Stephanie's POV
Mga 10 segundo din bago mag-sink in sa isip ko yung mga sinabi niya. Bakit nga ba ako affected masyado? Ano ngayon kung nag-aalala siya? Alam ko namang awa lang yun. Sus. I don't need his pity. Ang plastik niya.
Nagkibit-balikat nalang ako as if hindi ko narinig iyon at pinagpatuloy lang ang paglalakad. Nakakainis! Naririnig ko na naman yung mga sinabi niya doon sa canteen. Grrr!
Napatigil na naman ako kasi may humawak sa braso ko. Gosh! Hindi ba ako nito tatantanan?
"Tapos ngayon bigla ka nalang magwawalk-out? Wala namang ganyanan. Kita mong nag-aala---"
Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. "Nag-aalala? I don't think so! Wala akong paki kung mag-alala ka or what! And please, wag na tayong magplastikan dito. Kung naaawa ka lang sa akin, pwes, hindi ko kailangan nun. Kaya kung pwede, lumayo ka na sa akin." agad kong pinunasan yung patulong luha palang. Ayokong umiyak sa harapan niya.
*****
Aiden's POV
"Nag-aalala? I don't think so! Wala akong paki kung mag-alala ka or what! And please, wag na tayong magplastikan dito. Kung naaawa ka lang sa akin, pwes, hindi ko kailangan nun. Kaya kung pwede, lumayo ka na sa akin."
Natigilan ako sa mga sinabi niya. Kung alam mo lang, hindi awa itong nararamdaman ko ngayon. Kundi pag-aalala talaga.
At mas lalong hindi ko tanggap na sinabihan niya ako ng plastik. Kelan ko pa ginawa yun? Totoo naman lahat ng pinapakita ko sa kanya na ugali ko. Bakit hindi niya nakikita yun?!
Hindi nalang ako sumagot. Lumapit ako at niyakap siya ng mahigpit. Alam kong ito ang kailangan niya ngayon. Kailangan niya ng taong pwedeng mag-comfort sa kanya at nandito ako para gawing shoulder to cry on niya.
"I'm sorry." bulong ko. Halatang nagulat siya sa ginawa ko at pilit niyang kumawala pero mas lalo kong hinigpitan. I really need to apologize to her.
"I'm sorry sa sinabi ko kanina. Hindi ko intensyong saktan ka. At totoo talagang nag-aalala ako sayo at hindi lang basta awa. Kasi mahalaga ka para sa akin. Pero kung hindi mo ako mapapatawad, okay lang, basta wag mo lang ako layuan. Please? H-hindi ko ata kakayanin yun." hindi ko namamalayang napapaluha na pala ako. Aish! Ang bading tingnan.
*****
Stephanie's POV
*dug-dug-dug*
Inaatake na naman ba ako ng sakit ko? Kanina pa mabilis yung tibok ng puso ko. Feeling ko nga naririnig na ata niya sa sobrang lakas ng kabog.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi niya sa akin o gino-good time lang niya ako. Pero kasi mukhang seryoso talaga siya at sincere naman ang apology niya. Hays! Tatanggapin ko ba? Kasi eh! Nasasaktan pa din ako dun sa sinabi niya.
Hindi pa rin ako makapagsalita at nananatili pa rin kami sa ganitong posisyon. Magkayakap. Joke. Siya lang. Ang awkward kaya tapos sa daanan pa talaga. Napansin kong parang humihikbi siya. Hala? Is he crying? O.o?
Kinalas ko yung pagkakayakap niya sa akin saka siya hinarap. Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung luha niya. Halaa? Bakit siya umiyak?
"Uy, okay ka lang? Bakit ka naiyak?"
Umiling siya. "Ah, wala ito. Tears of joy lang." sabay tumawa siya.
Yung totoo? Iiyak tapos tatawa? Baliw. Hinampas ko nga. "Para kang bakla. Wag ka ngang umiyak! Pati ako naiiyak eh!" reklamo ko.
Tumawa lang siya then he cupped my face. "Oo na. Hindi na. And please don't cry. Ayokong nakikita kitang umiiyak. Masama yan sa kalagayan mo."
Feeling ko umakyat lahat ng dugo sa pisngi ko. What the heck! Ang lapit niya sa akin. Naalala ko tuloy yung scene namin kanina sa room.
>//////<
"A-ah, eh, kalagayan ko?" alam ba niya yung tungkol sa sakit ko? Sa pagkaka-alam ko, wala pa akong napagsasabihan, kahit si Anna at Summer walang ideya.
Tumango siya. "Yeah. I know you're sick at nandito ako para bantayan at alagaan ka." he smiled.
Waaa! Yung puso ko talaga! Ang pinaka-ayaw kong gagawin niya ay yung ngumiti. Kasi naman, lumulundag yung puso ko sa sobrang kilig na ewan.
"H-hindi mo responsibilidad na alagaan ako. Kaya ko pa at saka nandyan ang----"
"Shhh! Tama na. Please. Just let me do it? Kahit pambawi ko lang sa ginawa kong pananakit ng feelings mo."
I really don't know what his intentions are. Pero hindi naman masama kung itry ko. I mean, matagal ko ng hinihintay itong moment. Na mapapansin na niya ako. At magiging close na kami sa isa't-isa. I think I should ser aside my feelings for him. Baka kasi humadlang pa sa pagsisimula ng growing friendship namin.
I tried to smile. "O-okay. Sige. Ikaw bahala. Pero can you do me a favor?" I asked.
"Sure. Ano yun?"
"Pwede atin-atin lang ito? Please don't tell sa anak ko, kay Summer at sa mga closest friends ko." napatungo ako. "I-I don't want them to get worried."
Naramdaman ko na naman ang yakap niya. "Okay, okay. I won't. I understand you, pero kay Anna, itatago mo? She's your bestfriend at aware ako dun. Kailangan mo ding masabi yan sa kanya bago pa niya malaman sa iba."
Napa-iling ako. Kahit na bestfriend ko siya, still, siya ang least na pwedeng mag-worry sa akin. Okay lang na ako ang mag-indure ng pain, wag lang siya. "Ayoko lang talaga siyang mag-alala masyado sa akin. Baka kasi mapabayaan yung pag-aaral niya ng dahil sa akin. I don't want that to happen."
"I-explain mo ng maayos sa kanya. I'm sure she'll understand naman at saka kung makapag-salita ka naman paramg hindi ka gagaling."
I chuckled. Oo nga. Para naman akong namamaalam sa ganitong lagay. Sorry naman. Kapag kasi ganyan ang topic, talagang madrama ako. Haha.
****
Aiden's POV
O_O
Natigilan ako. Hindi ko inaasahan yayakapin niya ako pabalik. Sht! Ang weird ng heartbeat ko ngayon.
"Salamat ha. And sorry sa mga bad things na nasabi ko sayo. Hindi pala dapat kita hinuhusgahan. Ngayon alam kong mabait ka talaga. Thank you. Matagal na kitang gustong maging kaibigan. Last year pa talaga. EwN ko ba. May pumipigil ata sa akin para gawin iyon."
Tumawa ako ng mahina. Hindi ko akalain na dadating kami sa punto na ito. Yung komportable na sa isa't-isa at naisantabi na ang hiya. At hindi ko alam na gusto pala niya ako maging kaibigan. Paano kasi, mas nauna yung salitang 'awkward' kesa sa 'friends'.
Siguro nga sa paraang ito na magkaibigan kami, mas mapapadali yung pagsasagawa sa plano ko. Ilang buwan pa naman bago ang graduation. Marami pang oras para mahulog ang loob niya sa akin.
At para matapos na ang deal na ito, once and for all.
Konsensya: pansinin niyo naman ang kumakabog na puso ni Aiden. Nagagawa pa niyang isipin yung stupid deal na yan! Sus.
-_-
Bakit bigla-bigla nalang umeeksena yung konsensya ko? Tss. Ganyan talaga heartbeat ko. Irregular talaga.
Konsensya: Irregular daw? O baka sign yan na in-love ka na kay alam mo na?
-_-
Tumigil ka dyan! Hindi mo alam sinasabi mo. Tss.
Konsensya: wow ha! Nahiya naman ako sayo. Tandaan mo, konsensya MO ako at ang isip MO ang nagsasalita. Kaya IKAW pa rin ang lumalabas na may sala. Bwahaha!
-_-

BINABASA MO ANG
This Is Me
Novela Juvenil"Ano raw?! It's complicated ba kamo? Ha-ha-ha! Baka joke lang niya 'yon." -Stephanie Hwang ✘✘✘✘✘ THIS IS ME WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2014- ON HOLD FOR EDITING