Seventeen

112 70 1
                                    

The Past is a Clash

Sheryl's POV

Flashback

"Amia, Tara na!" Masayang sabi sa akin ni Mama habang hawak-hawak niya ang basket na punung-puno ng mga pagkain. Lumabas na ako ng bahay at nakita ko si Papa na kinukuha ang basket mula kay Mama tsaka niya inilagay sa trunk ng kotse.

"Ang ganda naman ng anak ko! Sabi ko naman sa'yo na bagay 'yang bestidang binili ng tita Trinity mo eh. Lapit ka nga dito. Pa-kiss si Papa." Tumakbo ako palapit kay Papa at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Hanggang sa naramdaman kong nakalutang na ako sa lupa dahil binuhat pala ako ni Papa at inikot-ikot sa itaas.

"Aaaahhhh! Papa! Ibaba mo na ako! Ibaba mo na ako!" Hiningal ako pagkababa niya sa akin. Medyo umiikot din 'yung paningin ko kaya natumba ako sa may damo.

Naramdaman ko ring humiga si Papa sa tabi ko at humarap sa akin habang hinihingal din.

"Ano Sheryl, isa pa? Kaya pa, anak? Ang saya kaya sa taas. Tsaka ang presko kaya." Biro sa akin ni Papa kaya napangiti na rin ako. Si Papa talaga.

Ilang beses akong umiling ng bigla na lang may kumiliti sa akin.

"Mama-aah Ma- aaaha Ta- hahaha- Tama na! Mama- hahaha" Tawa lang ako ng tawa at pilit na inaalis ang kamay ni Mama na palipat-lipat ang kamay sa leeg at tagiliran ko.

Lagi na lang nila itong ginagawa sa akin. Kinikiliti nila ako palagi. Syempre, anong magagawa ng pitong-taong gulang na bata kapag pinagtulungan na siyang kilitiin.

Sa wakas at huminto na sila Mama at Papa at nakita kong medyo napagod din sila.

"Mahal na mahal ka namin, Sheryl. Lagi mo 'yang tatandaan." Sabi ni Mama sa akin at tinulungan niya akong tumayo. Pinagpag naming dalawa ang suot kong pulang bestida na binili ni tita Trinity para sa akin.

Lagi siyang nagbibigay ng mga damit at sapatos kapag bumibisita siya dito sa bahay. Minsan, isinasama pa ako ni Tita na bumili sa mall kapag wala si Mama at Papa.

"Mahal na mahal din po kita Mama. Dalawa po kayo ni Papa." Niyakap ko si Mama ng mahigpit. Nakita kong papalapit si Papa sa amin at nakiyakap na rin siya sa amin.

"Si Papa talaga. Naiingit siya eh." Biro ni Mama kay Papa kaya tinawanan ko lang sila. Lagi kasi silang nagbibiruan na para bang mga bata.

"Halika na po Mama, Papa. Piknik na tayo." Tumayo na ako at hinila ang kamay nilang dalawa. Tinawanan lang nila ako habang pilit silang itinatayo kahit na hindi ko kaya.

Excited na ako!

~~~~~~~~~~

"Mama, balik ulit tayo dun. Balik ulit tayo sa susunod ah." Sobrang saya pala dun. May mga playground at malawak 'yung palaruan. Madami ding mga batang naglalaro.

"Oo anak. Babalik ulit tayo dun. Kailan mo gusto?" Nakangiti si Mama na kausap ako. Pati rin si Papa ay nakikitawa na rin.

"Bukas. Balik ulit tayo bukas Mama. Nandun daw ulit si Santi bukas eh. Maglalaro ulit kami." May bago na akong friend. Si Santi. Siya 'yung nakilala ko kanina sa playground. Tinulungan niya akong mag-slide dahil medyo takot ako.

"May pasok ka bukas diba? Sa susunod na linggo na lang. Isama mo rin si Ate Trixie mo." Oo nga pala, si Ate Trixie hindi ko nasabihan.

"Oh sige po. Basta sa susunod na linggo Mama ah. Promise?" Iniangat ko ang kamay ko na para bang nanunumpa. Tinignan ito ni Mama at ngumiti siya tsaka niya iniangat din ang kanyang kamay.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon