Nineteen

116 65 2
                                    

Ayos Ka Lang?

Chloe's POV

May balak ba siyang sampalin ako? Ba't ba siya gigil na gigil na layuan ko si Ranz? Ano bang relasyon nilang dalawa?

Andami kong mga tanong pero hindi ko alam kung gusto niyang sagutin lahat.

"I won't slap you. Just tell me that you'll gonna stay away from him and from them. Kundi baka ituloy ko ito," pagbabanta niya.

"Ano bang problema mo, Trixie? Nananahimik lang ako. Tsaka hindi ko siya nilalapitan. Ba't ko naman siya lalapitan? We're not even friends." Hindi ko naman talaga siya nilalapitan. Nagkataon lang na nandun siya kung nasaan ako.

"I don't care. I don't care if you're doing nothing. Just stay away from him. Stay away from my boyfriend." Stay away from her boyfriend?

So, boyfriend niya pala si Ranz? Hindi ko man lang napansin. Never ko pa kasi silang nakitang magkasama. Ni mag-usap nga hindi ko pa nakita.

Aaah. Kaya pala ganun na lang tingnan ni Ranz si Trixie nung nasa Dean's office kami. Meron palang nangyayari sa kanila.

"I guess you don't have any idea. Kaya ngayong alam mo na, stay away from us." Muling sabi niya at umalis na siya.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa dumaan siya sa harap ni Ranz at makarating sa upuan niya.

Eh, ano naman ngayon kung boyfriend mo si Ranz. Wala naman akong ginagawa ah.

~~~~~~~~~~


Malapit na silang matapos at malapit na ring matapos ang PE class. Nandito lang ako sa upuan ko at pinanonood sila. Hindi naman pwedeng gumamit ng cellphone tuwing class hours kaya wala akong magawa.

Si Aleck kanina pa nakasalang at binabalanse ang libro niya. Kanina ko pa siya pinapanood dahil halos magsasampung-minuto na siyang nandoon at hindi man lang nakakadalawang hakbang.

Nang biglang may umalingawngaw na tawanan sa buong gym. Napalingon ako sa likod at nakita kong nagtatawanan sina Rory at Max habang nakatingin kay Paul.

Naka-stretch pa rin ang leeg niya pataas at nakaumbok pa ang pwet nito kagaya nung activity na ginagawa namin kahit na tapos na siya. Wala na ring libro sa ulo niya pero naka-stretch pa rin ang leeg niya. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o hindi niya talaga magalaw ang leeg niya.

"Mr. Rivailla! Nagka-stiff neck po si Paul!"

Stiff Neck?

Aaah. Kaya pala ganun ang posisyon niya.

Hindi ko namamalayang pati pala ako gumagalaw na rin ang dalawang balikat paibaba at pataas at palihim na ring nakikitawa dahil sa nangyayari sa kanya. 'Yung para bang may humihigop sa itaas niya na vacuum pero hindi siya makuha dahil may humihila rin sa kanya paibaba.

At sila Rory, Aleck, at Max ay walang ibang ginawa kundi pagtawanan siya. Pati si Mr. Rivailla ay nakitawa na rin.

Nakuha na naman nila ang atensyon ko ng biglang lumapit si Max kay Paul at hinawakan ang baba nito. Nang biglang may inilabas siyang lipstick at sinimulang pintahan ang labi ni Paul.

Napalakas ang tawanan ng lahat, maging ako, dahil sa pinaggagagawa nila. Gustuhin mang umalis ni Paul sa posisyon niya ay hindi niya magawa dahil hinahawakan siya nina Aleck at Rory sa magkabilang braso niya.

"Paul, smile!" At sabay tawa habang pinagdidikit ni Max ang labi niya na para bang ipinapakita niya kay Paul kung paano lagyan ng lipstick ang itaas na parte ng labi.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon