Seven

138 77 0
                                    

An Angry Dad

Chloe's POV

*Bell Rings*

Nagring na 'yong bell pero hindi pa ako makakapasok dahil sabi no'ng nurse kanina ay kailangan ko daw ipahinga yung paa ko at baka raw mabinat at lumala.

Kaya ngayon, I'm gonna stay here for the sake of my foot. Ang boring pa naman. Wala akong makausap dito. Eto namang katabi ko kanina pa hindi nagsasalita. Nakatutok lang siya sa phone niya mula pa kanina. Kasalukuyan pa rin namang nilalagyan ng nurse ng cold compress ang paa ko.

"Pumasok ka na kaya," sabi ko kay Ranz para putulin ang katahimikan. Ako lang yata ang pasyente dito sa clinic kaya masyadong tahimik.

Well, I love silence but only when I wanted to be alone. Masyadong awkward 'pag ganito.

"It's okay. Wala namang masyadong gagawin ngayon," sagot niya at ibinulsa na niya ang phone niya. Humarap siya sa akin at inayos nya ang kanyang upo. Then he started staring at me intensely like he's looking deeply into my soul.

Nangunot ang noo ko. "Why are you looking at me like that?" Tanong ko sa kanya kaya agad na inalis niya ang tingin niya sa akin.

"Ayaw mong magsampa ng kaso sa kanila? I can be a witness," tanong niya sa akin bigla.

"Magsampa ng kaso? Wala naman silang kasalanan ah. Tsaka bakit parang ang bigat naman? Magsampa ng kaso?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"In BH, there is a law. Stop Bullying is one of the laws here that deserves to be punished when it's not followed. Obvious na obvious naman kanina na binully ka nila. You can file a case on the Guidance Office for them to not bother you again," he explained.

May ganun pala dito sa BH. Ang akala ko kasi magsasampa ng kaso sa korte, sa Guidance Office lang pala.

"Hindi na kailangan. Okay na ako. Susubukan ko na lang silang iwasan sa susunod," I assured him. He just nodded.

Nabalot na naman kami ng katahimikan nang biglang may nag-ring na phone. Mukhang kay Ranz iyon dahil agad-agad niyang kinuha ang phone niya mula sa kanyang bulsa.

"I'll go ahead. I have something to do," paalam niya atsaka tumayo. Umalis na rin ang nurse na gumagamot sa paa ko.

"Thank you for helping me," pahabol ko sa kanya at nginitian siya. Aaminin ko. Kung siguro wala siya doon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. He doesn't seem like a bad guy like I imagined him to be.

Umalis na siya ng cubicle at ngayon, mag-isa na talaga ako. Isabay mo pa ang namamanhid kong paa. Kasalanan 'to ng dalawang babaeng 'yon eh. Sino ba 'yong mga 'yon? I don't even remember their name!

Actually, gusto ko nga silang kasuhan sa Guidance Office pero dadagdag lang sila sa poproblemahin ko. I don't even know how I'm gonna say this to Dad. Sigurado na kapag nalaman niya na nandito ako sa clinic, magiging OA na naman 'yon at baka pumunta rito.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko kung anong sasabihin ko kay Dad, biglang nag-ring ang phone ko. Kinapa ko ang bulsa ko at wala akong nakapang cellphone. Tinignan ko sa bag ko at nandun. Kinuha ko ang phone at tiningnan ko kung sinong tumatawag.

Speaking of Dad, siya nga 'yong tumatawag. Ano bang kamalasan 'tong nangyayari sa akin? Nagkasabay-sabay pa sila ah.

I was quite hesitant but I still accepted his call. Mas lalo siyang magtatanong kapag pinatagal ko pa.

"Hello, Dad," nauna kong bati para namang hindi niya masyadong mahalata.

("Hi, sweetie! I just wanted to ask if Garry called you earlier?")

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon