Prohibition
Chloe's POV
It's the next morning. I just woke up from a not-so-nice sleep. If you're wondering what happened yesterday, I ended up touring him around the house. Eh blinack-mail lang naman ako no'ng Kian na 'yon na isusumbong niya raw ako kay Dad for being a bitch.
Aarrgghh! So wala akong choice kundi makasama siya on the rest of day at tiisin ang mga tanong niyang paulit-ulit na parang sinasadya niya. Kagaya no'ng nando'n kami sa may kitchen, tatanungin niya pa kung kitchen 'yon eh sinabi ko na nga at kitang-kita na nga 'yong napakalaking stove at mga sandok na nakasabit doon. Ay hindi Kian, banyo 'yon, banyo! Maligo ka sa lababo!
Haaayy! Hindi naman talaga ako ganito eh. I'm always trying to be nice to everyone but it seems like the universe wants me to not be nice.
Maiba na nga, tinignan ko 'yong orasan ko sa may side table. Six-thirty pa lang ng umaga and I still have an hour to prepare for school. Bumangon na ako at nag-stretch ng katawan.
Ibinaba ko na ang paa ko at ngayon ko lang naalala na na-sprain pala ang paa ko kahapon. Hindi na kasi siya masakit kaya nakalimutan ko. Hindi na rin siya namumula at hindi na rin ako paika-ikang maglakad.
Pumunta na akong banyo para maghilamos at para mag-apply ng mga skin care. You should always take care of your skin. Pagkatapos, kinuha ko na ang towel ko at pumunta sa shower. Maliligo ako ngayon kahit na pumunta ako dito sa shower. How ironic.
It took me fifteen minutes to take a bath. Nang matapos na akong maligo at lumabas na naka bathrobe at may tuwalya sa aking ulo, dumiretso na ako sa walk-in closet which is on the opposite side of my room. Nang makarating na ako sa may pinto, nagtaka ako dahil nakabukas ito nang kaunti. I always closed the door when I leave or even when I'm inside kasi sa loob ako nagpapalit. Pero bakit nakabukas ito?
Hindi ko na inabala at pumasok na dahil baka nakalimutan ko lang isara kagabi nung nagbihis ako ng pantulog. Pagpasok ko, muntik ko nang ibato itong upuan sa tabi ko dahil sa gulat.
Si Kian nandito sa loob.
"What are you doing here?!" Pasigaw kong tanong sa kanya. Hawak-hawak niya ang uniform na isusuot ko ngayong araw sa kaliwang kamay at ang sapatos ko sa kanan.
"Magandang umaga, Chloe! Inihahanda ko na 'yong damit na susuotin mo. Sabi kasi ni Paeng na trabaho niya daw dati na ayusin ang closet mo kaya eto ... malinis na itong closet mo. Ang dami mo palang labada pero huwag kang mag-alala, ibababa ko mamaya kina Manang Nori. Nga pala, uniform mo," mahabang paliwanag niya at iniabot ang damit ko sa akin. Naka-uniform na rin siya ng Business Uniform.
"Get out of here. Tsaka si Paeng, matagal ko na siyang butler. He also cleans my closet when I'm not home. You trespassed in my room. Now, get out!" Itinuro ko ang pinto habang sinasabi kong umalis siya. Wala siyang karapatang pumunta rito. Kakakilala ko pa lang sa kanya tapos papasok na agad siya rito sa kuwarto ko na wala man lang kaabi-abiso? Paano kung may gawin siya sa akin?
Bumuga na lang ako ng buntong-hininga. Ano ba itong pinag-iisip ko?
Kahit na halos sumigaw na ako sa pagpapaalis sa kanya, nakangiti pa rin siyang lumabas ng aking walk-in closet na para bang wala siyang pakialam. Nang makalabas na siya, nakita kong lumabas na rin siya ng kuwarto ko at isinara ang pinto. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto ng aking walk-in closet at isinara.
Isinabit ko ang naka-hanger na damit ko sa may handle ng drawers at ibinaba ang heels na susuotin ko. Tinignan ko ang buong kuwarto at ang linis nga. My clothes are perfectly arranged on their specific rooms. 'Yong mga naka-hanger kong damit, by color pa silang naka-arrange. Ang ganda tuloy tingnan sa mata dahil parang gradient color.

BINABASA MO ANG
Revenge Got Distracted
ActionChloe Vega has everything she could ask for. She's rich, smart, and spoiled. She's also loved and cared for. But she doesn't mind any of those. Behind all things she already had, Chloe wants nothing more than to get the justice she merely wanted...