Eighteen

123 70 0
                                    

PE Class

Chloe's POV

Nandito na kami ngayon sa school gymnasium. Hindi ko alam kung saan kami nagsususulpot at naglililiko dahil nakisabay lang ako sa kanila. Basta sinundan lang namin itong napakahabang hallway tsaka lumiliko paminsan-minsan.

Kaharap ko kasi itong cellphone ko. Eh paano ba naman kasi itong si Kian kanina pa ako tinetext at tinatanong kung anong pinag-usapan namin ni Sheryl. Kailangan niya daw malaman dahil mukhang seryoso daw. Eh 'yun nga 'yung dahilan kung bakit wala akong balak na sabihin sa kanya kasi seryoso nga.

He started texting me since we started walking to the school gym. Ayaw ko naman na hindi lang siya pansinin kasi baka mas lalo siyang magtaka at sabihin pa kay Dad. So, kailangan ko siyang tiisin at sabihin na lang na tinanong ko si Sheryl tungkol sa pinagkakaguluhan nila sa Bulletin Board.

Pinag-usapan naman namin 'yun ah. Hindi ko nga lang sinabi lahat ng pinag-usapan namin.

Teka, paano niya nalaman 'yung number ko?

Matanong nga.

Tinanong kaya niya kay Paeng noong bago siya umalis? Imposible. Hindi naman 'ata alam ni Paeng 'yung number ko. Sa secretary ko kaya? Alam naman niya 'yung number ko pero hindi pa nakakapunta si Kian sa loob ng kumpanya. Sino pa bang nakakaalam nung number ko?

Si Dad. Binigay kaya ni Dad 'yung number ko kay Kian?

From: 09******345
kay sir vega

Kay Dad nga.

Pinatay ko na ang phone ko at inilagay sa bulsa ko. Nandito na pala kami sa harapan ng school gym. Tinignan ko si Kian na nasa likod ng klase at kakabulsa niya lang 'yung phone niya. He crossed his arms on his chest and looked forward. Pero napansin niya 'atang tinignan ko siya kaya napatingin siya sa gawi ko. Agad akong napatingin sa harapan at sakto namang papasok na kami.

Natuon ang buong pansin ko sa loob ng school gym at tuluyan nang nawala ang pag-iintindi ko sa Kian na 'yub. Teka, bakit ko ba siya iniitindi? Hindi ko siya iniintindi. Mali 'yung word na nagamit kl. Siguro, iniisip? No! That's worse. Huwag na nga lang.

Sobrang lawak pala dito. As in. Para siyang arena na napapalibutan ng mga upuan at may isang malawak na space sa gitna. Parang isang napakalaking basketball court. Siguro mga nasa twenty-thousand na tao ang kaya dito sa loob. May bubong ito na glass kaya kitang-kita ang langit at sobrang liwanang dito kahit na isinara nila ang pinto.

Katulad nang sa mga classrooms and offices, black and white din ang makikitang kulay dito. White ang pintura ng buong pader, 'yung basketball ring sa magkabilang gilid ay kulay puti, at pati na rin ang mga pintuan na nandirito sa loob kasama ang pinasukan namin ay puti rin.

Itim naman ang kulay ng mga upuan na sa tingin ko ay built-in para sa lugar na ito. 'Yung mga upuan ay parang isang mahabang sofa pero may mga harang-harang sa gitna na para namang upuan na pinagtabi-tabi. May mga pintuan sa apat na sulok ng school gym at walang nakasulat sa itaas ng pintuan kung anong kwarto 'yun kaya hindi ko alam kung anong nasa kabilang side ng mga pinto.

Bukod sa mga upuan sa itaas, may mga upuan din sa ibaba. May kulay puting mahabang sofa na nasa harap ng mga pader na naghihiwalay sa ibaba at mga upuan sa itaas. Dito siguro umuupo 'yung mga players kapag nagpapahinga sila. May dalawang magkahiwalay na sofa at may dalawa rin sa katapat nito.

Kung maliwanag sa itaas, kabaligtaran naman nito ang ibaba. Black na glossy ang sahig at walang kahit na anong marka o mantsa na parang kalilinis lang kanina. Wala ring mga guhit-guhit na parang sa tiles. Itim siya pero hindi nakaapekto sa buong lugar dahil mas malaki ang glass sa itaas at idagdag pa ang puting pader.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon