Fourteen

125 71 0
                                    

Two Liars and A Queen

Chloe's POV

Nasa kotse na ako ngayon papauwi ng bahay. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin 'yung nangyari kanina sa school. There's really something in Sheryl Chua's sleeves. I need to figure that out.

Madilim na sa labas kasi alas otso na ng gabi ako nagpasyang umuwi. May ginawa pa kasi akong importante.

Haaay. Huwag ko na nga muna isipin 'yung tungkol kay Sheryl Chua. Wala naman talaga ako dapat kinalaman dun eh.

Tss.

Binuksan ko na lang muna ang phone ko at nabukas ng social media. Pare-parehas lang naman ang mga posts dito. Inoff ko na ang phone ko at inilagay sa tabi ko. Lumingon ako sa kaliwa ko para tingnan ang mga pangyayari sa labas. Umulan kanina kaya basa ang bintana ng kotse pero umaambon pa rin hanggang ngayon. Madaming nangyayari sa labas, may nagsasara ng kanilang mga tindahan, may naglalarong mga bata sa labas kahit madilim na, may mga hayop na nakasilong sa mga waiting shed at may mga nakatambay lang sa gilid ng kalye.

Madaming mga pangyayari sa labas pero may pumukaw sa atensyon ko. May nakita akong nag-uusap sa ilalim ng isang lamp post.

"Stop the car!" Utos ko sa driver ko at inihinto niya naman ito.

"Bakit po? May naiwan po ba kayo?" Tanong niya.

"Wala. May titingnan lang ako." Sinubaybayan ko lang ang galaw nila.

Mukhang nagtatalo sila, kahit mga silhouette lang nila ang nakikita ko alam kong nagtatalo sila. Biglang dinuro nung isang lalaki ang kausap niya hanggang sa hinigit niya ang kuwelyo nito. Nagbabanta siguro ang lalaki tsaka niya ito ibinaba. Umalis na siya at sinundan ko lang kung saan siya pupunta. May naghihintay sa kanyang kotse sa may lilim ng puno, pumasok siya dun at umalis na. Binalikan ko ang lalaking kausap niya kanina pero wala na siya dun.

"Tayo na!" Sumandal na lang ako at umalis na kami.

Kung ano mang pinag-awayan nila, mukhang malala.

Fast forward...

"Good Evening, Miss Chloe!" bati ng maid sakin pagbukas niya ng pinto.

Tuloy-tuloy lang akong naglalakad habang ibinibigay ang gamit ko sa maid.

"Nasan si Dad?" Tanong ko sa maid na nagbukas ng pinto.

"Gagabihin daw po siya ma'am. Baka hindi daw po siya kakain dito."

"Hindi niya ba sinabi sa inyo kung saan siya pupunta?" Kinuha ko ang phone ko at wala naman siyang text or tawag sakin.

"Wala po ma'am. Yun lang po ang sinabi niya." Hinanap ko ang pangalan niya sa contacts ko at tinawagan si Dad.

Hinintay kong sagutin niya ang tawag ko pero hindi niya sinasagot. Tinawagan ko ulit sa pangalawa at huling pagkakataon, at sinagot na niya.

"Hello Dad, where are you?"

("I'm here in a resto. Ikaw? Nasa bahay ka na?") Resto? Saang resto naman?

"Yes. At ano namang ginagawa mo diyan?"

("May urgent meeting lang kami with Mr. Ricafort. Napili namin na dito sa isang resto mag-usap para makakain na rin.") Mr. Ricafort? Yung may-ari ng Fort Clinic? Bakit niya kausap yun? May balak bang magpatayo ng clinic si Dad?

"Okay. Matutulog ka ba dito?" Pag kasi ginagabi siya or may mga importante siyang gagawin, sa isang bahay namin siya natutulog.

("Yes. Uuwi na rin ako jan pagkatapos nito. May hinihintay lang kami.")

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon