Fifteen

136 70 0
                                    

Cancer

Chloe's POV


Maaga akong nagising ngayon dahil hindi ako masyadong nakatulog nang maayos kagabi. Masyado akong maraming iniisip.


Alas-sais pa lang ng umaga, naligo na ako. Then, nagbihis ng PE uniform. Terno ang jogging pants at ang jacket na kulay itim. May zipper sa gitna ang jacket tapos may malaking logo ng BH sa may kaliwang dibdib. Plain black lang ito pero may kulay puting lining mula sa may balikat hanggang sa may handcuff.


Sa jogging pants naman ay gano'n din. Kulay black din ang jogging pants pero wala siyang lining sa gilid kundi may isang malaking puti sa gitna. Isang dangkal siguro ang laki at parang isang bendang nakapalibot sa may kaliwa kong binti. Kumbaga parang no'ng ginagawa nila itong pang-ibaba naubusan sila ng kulay itim na tela kaya kumuha sila ng puti at inilagay para matapos. Parang ganun pero hindi naman siguro. Mayroon ding big letter B at H sa kaliwa bandang itaas ng jogging pants. Kung nasaan 'yong kaliwang bulsa doon nakaburda ang dalawang letra.


Mayroon din palang hood ang jacket kaya pwede kong takpan ang ulo ko at magtago sa kamalasan para hindi na niya ako masundan ngayong araw. At kung nagtataka kayo kung jacket lang ba ang suot ko at walang panloob, pwes nagkakamali kayo. Nakasuot ako ng kulay puting sports bra sa ilalim. May kasamang sports bra na ibinigay kasama ng PE uniform.


Walang rubber shoes na kasama 'yong uniform kaya I guess ... kahit anong rubber shoes ang pwedeng isuot.


Buti na lang at paborito kong mamili ng mga rubber shoes at sneakers kaya marami sa may closet ko. Pumasok ako sa walk-in closet habang ang suot ay puting medyas lang tsaka ko binuksan ang pintong katabi ng 'bag room'. Pagbukas ko, bumulaga sa akin ang napakarami kong collection ng rubbers shoes. Mukhang shoe store na rito dahil sa linis at ayos ng mga sapatos. Naka-arrange ang mga sapatos by color at sobrang satisfying tingnan.


Inayos din siguro ito ni Kian kahapon because there's no way na magiging ganito kaayos itong mga sapatos. Tsaka medyo kabisado ko kung nasaan 'yong mga sapatos na lagi kong isinusuot pero ngayon nasa magkakaibang pwesto na sila.


Naghanap na lang ako ng pwede kong isuot ngayon na sapatos.


I'm feeling white today since full-on black outfit na ang suot ko. Some white to balance out this blackness-overload.


Humarap ako sa may white section at inumpisahan tingnan ang nasa taas at pababa. Matapos lang ng ilang segundo, nakapili na ako ng gagamitin ko. Plain white ito at wala namang masyadong design. Wala naman talagang design dahil plain white lang ito maging ang sintas, talampakan, at pati na rin sa loob. Ang kaunting kakaiba lang kumpara sa iba kong puting sapatos ay malaki ang talampakan nito. Malaki 'yong sa may ibaba nito. Kaya no'ng isuot ko, mukhang ang laki nang paa ko dahil malaki 'yong ilalim. Pero sobrang kumportable nito sa paa. As in ... sobra.


Pagkapili ko, umalis na ako sa sa closet at pumunta na sa kama ko para kunin 'yong gamit ko. 'Yong bag ko rin kahapon 'yong gagamitin ko ngayon since hindi naman siguro namin gagamitin ang laptop ngayon kasi PE naman.


Hindi ko rin naman ginulo ito kagabi kaya maayos pa rin ang laman. Pero tingnan ko pa rin dahil baka may makalimutan ako.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon