Thirteen

125 71 1
                                    

Carbonara's Punishment

Chloe's POV

Dean's Office

"So tell me what happened." Nandito na kami ngayon sa Dean's Office para sa matinding pagpapaliwanag. "Trixie, you start."

"Si Chloe po yung nauna. Isinubsob niya po yung mukha ko sa carbonara, tapos sinampal niya po ako. Sa inis ko po, sinabunutan ko siya hanggang sa nagsabunutan na kami."

What a liar!

Nakaupo kaming lima dito sa harap ng lamesa ni Mr. Sanchez. Nakatayo lang sa tabi niya si Mrs. Levasco. Nakatayo naman sa likod nina Yanna, Bella at Trixie si Rory, samantalang katabi ko naman yung babae - na hindi ko pa alam ang pangalan - at nakatayo sa kaliwa ko si Kian.

"Totoo ba yun Miss Vega?" Tanong niya sakin.

"Nasa sainyo kung maniniwala kayo sa kanya." I just crossed my arms and my legs. Ang pinakaayoko talaga sa lahat ay ang magpaliwanag. I don't know but I just hate explaining myself to everyone. Even they'll going to believe me or not. I just hate it mas lalo pa ngayon na nasugatan pa ako.

"See, bakit ba kasi in-enroll niyo pa siya dito? This school is such an idiot to put a student here that is worth as sh*t." Inis na sabi ni Trixie.

"Don't talk to me like that Trixie! We accepted Miss Vega here because she belongs here. Wag mong sasabihing walang kwenta ang school na 'to kasi baka nakakalimutan mo, dito ka nag-aaral!" Nagngingitngit at nagpipigil ng galit na sabi ni Dean. "Miss Chua, ano naman ang involvement mo dito?!" tanong niya sa katabi ko ng medyo nahimasmasan na siya. Pero makikita pa rin ang inis sa mukha niya.

"Si- si- sinampal po ak- ako ni Miss-" Nakita kong tiningnan niya si Trixie at pinandilatan lang siya ng mata nito. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tiningnan niya ako.

"Sino?" Ulit na tanong ni Mr. Sanchez.

"Ni- ni- Trixie po." Yumuko ulit siya at nakita ko ang inis sa mukha ni Trixie.

"Sinampal mo pala siya Trixie, bakit hindi mo sinabi yun kanina?" Tanong ni Mr. Sanchez sa kanya pero hindi nakasagot si Trixie sa sinabi niya.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Ranz. Anong ginagawa niya dito?

"What's happening?" Tanong niya habang naglakad palapit sa amin. Tumayo siya sa gitna at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang bewang.

"Itong dalawang 'to, nag-away sa cafeteria. Nagsabunutan. Ano na nga ulit 'yung first offense na matatanggap sa ganitong sitwasyon, Ranz?" Napansin kong parang nakatingin sa akin si Mr. Sanchez mula sa peripheral vision ko kaya tiningnan ko siya pero agad niyang ibinaling ang tingin niya kila Trixie.

Ganun din ang napansin ko kay Ranz kaya sunod ko siyang tiningnan at iniwas niya rin ang tingin niya.

"One week community service." Sagot ni Ranz sa tanong ni Dean kanina.

One week comunity service? Really?

Napansin kong halos sabay na napanganga sa gulat sina Yanna at Bella habang si Trixie naman ay nanlilisik ang mga natang nakatingin sa akin. Para bang isang toro na nakakita ng pulang tela at handa nang sumugod.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala rin naman akong mapapala.

Nga pala, ngayon ko pa lang natingnan ng ganito katagal sina Yanna at Bella. At ang masasabi ko lang, saan kaya nanggagaling ang pagkamasungit nila na para bang lagi silang handang maghamon ng away. Hindi naman sa panghuhusga pero mukha silang mga babae na kahit isang ipis lang ang makita sa gilid ng kuwarto ay magtititili na sa takot.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon