Stephanie's POV
*Bell rings*
Hay! Nagbell na. And you know what that means? Uwian na naman. -.-
"Okay class. Maglinis na yung mga cleaners." sabi ng last subject teacher namin.
Nagsitayuan naman kaming lahat at kanya-kanya na sila ng ayos sarili. Pulbo here, suklay there. Chika here, sigawan there.
Halos everyday nalang ganito yung routine namin. At aaminin ko, nakakasawa na. Parang wala ng bago. Kung meron man, bihira. AS IN BIHIRA!
"Stephie! Tara na! Punta na tayo sa library." rinig kong tawag sa akin ni Summer.
Ka-row ko siya and she's my friend since 3rd year palang kami. Transferee siya noon at napag-alaman kong malapit lang ang bahay nila sa amin. :)
"Oo na. Teka lang." sabi ko sa kanya. Nag-aayos pa kasi ako ng gamit. Pagkatapos ay binitbit ko na yung bag ko at hinila palabas si Summer.
"Tara na nga. Gagawa pa ako ng homework sa Math eh." sabi ko sa kanya habang hila-hila ko siya.
"Stephanie! Summer! Hintay! Mang-iiwan na naman kayo." panghaharang sa amin ni Anna.
Bestfriend ko siya na ubod ng kulit. Mana lang sa akin. Haha! Kaya na nagkakasundo kami sa lahat ng bagay.
"Okay fine. Bilisan mo! May gagawin pa ako. Ay teka, cleaners ka diba? Why aren't you cleaning?" Tanong ko kay Anna.
"Ah... hehe! Oo nga pala no? Haha!" natatawa niyang sagot. Kita mo na. Hay naku!
"Mauuna na kami ni Summer. Kasabay mo naman si Jessie eh." sabi ko sa kanya.
Isa rin sa mga bestfriends ko si Jessie. Kpop addict like me. Mataray na makulit. Parang ako lang. Haha!
"Okay! Nasa library lang kayo diba?" tanong ni Anna.
"Yeah. Oh sige na. Bababa na kami." sabi ko sa kanya at hinila ko na si Summer ulit palabas ng room.

BINABASA MO ANG
This Is Me
Teen Fiction"Ano raw?! It's complicated ba kamo? Ha-ha-ha! Baka joke lang niya 'yon." -Stephanie Hwang ✘✘✘✘✘ THIS IS ME WRITTEN BY: SPONGEBOBHWANG ©2014- ON HOLD FOR EDITING