Thirty Two

110 57 0
                                    

Comfortable Tiptoe

Chloe's POV

"So, Chloe Bartolome, right?" Kaharap ko ngayon sa table ang lolo ni Ranz. He really looks intimidating. Parang kaharap ko lang si Dad.

"Yes, po." I tried not to look nervous. Ngayon pa na dalawa lang kaming nandito sa mesa at kumakain.

"How long have you been together?" Biglaang tanong niya bago ko pa maisubo ang strawberry na kinakain ko. Hindi ako fan ng fruits pero nakakahiya naman kasi sa kanya na kumakain ng isang bowl of vegetable salad kapag hindi ako kakain ng healthy.

"Bago pa lang po kami." I answered and gulped before he looked at me.

"Bago? What do you mean by bago? A week? A month?" Agad na tanong niya habang nilalagyan ng salad dressing ang kinakain niya.

"2? 3 weeks po?" Pagsisinungaling ko.

"Alam mo bang ikaw ang pangalawang naging girlfriend niya?" Tanong niyang muli.

Tutok na tutok talaga siya sa lovelife ni Ranz. I feel sorry for Ranz.

"Yes po. Sinabi naman po niya sa akin na may ex siya and... he told me that I have nothing to worry about." I answered and finally eat the strawberry. If there's chocolate syrup in here it'll be much better.

"Gusto ko lang makasigurado na hindi namamangka sa dalawang ilog si Ranz." Pabirong sabi niya at nakitawa na lang ako.

"Kahit na sandali pa lang po kaming magkakilala, sa tingin ko mabait naman po siya." Sabi ko- No. More on pagsisinungaling ko. He's not that kind. He prefers to be right than to be kind.

"Yes. Mabait talaga siya... as an apo. Pero hindi ko alam kung ganun din as a man." Sabi niya habang ngumunguya pa rin. Mukhang gutom siya ah.

Medyo gutom na din ako pero hindi ko alam ang gusto kong kainin. Gusto ko ng pasta pero wala naman silang ganun. More on healthy foods and sweet desserts.

Oh! Nakalimutan ko! May regalo pala ako sa kanya. Pinakuha ko kay Mint kanina sa kotse at pinatanggal ang balot para ready na.

I wonder kung nasaan si Mint. I need her.

Nang bigla sinagot ng universe ang hiling ko at nakita ko si Mint na naglalakad papunta sa tabing table. She's making sure that every visitor is doing great. Then she finally looked in my direction.

Dali akong kumaway sa kanya para makuha ang atensyon niya. Lumapit naman siya agad nang makita ako.

"Bakit po, Miss Chloe?" Nakangiting bati niya sa akin.

"Pwedeng pakidala dito 'yung pinahanda ko kanina?" Utos ko sa kanya at agad naman siyang tumango. Pero bago siya umalis ay tumayo ako inilapit ang bibig ko sa tainga niya at bumulong. "Pwedeng pakilagyan ng chocolate syrup." I said and smiled at her. Tumango naman siya at umalis.

"May pinahanda ka? Ano 'yun?" Tanong ni Mr. Don sa akin pagkaupo ko. I just smiled at him.

"May inihanda lang po akong konting regalo... para sa inyo." Naisip ko 'yong regalong 'yon nung may sinabi sa akin si Ranz tungkol sa Lolo niya. Nagpakuwento kasi ako kanya tungkol sa Lolo niya kahit konti lang. At may isa akong hindi makalimutan kaya nagpabili ako agad sa driver namin kanina. Tutal medyo malapit lang naman 'yong mall sa bahay.

"Nag-abala ka pa, iha. Sinabi ba yan ni Ranz?" Tanong niya at uminom ng tubig.

Sakto namang dumating si Mint kasama ang dalawang lalaking nagbuhat ng pinakuha ko.

"Dito na lang." Itinabi ko 'yong mga gamit sa mesa para magkasya. Mas malaki siya kesa sa inaasahan ko pero mas nagandahan ako ngayon kasi nagkita na naman kami ng favorite kong chocolate.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon