Eight

119 77 0
                                    

The Consequence

Chloe's POV

Tahimik lang kaming dalawa ni Dad na pumasok ng bahay. Binati kami ng "Good Morning" ng nakahilerang mga maid sa magkabilang side pagkapasok namin.

Napansin kong hindi pinansin ni Dad ang mga maid at tuluy-tuloy lang siyang naglalakad papasok. Nakasunod lang ako sa likuran niya nang bigla siyang huminto.

"Nasan siya?" Tanong ni Dad sa butler niya.

Mukhang wala naman na akong kinalaman dito kaya pupunta na lang ako sa kwarto ko. Iniwan ko na si Dad na kausap 'yong butler niya at napagpasiyahan nang umakyat sa hagdan.

"Nasa office nyo na po," narinig kong usapan nila. Sino kaya yun? Huwag ko na nga lang alamin.Hindi pa ako nakakalimang hakbang paakyat ng hagdan nang bigla akong tinawag ni Dad.

"Chloe, may papakilala ako sayo. Follow me in my office." Lumingon ako sakanya habang nakakunot ang aking kilay. Bakit ako nakasali dun?

Puno ng katanungan ko siyang sinundan. Tatanungin ko pa sana si Dad kung sino 'yon eh, nauna naman nang naglakad at iniwanan ako. I pursed my lips. He's still mad at me.

Nakarating na ako sa harap ng office niya pero wala pa ako sa harap ng pintuan mismo. Malapit lang naman ang office niya mula sa main door.

Biglang may lumabas na mga guards mula sa opisina at nilampasan ako. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalabas sila ng bahay.

Ba't ang daming guards sa office niya?

"Miss Chloe, may problema po ba?" Narinig kong tanong ng butler ni Dad kaya nabalik ang tingin ko sa harap ko.

Nakita ko siyang nasa harapan ng pintuan at nakatingin sa akin. Medyo nakakatakot siya kasi malaki na nga ang katawan at matangkad, napakalalim pa ng boses niya.

Umiling na lang ako at hindi na nagsalita. Naglakad na ako papunta sa kanya dahil katabi niya ang pintuan. Pumasok na ako at tuluyan ko nang nakita kung anong nangyayari sa loob ng opisina.

Pagpasok, may isang mahaba at itim na lamesa na may sampung upuan. Itim ang kulay ng pader pero dahil bukas ang mga kurtina sa kuwartong ito, maliwanag ang paligid. Nasa kanang side ang table ni Dad at may maliit na living room naman sa kaliwa.

Medyo matagal-tagal na ring hindi ako nakapasok dito. Mas madalas pa atang pumunta rito ang butler ni Dad o kaya ang mga maid kesa sa akin. May reason naman kung bakit hindi ako nakakapunta. Dahil bawal ang pumasok dito nang walang pahintulot mula kay Dad. 'Yong mga maid na pumupunta, nililinis lang nila itong office tapos pumapasok lang 'yong butler niya kapag may ipapakuha siguro si Dad.

It's still the same old thing.

I'm still roaming around the office when something caught my attention. Napatitig ako sa malaking litratong nakasabit sa pader sa itaas ng upuan ni Dad. Litrato naming dalawa habang nakangiti. I never thought he'd put our picture in here. I never even thought that he'd include me in his office.

Well, may mga nakikita naman akong pictures ko dito sa office maging sa buong bahay pero sa maliliit na picture frames lang na nakapatong sa mga mesa. Meron din namang malalaking pictures sa may main living room na nakasabit sa pader na sa sobrang laki ay halos takpan na nito ang buong pader. Pero, sa mismong opisina ni Dad, I never expected that. Itong office kasi ang personal space niya and you can enter any room except his office.

Expected ko na solo picture lang niya ang nakasabit doon o kaya naman ay wala.

Na-flatter lang ako at hindi mapigilang mapangiti nang palihim. Na-miss ko na tuloy si Dad.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon