Twenty Six

121 62 1
                                    

Red Dress

Chloe's POV

"Pwede naman 'tong denim dress for a party pero... it's too much denim." Haaay! Ang hirap mamili ng susuotin.

"Or this white sequin dress that's so freaking itchy on the armpits?! Why is this still in my closet?!" I just throw it on the floor and maybe pick it up later for me to give it to the maids.

"This black off-the-shoulder dress is good but it's not the best. Gold-glitter dress is too shimmery and I don't want to be the center of attraction. This yellow is just like gold. Pink is too feminine. Royal blue is too masculine. Aarrgghh!" I just threw myself to the sofa and sighed heavily.

Nagdadalawang-isip na ako kung bakit ko tinanggap 'yung alok niya. Hindi dahil sa pagpanggap kundi dahil ang hirap pumili ng susuotin. As if pwedeng mag-hoodie and sweatpants na lang eh.

I grab my phone and decided to text Ranz. Tatanungin ko na lang siya kung anong kulay ang dapat kong suotin. Sana naisip ko na 'to bago pa ako nagsayang ng oras kanina.

Agad naman na niyang na-seen at nagta-type na. Bilis ah.

Red. May red akong mga damit pero dresses lang. Formal pa kaya kailangan gown. Wala akong gown sa closet ko. Magpapatulong na lang siguro ako.

Pinatay ko na ang phone ko at inihagis sa kama ko. Tumayo na ako para maghanap kung merong pwedeng isuot sa formal party na red sa closet ko. Meron sana para tapos na ang problema ko.

Papasok na ako ng biglang tumunog ulit ang phone ko at sinundan pa ng isa. Bumalik ako para buksan at nag-text ulit si Ranz.

Siya nang bahala.

Talaga lang.

Then he just save me from entering hell.

When I reached the doorway to my closet, I realized that I made a mess.

'Yung isang closet ko para sa mga dresses ay nakabukas at halos lahat ay nailabas. 'Yung ibang damit ay nasa sahig at paniguradong lukot na ang mga iyon, may ibang nasa sofa at wala ng hanger, 'yung iba nakabaliktad pa dahil sinubukan kong magsuot kanina, at may mga nagkalat ding sapatos.

"Ya! Pakilinis 'yung closet ko!"

Yeah. I shouted.

I jumped in my bed and heavily sighed.

*****

"Seven... Eight... Nine... Ten." It's my twentieth ten and Ranz still isn't here.

Nag-message siya sa akin kanina na hintayin ko daw siya sa harap ng office niya dito sa may Main Building. Eh hindi ko naman alam kung nasaan kaya sinabi niyang may nakasulat naman daw na pangalan niya sa pinto. Sinubukan kong buksan ang pinto ng mahanapan ko pero nakasara naman.

Kaya heto ako ngayon at naghihintay. Ni hindi man lang niya sinabi sa akin kung anong kailangan niya.

"Chloe! Let's go!" Someone shouted my name and it sounded like Ranz.

Naglalakad siya papalapit sa akin at akala ko dito kami sa harap ng office niya mag-uusap pero tumigil siya sa may pinto.

"Saan tayo pupunta? Hindi pa tapos ang klase." Hindi pa nga nagla-lunch. Nag-message siya sa akin sa kalagitnaan ng klase ko. Sinagot ko siya ng hindi ko pwedeng iwan ang klase at binabaan ng telepono. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay sinundo ako ng guards niya.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon