Twelve

118 71 0
                                    

Lost my Appetite

Chloe's POV

"What do you spend way too much money on?" Sunod na tanong niya sa'kin habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Kanina pa siya tanong nang tanong tungkol sa mga favorites ko at mga hobbies ko.

Tsaka napansin ko ah, ang layo naman ng cafeteria. Kanina pa kami naglalakad.

"Clothes." Nakacrossed-arms lang ako habang naglalakad. Habang 'yong tatlo sa harapan ko patalikod kung maglakad. Nagpustahan kasi sila na kung sino mang unang haharap sa harap bago makarating sa cafeteria ay siyang magbabayad ng lahat ng o-orderin naming lunch.

"What's your favorite thing to shop for?"

"Shoes"

"Your favorite line in a movie." Line in a movie? Mahilig akong manuod ng movies pero wala akong masyadong alam.

"Don't say you love me just because I love you. Say you love me because you really do. Because that's what I deserved. From the movie 'Barcelona: A Love Untold'."

"What's the most impressive skill you have?" Tanong ulit niya. Siguro naka-sampung tanong na siya sa akin.

"Ummm. Learning different languages?" I know some other languages. Natutunan kong makaintindi at magsalita ng iba't ibang lengwahe dahil madalas akong isama ni Dad sa office kung may mga bago siyang investors or business partners na galing sa ibang bansa.

"I think being attractive without doing anything is included as an answer," pabulong niyang sabi pero hindi niya ata alam na narinig ko.

"What do you have a hard time with, but most people find quite easy?"

"Forgiving someone. Forgetting everything." I look at him seriously and I stop walking, WE stop walking.

I saw the worry in his face na para bang gusto niyang tanungin kung may problema ba ako. We just made an eye contact for about a minute until a ring on a phone made us cut the staring.

"It's not my phone," sabi ko sa kanya kaya agad-agad naman niyang kinuha 'yong phone niya sa bulsa at tiningnan kung sinong tumawag. Ipinagpatuloy muli namin ang paglalakad habang tinitingnan niya ang phone niya.

Kahit na nakatingin ako sa harap, tinitingnan ko siya sa peripheral vision ko. Nakita kong in-end niya ang call dahil biglang tumigil 'yong pag-ring pero hindi niya naman tinanggap. Ibinulsa na niya ang phone at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa.

Hindi ko na siya pinansin at tuluyan nang tumingin sa harapan. Pinaninindigan talaga ng tatlong 'to ang hindi pagharap sa harapan ah. Kahit halata na ang hirap nila, ayaw talaga nilang manlibre.

"Uy Max, si Prof Rod mababangga mo!"

Biglang sabi ni Paul na nasa gitna nila. Agad namang humarap si Max kaya bigla silang nagtawanan. Niloko lang pala siya ni Paul para humarap siya. Hindi naman namin mapigilang tumawa ni Rory dahil sa hitsura ni Max. Napatigil si Max sa paglalakad kaya nang madaanan na namin siya, inakbayan siya ni Rory at sumabay na siya.

Habang sina Paul at Aleck, hindi pa rin tumitigil. Paunahan naman daw maglakad patalikod dahil malapit na 'yong cafeteria. Kung sino raw mahuhuli, manlilibre ng lunch bukas.

"Tsaka kung sinong mahuhuli sa atin ... panget!" Nang sinabi iyon ni Paul kay Aleck, ang bilis na nilang maglakad. Unti-unti na rin silang lumalayo sa amin.

Tumatawa naman itong dalawa sa tabi ko pero ako napapangiti na lang. Ganito ba 'yong mga gustong kaibigan ni Ranz? Parang mga bata.

"Uy Paul, si Coach mababangga mo!" Biglang sigaw ni Max kay Paul na medyo malayo na. At hindi katulad ni Paul na nagsinungaling para matalo si Max, totoo ngang meron silang mababangga.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon