Chapter 12 #TheDeal

262 15 1
  • Dedicated kay Aiden Lee
                                    

Aiden's POV

Nandito ako ngayon sa clinic, binabantayan yung babaeng mahalaga sa akin.

Hindi ko akalaing mangyayari ito sa kanya ngayon. Sobra akong nag-alala. Kasi naman, ang tanga ko para hindi siya saluhin kanina. Sarap iuntog sa pader ang ulo ko minsan eh. Tsk! May topak na ata.

Pero, totoo talaga, I am damn worried about her. Tapos nalaman ko pang may sakit siya. Tsk! Bakit hindi niya sinasabi? Pati yung bestfriend niya, walang kaalam-alam.

Konsensya: bakit naman niya sasabihin sayo? Close kayo? Hindi mo nga malapitan eh.

Oo na. Ako ng may mali. Pasensya na ah. Sorry kung hindi ko malapitan dahil sa NAIILANG AKO. Tss.

Konsensya: alam niyo kasi, mga readers, itong si Aiden ay matagal ng gusto si Stephanie. Palibhasa, TORPE!

-__-

Manahimik ka nga konsensya! Sinisira mo image ko sa kanila. Tss. Huwag mo nga akong pangunahan sa mga desisyon ko sa buhay.

Konsensya: bahala ka. I'm just here to guide you. Sige ka, baka pagsisihan mo yan sa huli.

Ewan ko sayo. Just shut up, okay?

Back to reality.

Kumuha ako ng upuan at tinabi iyon sa side ng kama niya. Pinagmasdan ko lang siya. Para siyang anghel kung matulog. So peaceful. Ibang-iba siya kapag gising. Sobrang kulit, minsan hyper. Ganun ko siya nakilala. Sa ilang taon ba namin magkaklase.

Bigla kong naalala nung 3rd year kami, nagpadala siya ng letter para sa akin. Hindi ko ine-expect na makakatanggap ako ng sulat na galing sa babae. Very unusual, isn't it?

Ang lakas ng loob niya kahit pina-abot pa ni Anna yun sa akin. I appreciate her efforts, kahit papaano. Kaso, hindi ako naka-reply sa sulat niya kasi . . .

Basta. May deal kami ng kabarkada ko.

I've heard kasi na may gusto daw yun sa akin kahit hindi pa niya ako nakikita, kumbaga, nagustuhan niya ako ng dahil sa name ko. Yun ang sabi. At na-disappoint daw siya nung nakilala na niya ako.

Alam na yun ng mga kaibigan ko, sila nga ang nagsabi sa akin eh. Close daw kasi sila Spencer at Stephanie. Kaya siguro nagtanong siya.

Ang challenge nila sa akin is to make her fall for me at kapag graduation na ay I will break her heart.

Nung una, sobra kong tinutulan yung idea. Grabe naman yun. Kahit na lalaki ako ay may feelings din ako at nakakaawa naman kung sa huli ay sasaktan ko lang siya. Paniguradong aasa yung tao. Pero sadyang mapilit sila eh. Sabi masaya daw yun. Kesyo i-try ko daw kung bibigay.

Sa bandang huli, napa-oo nalang ako. Hindi naman masama kung subukan. Dalawang taon lang naman eh. Kung totoong sa pangalan ko lang talaga siya in-love at hindi sa akin.

*dug-dug-dug*

Whoa! Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Ano yun? Heartbeat? Napailing ako. Hindi pwede.

Bakit pa kasi nauso ang mga kondisyon na yan?

-__-

"Pero may isang kondisyon, wag na wag kang maiin-love sa kanya. Para ka na rin nahulog sa sarili mong patibong. Tandaan mo yan. Yung pangalan mo lang ang gusto niya, hindi ikaw. Pero tingnan natin kung hanggang dun lang ang kakayanin niya. May itsura ka naman eh. Bulag lang siya para makita iyon."

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon