Forty Eight

51 3 0
                                    

A Calm Night Before Explosion

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A Calm Night Before Explosion

C H L O E


Lutang.


'Yan 'ata ang best description ko sa sarili ko ngayon. 


Lutang.


Nakatitig sa mesa habang nilalaro-laro ang pencil ng Ipad ko. 


Kakaalis lang ng teacher sa first subject namin after lunch. 


I think she's Miss Lagat. Walang rumerehistro na mukha sa utak ko. I don't even remember the subject.


Lutang.


Tumingin ako sa katabi kong upuan. Wala akong katabi kaya nilagay ko na lang ang bag ko.


Lumipat uli ang tingin ko sa ipad ko. 


Itim. 


Namatay na dahil sa kakatitig ko lang.


Bubuksan ko na sana ulit ng biglang may kumalabit sa akin.


"Chloe! Sa office namin mamaya ah!" Biglaang salubong sa akin ni Paul. "Sabay ka na lang sa amin."


Nandito pala silang dalawa ni Aleck. Nakatayo si Paul sa harapan ko at uupo sana si Aleck pero hindi niya itinuloy ng makita ang bag kong nasa upuan.


"Bakit? Anong mangyayari?" 


Inalis ko ang bag ko at sinenyasan si Aleck na umupo pero umiling siya kaya ibinalik ko na lang.


"May bagong dating na mga damit tsaka mga gamit."


"Ang bilis ah." 

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon