Five

144 76 1
                                        

The Girls

Chloe's POV

Matapos ang halos limang minutong paghihintay, bumalik na rin si Mr. Sanchez. Tiningnan niya ako at ngumiti siya kaya ngumiti rin ako pabalik. Nakalma ko na rin ang sarili ko bago siya dumating. I need to investigate him kung anong relasyon nilang dalawa.

Umupo na siya sa harapan ko nang hindi napuputol ang tingin niya sakin. Panay pa rin ang tingin sa akin hanggang sa makabalik siya sa kanyang pwesto. What is the problem of this guy? Kung siguro nakakamatay lang ang titig, malamang kanina pa ako nakahandusay dito.

May biglang narinig na naman akong tunog ng telepono. Kinuha ko ang phone ko mula sa bag ko na nakapatong sa lamesa at tiningnan kung sinong tumatawag. I see Garry's name appears. Wrong timing naman oh.

I just cancelled the call.

"You cancelled?" Tanong ni Mr. Sanchez.

"It's not important. " tumango lang siya at nagsimula ng magsimula. Tumayo ulit siya at umalis. Tiningnan ko lang kung saan siya pupunta at pumunta siya sa desk niya. May pinindot siya na kung ano at bigla siyang nagsalita.

"Amanda, bring the boys over here." Narinig kong utos niya. May kinuha siyang folder sa mesa niya at bumalik dito sa mesa. 'Yung schedule ko na siguro 'yung folder na hawak niya. Umupo siyang muli at ibinigay sa akin ang kulay maroon na folder. May logo ng BH sa gitnang itaas ng folder at sa bandang ibaba naman ng folder ay ang pangalan at section ko.

Binuklat ko ang folder at nasa loob ang schedule ko. Base sa nakikita ko, hindi naman masyadong busy dahil madami akong nakikitang vacant pero ang pagkakaiba nga lang sa mga naging school ko noon, may pasok tuwing linggo.

"Classes on Sundays?" Tanong ko sa kanya at parang alam naman niyang itatanong ko iyon dahil nakaprenteng upo pa rin siya.

"Yes, Miss Vega. May activities ang school tuwing Linggo pero kapag wala, regular classes. But if you're not okay with that, pwede naman nating ibahin ang schedule mo. We can replace your vacants with your supposed classes during Sunday ... just like some students," Paliwanag niya sa akin habang tinitingnan ko ang schedule sa araw-araw.

"No, it's fine. Okay na po ako dito." Sabi ko sa kanya at ngumiti. Mukhang palangiti si Mr. Sanchez kasi kanina pa siya nakangiti. At kasabay ng pagsukli niya sa aking ngiti ay ang pagtunog ng kanyang cellphone. Panandalian lang ang tunog nito kumpara sa ring kaninang may tumatawag sa kanya. May pinindot siya sa kanyang telepono at bigla may tumunog sa pinto. Pagkatapos, may nagbukas nito at iniluwal ang isang babae at apat na lalaki.

Mas bata ng kaunti ang babae kumpara kay Mr. Sanchez. Siguro nasa late 30's na siguro siya. Nakalugay ang maiksi nitong buhok na hanggang balikat at kulot ang ibaba. Maputi ang balat niya at wala pang kulubot ang mukha. Nakasuot siya ng maroon na katulad ng suot ko pero parang jacket version 'yung sa kanya at kulay puti ang panloob niya. May dalawang butones sa harapan na malalaki ang jacket at may gold din na logo sa kaliwang bahagi ng kanyang damit pero ang pinagkaiba lang ay nameplate 'yung nakalagay sa kanya at hindi nakaburda katulad nang akin. Naka maroon na skirt na mas mahaba lang kaysa sa akin ang pinagkaiba namin pero naka-white heels din siya ng mas maiksi sa boot ko. In-short, halos parehas kami ng uniform pero parang teacher's version 'yung sa kanya.

May kasama siyang apat na mga lalaki na mukhang kaedad ko lang. Naka-maroon din silang long sleeves, kakulay ng lumang limang pisong barya na pantalon, at puting sapatos.

Ngayon ko lang naalala na maroon pala ang kulay ng Grade 11. Iba-iba ang kulay ng long sleeves ng bawat year pero pare-pareho lang ang pang-ibaba. So, pare-parehas pala kami ng grade level ng mga lalaking nandito. Umupo silang lahat sa upuan at ang babae naman na sa pagkakatanda ko ay Amanda ang pangalan ay tumabi kay Mr. Sanchez at nanatiling nakatayo.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon