Chapter 36 #Alone

127 9 0
                                    

Stephanie's POV

Ang ganda ng langit ngayon. Maaliwalas. Walang kahit na anong ulap na nakakalat. Sana ganito din kaganda ang buhay ko. Yun bang napaka-peaceful at walang pinoproblema. Sana ganito nalang forever, kaso wala namang forever dito sa lupa. Sa langit lang. Hays.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naka-tambay dito sa rooftop. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang sa ngayon ay mapag-isa at pakalmahin ang sarili ko, lalo na ang puso kong nagdurugo.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ko nang makita siya at si Marie na masayang nagku-kwentuhan. Eh normal lang naman siguro 'yon kasi magkaibigan sila. Ang hindi ko lang matanggap is yung ang sama ng tingin niya sa'kin. Like, seriously? What did I do to him? Naging mabait naman ako sa kanya. Akala ko ba friends na kami? It seems like bumabalik yung dating pakikitungo niya sa'kin bago pa man yung insidente na nangyari nung MAPEH time. Bakit ang sakit? Akala ko talaga okay na kami. Shit lang.

Agad kong pinunasan ang nagbabadyang luha sa aking mata. Kanina pa ako umiiyak dito and I can't seem to stop. Kasi nga, masakit. Sobrang sakit. Na ang tanging paraan para maalis ito ay ang umiyak ng umiyak hanggang sa gumaan ang iyong pakiramdam.

Alam mo, Stephie, hindi lang simpleng sakit 'yang nararamdaman mo, eh. Nagseselos ka. At 'wag mong subukang i-deny dahil halata naman. Hindi ka naman magwa-walk out at magpapaka-emo dito kung hindi dahil sa lintik na selos na 'yan.

Huh? Talaga? Nagseselos na pala ako? Ganun pala 'yon?

Ay hindi! Ano ka ba! Aminin mo man o hindi, mahal mo pa rin siya. Kahit na sinabi mo na isasantabi mo yung feelings mo para sa kanya, hindi pa rin magbabago ang katotohanang meron pa rin talaga.

I never thought that I could myself a piece of advice like that. I mean, saan nanggaling 'yan? May isa pa bang ako, like inside my mind?

Pero kasi, hindi eh. Mali! Mali itong pakiramdam ko. Kasi... kasi... magkaibigan lang kami. Walang kahit anong mutual feelings whatsoever. Aish! Bakit ba kasi ang complicated ng buhay ko? Lalo na sa pag-ibig?




---




Anna's POV

"Good afternoon, class!" bati sa'min ni Ma'am nang makapasok siya sa roon.

Agad naman kaming nagsitayuan lahat at may iilan pa na nasa labas ang kumaripas ng takbo papunta sa loob habang 'di pa sila nakikita ni Ma'am.

"Good Afternoon, Ma'am!"

"Okay, magsi-upo na kayong lahat at ako'y magche-check ng attendance niyo ngayon." sabi ni ma'am.

Sumunod naman kami at umupo na. Napalingon ako sa gawing likod ko. Napansin ko na bakante ang upuan ni Stephie. Oo nga pala, matapos nung argument nila Daddy V at Jessie kanina, hindi ko na siya nakita. Saan na kaya 'yon? Never nala-late 'yon sa klase at hinding-hindi rin niya magawang mag-cut ng klase. GC kasi siya tulad namin. Hehe.

Bumalik na ulit ang tingin ko sa harap at sinabi kay Jessie yung na-obserbahan ko.

"Wew? Wala pa siya? Baka naman nasa canteen pa 'yon o pumunta sa CR." sabi niya.

"Baka nga. Pero baka markahan siya ni ma'am ng absent kasi wala siya dito." nag-aalala kong sabi.

"Hindi 'yan. Nandito naman bag niya eh. Gumawa nalang tayo ng palusot."

Bumuntong hininga ako. Natatakot lang naman kasi ako para sa kalagayan ni Stephie. Medyo strict kasi si ma'am pagdating sa punctuality ng isang estudyante. Sana maniwala siya sa gagawin naming palusot.

"Bakit may bakanteng upuan doon sa may third row, d'on sa may dulo. Absent ba 'yan?"

"Hindi po, ma'am. Nag-CR lang po saglit si Stephanie." si Jessie ang sumagot sa tanong ni ma'am.

Shemay. Kinakabahan ako. Mukhang wala ata sa mood ngayon si ma'am base palang sa tono ng pananalita niya.

"Oh, eh bakit hindi pa siya nakakabalik. Malapit lang naman ang CR ng babae dito sa floor niyo."

Hindi na naka-sagot ulit si Jessie. Mukhang siya rin, ay nasindak kay ma'am. Halos lahat ata kasi ang tahimik nila.

"Kapag hindi pa siya naka-balik dito within 2 minutes, I will mark her absent."

Oh no. Hindi pwede. Maliban sa mamarkahan siya ng absent ay kapag nakabalik man siya, papahiyain lang siya ni ma'am. At ayokong makita 'yon. Kailangan may gawin ako.

Nag-taas ako ng kamay. "Ma'am..."

"Yes, Anna? Please stand up."

"Pwede ko po ba siyang sunduin d'on sa CR?" paalam ko.

"At bakit mo pa siya kailangang sunduin, aber? May sarili naman siyang mga paa, diba? Unless she is physically disabled."

My gosh. Mauubusan ako ng lame excuses sa lagay na 'to. "Nag-text po kasi siya na nagkaroon po ng konting problema, you know, girl thing po.."

Yung dibdib ko, kanina pa kumakabog sa sobrang kaba. Please ma'am, pumayag ka.

"Fine. But I'll only give you 5 minutes. Kapag lumampas ka sa oras, pareho kayong malalagot. Do you understand?"

Tumango ako. Bahala na kung anong mangyaring consequence. Kakayanin ko naman siguro yung palugit. "Yes, ma'am."

"Okay, you may go." matapos niyang sabihin 'yon ay agad akong kumaripas ng takbo palabas at doon ko na sinimulan ang paghahanap kay Stephie.

This Is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon