Chloe Vega has everything she could ask for. She's rich, smart, and spoiled. She's also loved and cared for.
But she doesn't mind any of those.
Behind all things she already had, Chloe wants nothing more than to get the justice she merely wanted...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Table 2
Chloe's POV
"Sir!"
Huminto kami nang biglang dumating si Mint. Binitiwan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at kinausap ang assistant niya.
"You know I hate sudden works right?" Trabaho pa rin? Kahit party nagtatrabaho pa rin siya? Ibang klase.
Nilibot ko na lang muna ang paningin ko while they discussed their business. Mas maganda na siya kesa kanina dahil kumpleto at tapos na ang mga decors. Mas lumiwanag na rin ang lugar kumpara sa sobrang pula kanina. More on light red na ang buong lugar.
Meron na ring mga pagkain sa buffet table. May cupcakes, wines, trays na lalagyan ng mga pagkain, cakes, and a huge bowl of salad that I'm not excited about. Salad sa birthday party? Para lang silang naglagay ng storybook sa isang lugar na punong-puno ng gadgets.
There's also a vegetable salad? May strawberries pa 'ata sa separate bowl. Ni wala man lang silang dessert na masarap.
Buti na lang tamang-tama 'yong binili kong regalo. Nasabi kasi sa akin ni Ranz na hindi mahilig ang lolo niya sa mga sweets pero okay naman sa kanya ang chocolate. Kaya naman daw niyang kainin 'yon.
Lumingon ako para tingnan si Ranz pero hindi pa sila tapos. Lalapit na sana ako nang bigla akong may natapakan at muntikan na akong madulas kung wala lang humawak sa akin. Agad kong tinignan kung anong natapakan ko at gown pala.
"Sorry!" Agad kong inangat ang paa ko mula sa damit niya at yumuko para abutin at ayusin ang damit niya.
"You stepped on my hundred-thousand-dollar gown!" Sungit na sabi niya sa akin. May hawak-hawak pa siyang cupcake at mukhang kumakain siya.
"Sorry!" Tumalikod siya matapos kong mag-sorry at akala ko aalis na siya pero parang may pinulot lang siya sa likod niya.
"And you made me drop my favorite vanilla raspberry cupcake." Naglakad siya paalis at pinanood ko lang siya. Pumunta siya sa buffet table at ibinigay ang natapon na cupcake sa lalaking nakabantay doon. Kumuha siya ulit ng panibago at masungit pa rin na tinignan ako nang pabalik na siya.