Forty Four

119 57 0
                                        

Friend or Fraud

R O R Y

Hindi ko maiwasang mamangha dahil ang ganda talaga ng boses niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa kanya. Habang siya naman ay nakapikit. Mas okay na 'yon para hindi niya makita ang reaksyon ko.

Pumunta ako dito sa studio dahil akala ko nandito 'yung mga kaibigan ko. It turns out, wala naman pala 'yong mga 'yon dito. Saan kaya sila nagpunta?

Aalis na sana ako kanina nang bigla kong mapansin na naka-ilaw ang kuwartong ito. Naka-sound proof ang kwartong 'to dahil dito sila nagre-rehearse kaya wala akong narinig. Lumapit ako hanggang sa hindi ko akalaing makita ko siya.

Ngumiti ako sa kalagitnaan ng kanta niya.

Nilalaro-laro ko lang 'yong daliri ko habang nakatingin at nakikinig sa kanya.

Hindi nakakasawa ang boses niya. Unang rinig ko palang naging musika na sa tenga ko. Sweet ang boses niya na masarap ulit-ulitin na pakinggan.

Diretso lang akong nakatingin habang nakapikit pa rin ang bilugan niyang mga mata. Makakapal ang kilay kahit hindi ginuhitan. Maganda at mahaba ang pilikmata niya. Matangos ang ilong at kung titigan ng mabuti ay medyo mapula ang dulo nito. Ang cute din ng mapulang labi niya.

I don't really appreciate black hair in women. I prefer brown or blonde. Siguro dahil halos lahat ng naka-date kong babae ay kung hindi brown ay blonde.

But her jet black hair really suits her. Bagay na bagay sa maputi niyang balat.

"Rory?"

Natawa ako ng bigla siyang tumingin sa akin. Nakakagulat nang bigla-bigla na lang siyang tumitingin. Kaya para hindi mahalata ay idinaan ko na lang sa tawa.

"Hey."

Mukha namang nagulat din siya. Hindi niya alam ang susunod niyang gagawin.

"Kanina ka pa diyan?"

Hindi ko rin alam ang isasagot. Tatango ba ako? Pero baka mailang siya sa akin dahil baka hindi niya intensyon na may makarinig sa kanya. Pero kung iiling naman ako, hindi naman 'yon totoo dahil kanina pa nga ako dito.

"Uhmmm."

Humakbang ako palapit habang minamasahe ang dalawa kong kamay.

"Miss Chloe, nandito na sila."

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Mia. Nihindi man lang niya ata napansin na nandito rin ako.

Naalis na ang pagsunod ko ng tingin kay Mia ng lumapit na si Chloe. Sinalubong niya ako ng isang ngiti na naging dahilan ng pagtitig ko sa kanya. Nakakaakit ang mata niyang ngumingiti rin kasabay ng kanyang labi. Ang dalawang mala-tuldok na butas sa magkabilang pisngi ang nagpakumpleto sa ngiti niya.

Dumaan siya sa gilid ko para umalis na at iniwan akong nakatingin pa rin kung saan siya kumanta kanina.

Medyo napapaisip ako.

Paano kaya kung sumali din ako sa The Damaged Band?

*****

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon