Ten

134 72 0
                                    

Seat No. 3

Chloe's POV

Nandito na kami sa BH at napansin kong iba 'yong paraan ng pagpasok namin sa mismong campus. Dumaan kami sa may side ng isang napakataas na building. In short, may daanan pala ng sasakyan sa tabi ng pathway na dinaanan namin ni Ranz nung inihatid niya ako sa Principal's Office. Tumuloy-tuloy na ang sasakyan hanggang sa may main entrance. May napakalaking sign kasi sa may pagitan ng first and second floor na "Billionaire's High" kaya kitang-kita na iyon ang entrance.

Nang tumigil na ang sasakyan, naunang bumaba si Kian at ang bodyguard ko.

Marami nang estudyante dito. Pare-parehas ang uniform ng lahat. Katulad din ng uniform ng mga babae ang mga lalaki pero ang pinagkaiba nga lang ay mahaba ang pang-ibaba nila na umabot hanggang sa may ankle.

Nagkalat ang mga estudyante rito. May mga naglalakad sa pathway, may nakaupo sa mga benches, may mga nagwawalis sa may bermuda grass, may mga kumakain, may mga naglalakad sa hallway habang nakahawak ng mini electric fan, at mayroon ding mga nagtatakbuhan na para bang mga bata. Maraming nangyayari sa paligid at mayroon ding mga estudyante na nakatingin sa sasakyan namin na mistulang nagtatanong kung sino'ng nasa loob. Nakita ko pang parang kinilig 'yong dalawang babae na nakatingin kanina dito sa kotse. Bigla kasi silang naghawakan ng kamay at parang nanggigil habang abot-tainga ang ngiti.

Hindi ko alam kung ano o sino ang tinitingnan nila hanggang sa may nagbukas ng pinto ko. Lumabas na ako ng kotse at isinara na ni Kian ang pinto. Habang naglalakad ako at nakasunod na naman si Kian sa akin, tinignan kong muli ang dalawang babae at nakasunod lang ang tingin nila sa amin ... I mean kay Kian.

Kay Kian pala sila kinikilig kanina. Ito namang katabi ko hindi man lang sila pinansin nang bigla silang kumaway sa kanya. Ang seryoso ng mukha nito ah.

Bakit hindi siya sa dalawang babaeng 'yon ngumiti ngayon at hindi niya ako iniinis sa bahay ng pagngiti-ngiti niya.

Ipinagpatuloy ko na ang paglakad ko nang bigla akong may naalala. Kailangan ko nga pa lang pumunta sa Principal's Office para makapag-sorry sa nangyari kahapon. Hindi ko naman kasi in-expect 'yong nangyari kahapon kaya hindi ako nakahingi ng tawad.

"Mauna ka na. I need to go somewhere," sabi ko kay Kian at tumigil sa paglalakad. Napatigil din siya sa paglalakad at napaharap sa akin.

"Samahan na kita," sagot niya sa akin.

"Hindi na. Magkita na lang tayo sa classroom. Promise, wala akong gagawing kalokohan," pilit ko sa kanya. Kahit na alam kong hindi pa rin iyon sapat na rason para payagan niya ako.

"Hindi, samahan na kita. Saan ka ba pupunta?" Sabi ko na eh. Napahinga na lang ako nang malalim at ilang segundong hindi nakapagsalita.

"Payagan mo lang ako ngayon at ipapangako ko na hindi na ako magpo-protesta sa lahat ng sasabihin mo. I'll accept you as my bodyguard," alok ko sa kanya. Huli na nang ma-realize ko na nasabi ko 'yon. Bakit ko ba sinabi 'yon? Pero huli na 'yong lahat kasi tumango na siya at naglakad palayo sa akin.

Nagsimula na rin akong maglakad sa kabilang daanan kung saan siya dumaan. Natandaan kong ito 'yong daan papunta sa Principal's Office. Dumaan ako sa pathway at inabot ako ng ilang minuto bago makarating sa main building. Lumiko ako sa kaliwa at naglakad na naman papuntang Principal's Office. Nang sa wakas nandito na ako sa harap ng opisina, kumatok ako nang tatlong beses sa pinto. Hinintay kong magbukas ang pinto at matapos ng ilang sandali, bumukas na at nasa harap ko na ang principal.

"Miss Vega! Good Morning! Come in," ganadong bati sa akin Mrs. Levasco na para bang nakainom ng isang galong kape. "How may I help you today?" tanong niya pagkaupo niya sa kanyang upuan. Sumunod lang ako sa kanya pagkasara ko ng pinto. Umupo ako sa upuang nasa harap niya at ng mesa.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon