Thirty Six

95 57 1
                                    

A Drunk Girl in Distress

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A Drunk Girl in Distress

Chloe's POV


"Isa pang bottle, please."


Sabi ko sa waiter pagkapindot ko ng telepono sa table ko.


I'm in a private area sa isang bar na medyo malayo sa bahay. Nasa second floor ako ng bar at glass ang pader kaya tanaw na tanaw ko ang mga tao sa ibaba na nagsasayawan. Madilim ngunit punong-puno ng iba't ibang kulay ang ibaba. May mga nagsasayawang mga tao kasama ng kani-kanilang mga inumin.


I wonder if all of them are drunk. And why there's a lot of people here in this bar wanted to drink.


Lahat ba sila problemado rin katulad ko?


Biglang dumating ulit 'yong waiter dala-dala ang inorder kong inumin. Ibinuhos niya ang laman ng bote sa baso ko hanggang sa kalahati.


Nakahalumbaba ko siyang tinignan at napadiretso ng upo nang takpan na niya ang bote.


"Kalahati? Na naman? Balak mo ba talagang bumalik-balik dito? Akin na nga 'yan!" Hinablot ko ang bote ng whiskey na hawak niya tsaka ko siya tinaboy palayo.


Nakita ko siyang bumaba at naglakad papunta sa pwesto niya na napaupo.


Natakot ko ata.


Uminom na lang ako at lumihis ng tingin.


It burned my throat slightly that made me cough and splutter.


I think I'll never get used to drinking liquor.


Wala lang akong magawa ngayon kaya ako nandito. I also have nowhere to go.


I barely looked at my glass with a quarter-filled whiskey like I don't have anything to do but to drink it.


Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon