Permission
Chloe's POV
Matapos naming kumain ni Sheryl, nag-alok siyang i-tour niya daw ako sa buong school. Kapalit daw nung pagtulong ko sa kanya sa cafeteria kanina. Hindi na ako pumalag kasi ililibre niya pa ako ng ice cream.
No one rejects ice cream. And ice cream doesn't deserve rejection.
Pwera na lang sa mga singers at sa mga taong hindi talaga marunong mag-appreciate sa ice cream.
One of my favorite desserts is ice cream. Chocolate-flavored ice cream to be exact.
Kaya madali akong napapayag ni Sheryl dahil sa ice cream.
Yeah, I'm weird. Ganito talaga ako. Pabago-bago ng ugali. Minsan masungit, minsan mabait, minsan mas masungit, at minsan mas mabait.
"Dito naman 'yung papuntang school gymnasium. Dinaanan na natin ito kanina. Madadaanan mo din dito 'yung papuntang garden pero off-limits pa 'ata 'yun ngayon. Hindi umabot 'yung renovation nila sa unang araw ng pasukan. Lalagyan din nila ng lockers sa magkabilang gilid ng hallway para sa mga BH players na gagamit sa school gym."
Madaldal din pala itong si Sheryl. Halos lahat kasi ng kaklase namin ang sinasabi ay tahimik lang siya. Nagsasalita lang kapag recitation.
"Bago lang 'tong mga kuwartong ito. Parte ng bagong curriculum ng BH. Dito sa unang kwarto ay para sa mga aspiring dancers and ballerinas. Dun sa dulo ay sariling studio ng TDB. Tapos 'yung kuwarto sa gitna ng dalawa ay ang studio ng mga aspiring musicians and singers. Diyan din 'ata nagaganap 'yung audition."
Naglakad siya papalapit sa nagkukumpulang mga estudyante at iniwan ako.
Grabe ah! Miss Sheryl Chua, hindi pa tayo close para basta-basta mo na lang akong iwan! Porket sinabi ko lang na sa unang pangalan niya na lang ako tawagin dahil sobra na akong napopormalan sa tawagan ng mga estudyante dito, at huwag na ring mag-po dahil magkasing-edad lang naman 'ata kami.
"Chloe! Halika dito! Tingnan mo, bilis!" Oh diba! First-name basis and we're not even that close.
Naubos ko na rin itong ice cream ko kaya itinapon ko muna sa basurahan bago lumapit sa kanya.
Ano kayang tinitingnan niya? Ay hindi pala, ano kayang tinitingnan nila? Kanina pa 'ata sila nandito eh. Lumapit na ako sa kanya at tinignan kung anong pinagkakaguluhan nila.
Nakatingin silang lahat sa malaking tv na nakakabit sa may glass ng studio. May kumakantang lalaki habang tumutugtog ng piano. Nakayuko siya pero parang pamilyar sa akin ang hubog ng katawan niya. Mas lalo na 'yung relo niyang kulay itim at silver. Parang nakita ko na siya.
Pero parang hindi naman. Wala naman akong kilalang marunong kumanta.
Marunong kumanta ng "Thinking out Loud" ni Ed Sheeran. Wala rin akong kilalang marunong mag-piano. Pwera lang sa kanya pero imposible naman na siya 'yan.
Maybe ... we found love right where we are
Baby, we found love ...Right where we are ...
Maganda 'yung boses niya pero hindi ko talaga malaman kung sino.
Sandali nga. Nasaan na pala si Kian? Mukhang hindi niya ata ako sinusundan ngayon ah.
Wait...
~~~~~~~~~~
Nandito na ako sa sasakyan at pauwi na ng bahay. Wala naman kaming masyadong ginawa kanina matapos ng breaktime. Wala namang mga nakakabiglang mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
Revenge Got Distracted
AzioneChloe Vega has everything she could ask for. She's rich, smart, and spoiled. She's also loved and cared for. But she doesn't mind any of those. Behind all things she already had, Chloe wants nothing more than to get the justice she merely wanted...