Twenty Two

121 68 3
                                    

A Quiet Place

Chloe's POV

I'm wandering around BH when this girl named Mia called me. Sinabi niya na pumunta daw ako sa cafeteria dahil pinapatawag daw ako ni Rory.

Sumama ako sa kanya at sinundan na lang siya dahil medyo kinakabahan din ako sa resulta mg audition ko. Iniwan ko silang nakatunganga sa akin pero hindi ibig sabihin nun na nagustuhan na nila 'yung pagkanta ko.

Kailangang hindi si Trixie ang makuha. Kahit huwag na din ako basta hindi rin siya. Wala ngang kinalaman ang pagsali sa TDB sa away nila Chua at Park pero mas magandamg simulan na ngayon ang pag-agaw ng lahat mula sa mga Parks.

Wala na silang karapatan ngayon na kunin na lang kung anong gusto nilang kunin.

At ganun lang, nandito na kami sa cafeteria. Nilibot ko ang paningin ko para madali silang mahanap at naagaw ng atensyon ang nagkukumpulan sa may bandang gitna ng cafeteria.

Pinagdikit-dikit nila ang lamesa upang humaba. Siguro nasa dalawampu ang estudyanteng nakaupo doon. Inisa-isa kong tinignan kung sino 'yung mga nakaupo hanggang sa nakita ko si Rory na prenteng nakaupo sa may kaliwang banda ng mesa. May katabi siyang dalawang babae na base sa hitsura nila ay may gusto sila kay Rory.

'Yung isa kasi ay para nang lalabasan ng kaluluwa dahil sa hapit na hapit ang maiksi nitong uniform. Nakabukas pa ang butones nito sa itaas ng damit niya na para bang sinasadya niyang ipakita ang itaas na parte ng dibdib niya. Pulang-pula din ang labi niya at paulit-ulit na iniikot-ikot ang buhok sa may patilya niya.

Kinakausap 'ata nilang dalawa si Rory dahil ngumingiti-ngiti rin siya. Chickboy pala itong si Rory.

Tumigil lang sila sa pag-uusap nila ng tawagin siya ni Mia at sabihing nandito na ako.

"Chloe, dito maupo ka." Medyo nagulat pa siya at napatayo tsaka niya itinuro ang upuan sa may dulo ng mesa. Nasa may bandang dulo din kasi sila kaya magkakatabi din kami. Papunta na sana ako sa upuan ko ng biglang magsalita si Mia.

"Diba pinatawag niyo siya para kausapin? Pero ba't hindi niyo siya pinapansin ngayon. Miss Isabelle, baka pwede na po kayong umalis? Patapos na ang lunch baka mahuli ka sa klase mo." Nabigla ako sa sinabi ni Mia. Hindi ko ine-expect na kaya niyang sabihin 'yun.

"Excuse me! Who is you to say to me?!" Kung siguro kumakain ako malamang nabilaukan na ako.

Mhmm. Huwag kasing piliting mag-english kung hindi naman kaya. Mahalin natin ang sariling lenggwahe. Okay naman gumamit ng ibang lenggwahe pero siguraduhin lang na kaya.

Napangiti at nagpipigil din ng tawa si Rory. Pero bago pa magkaroon ng rambulan dito dahil mukhang palaban itong si Ate Girl, inawat na siya ni Rory sa pamamagitan ng paghawak ng kamay nito.

"Sige na Isabelle. Umalis ka na. Magkita na lang tayo mamaya." Tumingin si Ate Girl sa kanya na mukhang nagulat sa narinig niya.

"Talaga Rory? Magkikita tayo mamaya?" Hindi ko alam kung bakit bigla na lang tumahimik ang lahat at mistulang hinihintay ang isasagot niya. Lahat kami ay nakatingin sa kanila na para bang nanonood ng isang eksena sa pelikula.

"Sige na umalis ka na." Itinaboy niya 'yung babae pero kahit ganun nakangiti pa rin si Ate Girl sa kanya. Umalis siya kasama nung isa pang babae at nag-flying kiss pa kay Rory bago tuluyang umalis.

Nauna na akong umupo dahil nakatayo pa rin sina Rory at Mia. Walang pakialam sina Paul at Aleck sa mga nangyayari na para bang sanay na sanay na sila sa ganitong mga sitwasyon. Sabagay, kung chickboy ang bestfriend mo, hindi ka na magtatakang madaming umaaligid ditong babae. Nakikipagkwentuhan lang sila sa mga classmates naming lalaki.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon