Twenty One

127 65 0
                                    

Audition

Chloe's POV

"So, anong kakantahin mo bukas?" Tanong ni Dad sa akin pagkasubo ko ng kutsara na may lamang pagkain.

"'Yan din 'yung inaalala ko Dad pero makakahanap din ako. There's so many songs to choose from." Tinuloy lang namin ang pagkain namin.

Lumipas ang ilang minuto ng walang nagsasalita. Tanging kaluskos lang ng kutsara't tinidor sa pinggan at pagbuhos ng tubig mula pitser papunta sa baso ang naririnig.

"I have an out-of-the-country meeting tomorrow. Siguro gagabihin ako ng uwi. Anong gusto mong pasalubong?" Napatingin ako sa kanya habang nagsasalita siya. Ipinagpatuloy lang naman niya ang pagkain matapos siyang magsalita.

"Wala naman po, Dad. Just be safe." Ngumiti ako sa kanya at ngumiti naman siya kahit na nakatingin siya sa hinihiwa niyang pagkain niya.

"Okay. Wala ka na bang ibang ipagpapaalam? I may be too busy tomorrow that I'm not gonna be on my phone the whole time."

Mukhang mabait ngayon si Dad. Medyo naninibago lang ako. Nagsimula na siyang medyo mag-loosen up nung naging bodyguard ko si Kian. Maybe he really trusts Kian that he finally let me do things on my own as long as Kian is around me.

Speaking of doing things that I wanted, 'yun pa lang tungkol sa Parks. I need to do something about them.

"Ahmm. Dad. Meron sana akong hihinging favor." I really really hope that Dad will agree.

Humarap siya sa akin habang ngumunguya pa rin. Kinuha niya 'yung pamunas sa gilid tsaka niya pinunasan ang bibig niya matapos uminom ng tubig.

"What is it? Is this something to do with school?" He looks at me with his usual narrowed eyebrows everytime I asked him about something that's a little bit on the edge.

"No. It is about the company. Remember the Parks? I don't want them, Dad. I don't want them to be part of our company. Of our lives. Can you do something about it?" Sana pumayag si Dad. Ayoko siyang mapahamak kung sakali mang tanggapin niya ang mga Parks. Oo, hindi dapat ako manghusga ng ibang tao pero mabuti na 'yung nag-iingat. They've done it to Chua before, maybe they still can do it now. To us.

To him.

"Hindi pa naman official 'yung partnership. Hindi ko pa nga alam kung matutuloy iyon. Pero kapag hindi pa naayos 'yung problema nila, I'll gonna find a new businessman." Haaay. Ayos. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga dahil ganun pala ang desisyon ni Dad.

"What if mapatunayan man na wala silang kinalaman sa ibinibintang sa kanila? Is there a chance na tatanggapin mo 'yung offer bilang maging new business partner nila?" Huwag naman sana Dad. Kailangan kahit anong mangyari ay huwag mo silang tatanggapin.

"It's possible. As long as they don't bring mess to the company. Why?" Posible. Hindi pwedeng mangyari 'yun.

"Dad, pwede bang huwag na lang. Just find another one. Or... I can help you find. There's so many businessmen and businesswomen in BH. Huwag na lang po sila."

Naistorbo ang usapan namin dahil sa pagtunog ng cellphone ni Dad. Tinignan niya ito at sakto namang tumigil ang pagtunog.

"Alright. If that's what you want. I want you to don't think too much about the company." I smiled at him and put my hand above his hand.

He then put his other hand above mine.

"Sir Vega, handa na daw po 'yung sasakyan niyo." Biglang sulpot nitong si Kian.

Tumayo na si Dad habang hinihimas ang kamay ko. Tapos lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking kanang pisngi.

"Aalis na ako. Here's some money. Have some fun sometimes. Lagi namang nandiyan si Kian." Umalis na siya sa harapan ko at sinundan ko ng tingin hanggang sa makalapit siya kay Kian.
Nakita kong inilapit ni Dad ang bibig niya sa tainga ni Kian tsaka tinapik ang bialikat nito. Aalis na sana si Dad at maiiwan si Kian na nakatingin pa rin sa akin matapos 'yung kung ano mang ibinulong ni Dad sa kanya nang biglang tawagin na naman siya ni Dad kaya sumunod na siya at iniwan nila ako.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon