One

247 85 15
                                    

Kneel and Beg

Third Person's POV

Matinding takot at kaba ang nararamdaman ng lalaki ngayon na nakaluhod sa harap ng mga armadong lalaki. Takot siyang mamatay, pero mas takot ang lalaki kung ang taong nakatayo mismo sa harapan niya ang papatay sa kaniya.

"Hatred. Hatred sorry po hindi ko po sinasadya. Hindi ko po gustong traydurin kayo," pagmamakaawa ng isang lalaking nakaluhod sa kaniyang harapan.

Nasa isang madilim na lugar sila na napapalibutan ng mga puno. Walang kailaw-ilaw sa lugar maliban sa dala-dalang kahoy na may apoy ng mga kasamahan niya na nagsilbing liwanag ng lugar. Nasa likod iyon ng kanilang kampo at mukhang madami ng nasaksihang mga pangyayari ang lugar na iyon.

"Hindi mo sinasadya? Paano kung patayin kita at sabihin kong hindi ko rin sinasadya?" Malumanay na sagot niya ngunit maririnig mo pa rin ang diin sa bawat salita.

"Hatred nakikiusap po ako, huwag nyo po akong papatayin. Pinapangako ko po na hindi ko na po uulitin... hindi ko na po kayo ulit tatraydurin. Nakikiusap po ako!" Ramdam ang takot sa bawat salitang kaniyang binibigkas. Ngunit hindi pa rin mababago ang isip ng taong tinawag niyang 'Hatred'. Tumayo ang lalaki at dahan-dahang lumapit kay Hatred. Agad-agad na tinutok ng mga tauhan niya ang kanilang mga baril.

"Huwag kang lalapit sa kanya! Subukan mo kung gusto mong mabasag yang bungo mo!" Pangbabanta ni Caius (pronounced as Keyus), ang assistant o kanang kamay ni Hatred. Tumigil ang lalaki sa paghakbang at lumuhod uli.

"Hatred huwag mo kong papatayin. Kunin mo na lahat ng armas na binigay mo sa akin, gawin mo kong tagalinis ng kampo o kahit na ano. Huwag mo lang akong papatayin!" Kahit na anong pagmamakaawa ng lalaki ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Hatred - ekspresyong hindi mo gugustuhing makita.

"Hindi ko kailangan ng tagalinis, ang kailangan ko ay tauhang tapat."

Hindi na pinansin ni Hatred ang pagmamakaawa ng lalaki sa harapan niya, tinalikuran niya lang ito at nagsimulang humakbang.

"Hatred, hindi ba natin siya papatayin?" Pagpigil ni Caius sa kanyang pag-alis. Humarap siya sa lalaki at kinasa ang baril, "O kung gusto mo ako na lang ang papatay. Sabihin mo lang kung kel-"

*Bang Bang*

"Ang babagal nyo. Iligpit na yan," walang ekspresyong saad ni Hatred habang ibinabalik ang kanyang ginamit na baril sa lalagyan nito na nakasabit sa sinturon ng kanyang pantalon.

Nagulat ang lahat dahil sa mabilis na ginawa ng kanilang amo. Mabilis niyang ginawa iyon sa lalaki ngunit sa kabila nun iniligpit na nila ang nakahandusay na katawan ng lalaking trumaydor sa kaniya.

Alam ng lahat na nararapat lang yun sa kaniya dahil kilala nila ang kanilang pinuno. Ayaw na ayaw ni Hatred ang mga traydor kaya kapag nalaman niyang may nanloloko sa kaniya ay agad niya itong pinapatay.

Bumalik na siya sa kanilang kampo at pumunta sa kanyang opisina. Nakasunod lang sa kanya si Caius hanggang sa pag-upo nito sa kanyang paboritong lugar - ang kanyang malaki at kulay itim na upuan - na kung iyong titingnan ay ika'y mamamangha at kikilabutan din dahil sa taglay nitong aura na tanging ang kanilang pinuno lang na si Hatred ang maaaring umupo doon.

"Hatred, patawad dahil naging mabagal kami. Hindi na yun mauulit," paghingi ni Caius ng tawad.

"Huwag kang humingi ng tawad dahil naging mabagal kayo, humingi ka ng tawad dahil hindi niyo nabantayan ng maayos ang mga tao na nandito sa kampo, may nakapasok tuloy na traydor. Siguraduhin niyo na hindi na to mauulit kundi, alam niyo na ang mangyayari sa inyo," maawtoridad na utos ni Hatred habang inaayos niya ang kanyang gintong maskara. Kalahati ng mukha niya ang natatakpan ng maskara upang hindi siya makilala ng kahit na sino.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon