Sixteen

106 69 0
                                    

Chua's Case

Chloe's POV

Pagdating ko sa BH Campus, nagkukumpulan ang mga estudyante sa may bulletin board. Lahat sila nagkakasiyahan at 'yong mga babae kinikilig pa.


Ano kayang nangyayari dito?


Lumapit ako para tingnan sana kung ano'ng pinagkakaguluhan nila pero may mga nagsidatingan pa at nakisali sa mga nagkukumpulan kaya napaatras na lang ako.


Huwag na nga lang. Makikita ko rin naman siguro mamaya kung anong nandun.


Aalis na sana ako nang biglang may humila sa kamay ko pero agad ding nabitawan. Tumalikod ako para tingnan kung sino 'yon pero si Kian ang nakita ko at may tinitingnan siya sa likod niya. Tinignan ko kung sino 'yong tinitingnan niya. Si Sheryl.


Kailangan pala naming mag-usap. Lalapit na sana ako sa kanya nang biglang humarang si Kian sa dadaanan ko.


"Tumabi ka nga." Mabilis kausap 'to ngayon ah dahil tumabi nga agad. Lalapitan ko na sana si Sheryl pero bigla naman niyang hinarang 'yong braso niya.


Nagbibiro ba 'to o nambubwisit na?


"Dito na kayo mag-usap kung mag-uusap kayo." I glared at him and he just looked at me with his brows up.


"Miss Chloe, gusto kitang makausap. Kailangan po kitang makausap." Tinignan ko si Sheryl at naiiyak na naman siya. Wala na ba siyang ibang gagawin kundi umiyak?


Humakbang ako papalapit sa kanya pero nakaharang pa rin itong kamay ni Kian.


"Oh sige. Saan tayo mag-uusap?" Kailangan ko talaga siyang makausap. Now I know the reason why I needed to talk to her. May kinalaman ang pamilya niya sa bago sana naming shareholder. That delayed partnership made a huge effect to Dad and probably the company too. Nabalitaan ko kasi na medyo bumaba 'yong total ng sales sa VegaMall magmula nung nag-alis ng lahat ng branches nila 'yong isa sa mga shareholders namin. Now, we need to find a new one at 'yon nga 'yong NTB Cosmetics ni Mr. Lyndon Park. Pero hindi pa rin official dahil kailangan pa nilang linisin 'yong lahat ng problema nila para hindi kami madamay.


"Sa cafeteria na lang. Walang tao dun ngayon." Pinupunasan niya ang kanyang mata.


Tumalikod na ako at naunang maglakad papuntang cafeteria. Nararamdaman ko naman sa likod ko na sumusunod lang sila.


Ilang minutong lakaran at nakarating na kami sa cafeteria. Wala ngang tao rito pero naririnig kong may mga tao sa loob ng kitchen.


Namili lang ako ng isang upuan sa may tabi ng pader na walang bintana. Umupo na ako at sumunod naman siyang umupo sa harapan ko. Habang si Kian naman ay umupo sa upuan malayo sa amin.


"Anong pag-uusapan natin?" I started the conversation. Mukhang wala kasi siyang balak simulan kaya ako nang nauna.


"Miss Chloe, hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Kakapalan ko na rin po ang mukha ko. Humihingi po ako ng tulong sa inyo. Alam niyo naman na po siguro na may nanggulo sa kumpanya niyo. 'Yong tatay ko po 'yon at humihingi po ako ng tawad sa kung ano man pong nagawa niya. Hindi ko po alam na pupunta siya dun no'ng araw na iyon. Ang gusto lang naman niya ay ang balaan kayo."

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon