Prologue

330 86 25
                                    

Before... everything

Third Person's POV

Maya't-mayang umiinom ng alak ang isang lalaki na nakaupo sa isang upuan sa loob ng kanilang kwarto. Nakatitig siya sa pintuan sa kanyang bawat lagok na mistulang may hinihintay na pumasok. Ilang oras na siyang nakaupo at umiinom sa sulok kaya ang ibig sabihin, ilang oras na rin siyang naghihintay.

Makikita ang kabagutan sa kanyang mukha sa mga linya ng kanyang noo at paulit-ulit na pagsuklay ng buhok paitaas gamit ang kanyang libreng kamay.

Kung sino man ang hinihintay niya ay siguradong napakaswerte dahil masisilayan niya ang isang napakagandang lalaki. Maayos pa rin ang kanyang kulay-itim na buhok mula kaninang umaga na parang mayroon pang wax kahit na ilang ulit na niya itong sinusuklay gamit ang kanyang kamay, malalim at itim na mga mata, matangos ang ilong, at mamula-mulang labi na naging matingkad dahil sa basa ng alak na kanyang iniinom.

Nakadagdag sa kanyang mala-perpektong mukha ang nakakaakit nitong jawline. Medyo naka-tagilid kasi ang posisyon ng kanyang mukha kaya mas lalo itong kita. Walang kahit anong hibla ng buhok o tanda ng balbas ang makikita dahil malinis itong na-ahit. Kulay kayumanggi ang kanyang balat na bumagay sa kanyang puting polo at itim na pang-ibaba na umabot sa kanyang sakong. Tinernuhan ng itim at makintab na sapatos na pwede ng manalamin dahil sa kakintaban nito.

Ilang minuto muli ang nakalipas at sa wakas dumating na ang kanyang hinihintay. Ngunit ang lalaki ay nanatili sa kanyang puwesto habang umiinom at hindi man lang nagpakita ng emosyon.

"Where did you go?" Mahinahong saad ng lalaki at siya'y tumayo habang hawak-hawak pa rin ang basong may lamang alak. Siya'y lumapit sa babaeng napahinto sa kanyang paglalakad na nag-iisip ng kanyang isasagot.

"Ahmm... I just had a meeting outside with our new client." Utal na sagot ng babae nang hindi pa rin tumitingin sa kausap niya. Napagpasiyahan na lang niyang umalis sa posisyon upang hindi na siya malagay sa alanganin. Ngunit hinawakan ng lalaki ang kanyang braso kaya napatigil siya at napatingin sa mukha ng lalaki.

"Who's that client? Bakit hindi siya sa akin nakipag-meet? Sino ba 'yang client na 'yan at sa'yo pa nakipagkita?" Umiba na ang emosyon ng lalaki kaya medyo nakaramdam na ng takot ang babae. Pinipilit niyang ihiwalay ang kanyang braso mula sa mahigpit na hawak ng kausap niya ngunit mas malakas ang lalaki kaysa sa kanya.

"Chad bitiwan mo ako! Nasasaktan na ako!" Pilit na inaalis ng babae ang braso niya mula sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaking tinawag niya sa pangalang Chad.

"I will not let you go until you tell me what the two of you really did!" Pinandilatan niya ng mata ang babae kaya kinabahan siya at naguguluhan kung sasabihin niya ba ang totoo o mananatiling tikom ang bibig.

"Nakipagkita lang ako sa bago nating kliyente." Sinubukan ulit ng babae ang pumiglas pero mahigpit pa ring nakahawak si Chad sa braso nito. Sumuko ang babae at umirap, "Hinanap kita sa opisina mo pero wala ka kaya sa halip na paghintayin natin siya ako na lang 'yung nakipag-usap."

"And what? Why are you two out together?" Kunot-noong tanong ni Chad.

"About that, tinanong niya ako kung pwedeng sa labas na lang kaming mag-usap habang kumakain ng lunch, at hindi pa naman ako kumakain ng lunch kaya I took his offer." Mahabang paliwanag ng babae ng hindi pa rin nababago ang posisyon nila. Binitawan na ni Chad ang mahigpit na hawak nito sa braso ng babae at tumalikod sa kanya.

Naglabas naman ng malalim na hininga ang babae at ibinaba ang kanyang itim na shoulder bag sa kanilang malaking kama. Umupo ang babae sa kama upang tanggalin ang kanyang suot na itim na heels na may taas na limang pulgada.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon