umuwi ng maaga ngayon."

"Binabantayan ko kasi si Stephie sa clinic. Baka mamaya na."

"Si Stephie? Nasa clinic? Bakit? Anong nangyari?"

Kumunot ang noo ko. Hala? Hindi niya alam? Nandun naman siya sa room.

Binatukan ko nga. "Adik. Nahimatay siya kanina. Hindi mo alam? Nasaan utak mo nun, men?"

"Aray! Porket kasama mo lang siya namamatok ka na. Psh."

Natawa lang ako. Parang baliw kasi. Pumasok na kami sa canteen at tumungo ako sa counter para makabili na. Nakasunod lang si Spencer sa akin.

"Musta na pala yung deal niyo ni Marv? Kumikilos ka na ba?" tanong niya.

Napatingin lang ako sa kanya. "Ayun, hindi ko alam kung nagagawa ko ba ng maayos. Pero napapansin kong kabado siya kapag kaharap na niya ako."

"Yun oh. May ibig sabihin na yan, bro." at ngumisi siya.

"Ano naman? Ang dami mong alam, Spencer."

"May gusto na yun sayo. Nice one. Kinikilig ka noh?" asar niya.

Ako? Gusto nun? Malabo. Sa pangalan siguro, oo. Tss.

"Kung wala ka ring matinong sasabihin, umuwi ka na." sabi ko saka kinuha yung inorder ko at naglakad palayo sa kanya. Wala naman akong mapapala dito.

Ayoko munang isipin yang deal na yan. Sa totoo lang, naguguluhan na ako.

"Tapos ngayon pinapalayas mo na ako? Hanep ka rin. Haha! Sabihin mo nga, nagsisimula ka na rin bang magkagusto kay Stephanie?"

Napatigil ako sa paglalakad.

*dug-dug-dug*

Napahawak ulit ako sa dibdib ko. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Sht!

Hindi ko napansing kaharap ko na pala si Spencer. "Bakit bigla kang natameme dyan? Am I right?" at ngumisi sila ulit.

Teka, bakit ako ang target nitong pag-tripan? Sarap sipain eh. -_-

"Ano bang trip mo? Kung wala ka ng sasabihin, may naghihintay pa sa akin." inis kong sabi saka siya nilampasan.

Ano ba gusto nung palabasin? Tss. Basta kahit anong mangyari, hindi ko sisirain yung deal namin.

"Sasabihin ko kay Marv na nagkakagusto ka na kay Stephanie. Humanda ka." narinig kong sabi ni Spencer. Hindi pa naman ako nakakalayo.

Ano bang pinagsasabi niya?! May sinabi ba akong gusto ko yung babae na yun? Tsk!

Konsensya: pero yung puso mo, sinisigaw yung pangalan niya. Ayaw mo pang aminin.

Bwiset! Sige lang, konsensya, kampihan mo pa yung lokong Spencer na yun. Tss. Wala lang kasing magawa.

"Gusto mong malaman ang totoo?" panimula ko. Humarap ako sa kanya.

"Wala akong gusto sa kanya at kailanman ay hindi ko siya magugustuhan. Ayan. Masaya ka na? Sinabi ko na yung totoo."

"Well, ewan ko. Pero mukha ngang nagsasabi ka ng totoo. Sige. Uwi na ako." at kumaripas siya ng takbo paalis.

Anong nangyari doon? Nagkibit-balikat nalang ako. Tumalikod ako ulit.

O_____O

"S-stephie?!"

Sht! Bigla akong nakaramdam ng kaba. Narinig kaya niya? Nakita ko na parang paiyak na siya. Fck! Parang gusto kong bawiin yung sinabi ko kay Spencer.

But I think it's too late.

Dahil tumakbo na siya palayo.

Konsensya: yan ang napala mo. Ang daldal kasi ng utak mo. Ano? Nasa huli ang pagsisisi diba?

Nakokonsensya ako. I need to say sorry.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon